CHAPTER 22
Phone
"Ingat ka, anak, ha?"
"Opo, mama."
Tumawag ako sa kanya para ibalita na papunta na si Gavin para sunduin ako. I picked up my backpack, nandoon na yung pangswimming ko, toiletries, at extra'ng bihisan ng damit. Ch-in-eck ko muna kung may kulang ako at nang okay naman na, lumabas na ako ng bahay at ni-lock ang pinto.
Ito yung first time na makakapunta ako sa bahay ng kaibigan at sobrang excited ako! Kinakabahan lang dahil nai-imagine ko yung bahay nilang mala-palasyo yata sa laki, tapos may swimming pool pa!
Sumilong muna ako sa tindahang nasa may kanto namin. Dito rin nag-iinuman yung mga lalaking nakakasalubong minsan pero buti na lang, wala sila rito. Baka dahil maaga pa? Alas nuebe pa lang naman.
"Uy, Phoebe!"
Napatingin ako sa gilid nang may tumawag sa akin. Yung mga babaeng nakasalubong namin ni Karim dati, yung nakikipagkaibigan pero sabi niya, tingnan ko raw muna yung intensyon bago magdesisyon kung makikipagkaibigan nga ako. Kasama rin nila yung kuya ni Letlet na Kokoy pala ang pangalan.
"H-Hi..." Nahihiyang sabi ko.
"May lakad ka? Saan? Naghihintay ka ng masasakyan?" Ngumiti ang kuya ni Letlet at mas lumapit pa sa akin.
"Uh, oo... sa bahay lang ng kaibigan ko."
Umaliwalas ang mukha ni Letlet at ng iba pa niyang kaibigan. "Iyon ba yung pogi na kasama mo noon?"
"Kaibigan lang ba 'yan o boyfriend mo na?" Nagtaas ng kilay si Kokoy.
Isang araw, nagpakilala siya sa akin. Doon ko rin nalaman na fifteen na nga siya at tama si Karim na mas matanda sa akin. Hindi ko alam kung bakit lahat na lang ng sinabi niya, tama siya. Kaya kapag minsang naiimbitahan akong maglaro, nandoon din ang kuya ni Letlet, hindi na ako sumasali. Kapag naman kasi wala ang kuya niya, sa dalas na naglalaro sila sa labas, hindi naman ako pinapansin. Kaya baka nga may ibang motibo.
Sasagot na sana ako nang may pamilyar na boses namang tumawag sa akin.
May puting kotse na nakapark sa tapat namin at nakababa yung bintana noon. "Pheebs, halika na!" At bumaba rin siya sa sasakyan nila.
"Ayan ba yung kaibigang sinasabi mo? Ang pogi rin, ha!"
"Ang dami mo namang kaibigang pogi! Mukhang mayayaman!"
"Ay, pogi? Salamat, mga miss!" Mayabang na ngumisi si Gavin at inakbayan ako. "Pero mauuna na kami, ha? Bye!"
Tuluyan na akong nahila ni Gavin at pinaunang sumakay sa kotse.
"Hay nako, kanina pa ako kinukulit ng boyfriend mo."
"Anong sinasabi mo diyan?" Nagtataka ko siyang tiningnan.
"Kuya, tara na. Kina Karim na po."
"Sige po, sir," sagot ng driver.
Pinakita ni Gavin yung phone niya sa akin. "Ayan, basahin mo. Hindi ko na nga nire-reply-an. Sinabi ko nang papunta na kami sa inyo, eh."
Karim:
Nasaan na kayo?Karim:
Nasundo niyo na si Phoebe?Karim:
Gago ka, nakikita kong sini-seen mo yung chats ko.Karim:
Gavin Ford!Karim:
Nasaan na yung girlfriend ko? Mamaya itakas mo 'yan, ha! Lagot ka sa akin.May sumulpot pang isang chat galing pa sa kanya.
Karim:
Fifteen minutes na. Nasaan na kayo?"Reply-an mo na nga. Palibhasa, honeymoon stage kaya excited pa," natawa siya.
BINABASA MO ANG
When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)
RomansaWhat happens when you try to reclaim a love that once burned brighter than the stage lights? Phoebe Celeste Revilla was once the heartbeat of Karim Dain, the electrifying drummer of the renowned rock band, Chasing Celestine. They had a love story th...