𝗥𝗮𝘄 𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 11

71 2 0
                                        

Taliana

"This is all a Bullsh*t!"

Marahas niyang itinapon sa sahig ang kanyang itim na sombrero sabay tingin sa'kin gamit ang galit niyang mga mata.

"How could you?" Halos pabulong na ito. Hindi agad ako nakasagot, nanatili na lamang akong nakatayo roon sa harap niya.

Mabibigat ang kanyang paghinga at namumula ang kanyang gwapong mukha. Halata sa kanya ang galit at pagtitimpi.

Parang sa kahit ano oras ay gusto niya akong lapain at saktan.

Napakagat ako sa sariling labi at pinigilan ang sariling huwag manginig at matakot.

Matapang kong sinalubong ang kanyang mga matang nagdidilim sa galit.

Maya-maya pa ay napaigtad ako nang kanyang sinuntok ang pader sa likuran ko. Sa lakas niyon, may tumalsik na dugo sa pisngi ko.

Huwag kang matakot, Mariana. Kasanan mo din naman ang lahat ng ito.

"Ha! You're driving me crazy, Taliana! Why are you doing this to me?!" Ang boses niya ay nanlamabot ng tuluyan. Tumingin siya ng marahan sa akin ngunit meron itong pagtitimpi.

Sinasabi ng kilos niya na gusto niya akong hawakan at lapitan. Ang katawan niya, para gusto niyang idikit 'yon sa'kin. Siguro ay guni-guni lamang ang mga 'yon.

"Bakit mo ginagawa sa'kin 'to? Are you challenging me? Is it because I act less strict and went good to you, makes you think that you can play with me like this?"

Napasabunot siya sa sarili niyang buhok na ngayon ay gulong-gulo at basa. Ang uniporme niya ay nakabukas nang tatlong butones kaya't kita ko ang kanyang maskuladong dibdib. Pawisan din ang kanyang makinis na noo at wala siya sa ayos ngunit hindi parin maikalaila ang kanyang gwapong mukha.

Hindi ako sumagot at nanatiling tulala sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay baka may kung anong mga salita na dapat hindi sabihin ay masasabi ko dahil sa halo-halong emosyon sa loob ko.

Hindi ko pa naman kontrolado ang bibig ko at nasasabi ko nalang ang lahat ng laman ng isip ko.

"Tell me." Matigas niyang aniya. "Do I deserve to be disrespected like this? I have warned you im the first place, I will punished you once you disobeyed me."

Biglang sumeryoso ang kanyang boses. Nanlalabo ang mga mata kong tumingin sa kanya.

"B-bakit hindi mo gawin? Sige, parusan mo ako. Saktan mo ako. Huwag mong pigilan ang sarili mo, Warden!" Sigaw ko sa kanya. Ngayon, nakahawak ako sa kanyang kwelyo.

Hindi siya gumalaw o nanlaban. Nandoon lang siya, pinapanood at tinatanggap ang mga sariling lumalabas sa bibig ko.

Para na siyang sumusuko.

"H-hindi ko naman sinabing maging mabait ka sa'kin, e. Itrato mo ako gaya ng trato mo sa ibang mga kriminal dito! Para alam ko kung saan ako lulugar."

Sarkastiko siyang tumawa sa kawalan at lumayo.

"You're unbelievable, inmate 2789."

"Tinawag mo akong Taliana kanina, ngayon ay ang numero ko na?" Lumabas ang mga luhang nagbabadya sa mga mata mo. "P-pinaglalaruan mo ba ako, warden? Bakit mo ginagawa sa'kin 'to?"

Matagal bago siya nagsalita.

"I don't own you an explanation, inmate 2789. Alam mo kung anong ginawa mo. You dare to have s*x in my fvcking office. Right infront of my territory. Have you got no pride, anymore?"

Natigilan ako sa mga sinabi niya. Hindi ko maikubli ang sakit na dulot niyon sa loob ko. Siguro nga ay totoo ang sinasabi niya. Wala ng pride na natitira sa loob ko. Isa akong marumi at pariwarang. babae

WARDEN'S PETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon