Lira's POV
"Lira yung sapatos mo!" Sigaw ni Ashley saken dahil nakita niyang sira yung sapatos ko. At puro putik ito na nakalagay sa locker ko.
Umuusok na talaga ang mga ilong, mata at buong kalamnan ko gusto kong manakit. Kinuha ang sapatos at nagmadaling pumunta sa paboritong tambayan nang Mhytical Trio.
Yung Guizon na yun ! Gusto yata masaktan. Makikita talaga niya ang hinahanap niya. Nagkakamali siya nang pinag-kakatuwaan.
"Teka lang Lira, saan ka pupunta?"
Awat saken ni Ashley, ngunit patuloy lang ako sa paglalakad."Ibabalik ko lang sa Guizon na yun ang gusto niya!"
Inis na sambit ko.Habang palakad papunta sa paboritong tambayan nang Mythical Trio na yun.
"Lira! Seryoso ka ba? Pupuntahan mo talaga yung mga yun?" Patuloy na awat saken ni Ashley.
"Walang sino man ang pweding mam-bully saken!" Inis kong sambit.
Nang makita ko ang tatlong nagtatawanan at mukang masaya . Agad kong binato si Lucas nang sapatos kong puro putik.
"What!?"
Inis siyang humarap saken na nagkasalubong ang mga kilay.
Tingnan ko ngayon ang tapang mo."Ano bang problema mo Mr. Guizon ! Hindi mo ba talaga ako titigilan?"
Inis na sambit ko sakanya. Nakakairita talaga ang muka niya."Ano bang sinasabi mo?"
Wow, kunwari pang hindi niya alam kung ano ang mga sinasabi ko. Alam ko namang pakana niya ang lahat nang nangyayari saken sa dito loob nang Hying."Sino nagsabi sayong pwede mo kong pag-laruan? Ano bang problema mo Mr. Guizon? Kulang ka ba sa aruga nang magulang?"
Natigilan siya sa mga sinabi ko. Nakita ko sa muka niya ang pagkalungkot, mas lalong naningkit ang mga mata at tila sasaboh na rin sa galit.
"Walang sino man ang pwedeng Mam-bully saken! Kahit ikaw pa ang anak at taga pagMana nang Mundong to! naiintindihan mo!?"
Sabay hagis ko sakanya nang isa ko pang sapatos sa sobrang inis ko na mas ikinagulat niya."Hey!" Sigaw niya pagkatapos ko siyang batuhin pa ulit nang sapatos ko. Tumalikod na ko at nagsimulang maglakad palayo sakanila.
"Wow ang tapang talaga ni Lira! Gusto ko na ata siya!"
Rinig kong sambit ni Clark habang akoy palayo."Shut up Clark!"
sigaw naman nang mayabang sakanya.
Abnormal talaga siya.Agad akong nagmadali pabalik sa locker room upang kunin ang isa pang pares ko nang sapatos na naroon.
"Miss? Excuse me?"
Napalingon ako sa babaeng nagsalita."Dude, si Luna ohh!"
"Grabe ang ganda talaga niya noh!"
"Ang ganda ni Luna"
"Bakit siya nandito? hi Luna!"
Ilan sa mga naririnig ko sapaligid. Sino tong babaeng to? Mukang hindi siya dito nagaaral dahil sa suot niyang damit. At bakit ako ang kinakausap niya?
"Hmmmm, miss kilala mo ba sina Liam Montero? And Lucas Guizon?"
Bakit niya hinahanap ang mga yun?"Ah yung Mhytical Trio ba?"
"oo eh, pasensya na naliligaw ata ako?"
Nagpalinga linga siya, na tila may hinahanap."Nandun sila sa dulong classroom sa kanan."
Tinuro ko ang ikalawang palapag malapit sa corridor na silid.
BINABASA MO ANG
The Beautiful HEIR
Teen FictionKung sa True Beauty nang K-Drama, nagpanggap na maganda ang babaeng bida, ako naman kailangan magpanggap na panget para maprotektahan ang pamilya.