August 14, 2024 | 3,652 Words
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ
ㅤ"Mommy mommy, tulong! Hinahabol ako ni Ruffles!"
ㅤ
ㅤ
ㅤMatining na boses na nanggagaling sa maliit niyang bibig habang tila binibigyan ng buhay ang mga maliliit na tau-tauhan niyang gawa sa ginantsilyong estambre. Nakadapa si Riley paharap sa akin sa tabi ko habang iwinawagayway ang pareho niyang binti sa ere.
ㅤ
ㅤ
ㅤ"Sayo nga muna si Mathilda, Ate. Kakagatin kasi siya ni Ruffles eh." Aniya habang nakaunat ang braso patungo sa akin hawak hawak ang isa sa kanyang mga laruan, si Mathilda.
ㅤ
ㅤ
ㅤ"Hindi naman nakakanganga si Ruffles
eh. Tignan mo, hindi naman niya nabubuksan 'yung bibig niya."ㅤ
ㅤ
ㅤ"Dali na, baka umiyak pa si Mathilda pag kinagat siya ni Ruffles ehh." Pamimilit nito. Mukhang nabubuhayan muli ang loob kong mang-asar at magpaiyak ng kapatid.
ㅤ
ㅤ
ㅤ"Ako na lang ang kakagat kay Mathilda."
ㅤ
ㅤ
ㅤ"Ano ba yan Ate... Hay nako, kay Kuya na nga lang." Binatuhan ako ng masamang titig saka umalis mula sa pagkakadapa at tumayo. Sakto namang huminto ang sasakyan nang makarating sa isang malaking crossing. "Kuya, hawakan mo nga muna si Mathilda. Kakagatin kasi siya si Ruffles ehh, saka ni Ate."
ㅤ
ㅤ
ㅤ"Ay hala, wag mong ilalapit sakin yan si Mathilda. Baka maging dalawa yan pag ako ang kumagat jan." Nakangiting sakay nito sa kalokohan ko. Sinasabi ko na nga ba, pati siya malakas din ang trip kay Riley.
ㅤ
ㅤ
ㅤBumalik mula sa pagkakadapa nito si Riley. "Sige na Ruffles, kagatin mo na si Mathilda."
ㅤ
ㅤ
ㅤHindi na namin napigilang ilabas ang tawa. May pinagmanahan din talaga ang bunso, napasahan din ng good sense of humor.
ㅤ
ㅤ
ㅤMuling pinaandar ni Kuya Lucas ang sasakyan nang mag-berde na ang ilaw sa kalsada. Nakahawak ang kaliwang kamay nito sa manibela habang ibinaba naman ng kanang kamay nito ang sun visor upang takpan ang sinag ng araw na inabot na ang kanyang mukha, kahit na may shades na itong suot. Magaang tumakbo ang sasakyan habang sumasabay sa agos ng trapiko.
ㅤ
ㅤ
ㅤ"Kumusta pala yung sa entrance exam mo, Maya? Wala pa bang balita don?" Bigla nitong pagtatanong. Napatingin ako sa rear view mirror habang nakatingin din ito sa akin gamit iyon.
ㅤ
ㅤ
ㅤ"Pasado po. Natanggap ko yung email ng unversity kagabi lang. Pupuntahan ko nalang yung interview ko sa kanila next week." Tugon ko.
ㅤ
ㅤ
ㅤ"Kaya mo yan, Engineering? Easy easy lang yan sa'yo. Basta pagbutihin lang ang pag-aaral tulad ng mga nakaraan. Hayaan mo sa susunod na uwi ko, bibilhan kita ng laptop. Alam ko kailangan mo ng ganon ngayong college."
YOU ARE READING
3008
Mystery / ThrillerRUN. HIDE. STAY ALIVE. * * * Maya, along with her siblings Ethan and Riley, enters a seemingly ordinary furniture mall, a simple decision that soon becomes the greatest regret of their lives. Separated from her siblings, Maya finds hersel...