Reception

3 1 0
                                    

Analea's POV

Napakabusy ng umaga ngayon. Habang nakaupo ako at pinapanood si Avery habang inaayusan ito ng buhok at makeup hindi ko maiwasan na mainggit.

Sinubukan kong panatilihing positibo ang mga iniisip ko pero tinamaan ako ng katotohanan. Ako dapat ang nasa posisyon niya ngayon, naghahanda para ikasal kay Tyler.

Kung hindi lang nangyari ang arranged marriage na ito iba sana ang takbo ng buhay namin.

Pinilit kong ngumiti at binati si Avery, pinakita kong masaya ako para sa kanya kahit labag sa kalooban ko.

Pero habang nagpapatuloy ang paghahanda namin ay nadala ako sa mga pangarap namin nuon tungkol sa kung ano sana ang mangyayari sa amin. May nakaraan kami ni Tyler, isang koneksyon na naputol ng mga pangyayari na hindi namin kontrolado.

Ako ang nakipaghiwalay pero ginawa ko iyon para sa kanya. At ngayon, nagsisisi na ako. Iniisip ko pa lang na ikakasal na siya sa iba ay napakasakit para sa akin.

Naiwasan ko pang tumingin noong mag-kiss na sila sa simbahan tanda na mag-asawa na sila. Pakiramdam ko nawasak ako sa nasaksihan ko ngayon.

Pagkatapos ng seremonya ng kasal, habang papunta na ang mga bisita sa reception ay sumunod na rin kami ni Thalia.

Magkasabay kami sa sasakyan at magkatabi sa likuran. Habang nasa biyahe ay tinanong niya ako.

"Masaya ka ba, Ate Analea?" tanong niya.

Pinilit kong ngumiti. "Oo naman."

"Dapat ikaw iyon," sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Ikaw naman talaga ang mahal niya. Dapat ikaw ang pinakasalan niya, hindi ang babaeng iyon na gusto lang gamitin ang pamilya namin para sa kapakinabangan nila." Dagdag niya. Nagulat ako sa sinabi niya.

Tama, maganda ito na na hindi niya gusto si Avery para may kakampi ako sa pamilya ni Tyler.

"Tingin mo?" tanong ko.

Tumango siya. "May chance pa na magkabalikan kayo. Kapag naayos na ang kumpanya ng mga magulang ni Avery, hihiwalayan na siya ni Kuya Tyler. Aksidente kong narining ang usapan nina Kuya Tyler at Mr. Fernandez about doon."

Nabigla ako sa narinig ko. Kaya pala, iyon pala ang plano niya. Napangiti ako sa narinig ko. "Sa tingin mo gagawin ng kuya mo yon kapag naayos na ang lahat?"

"Yeah, I know him. Mas pipiliin ka niya kaysa magtiis na makasama ang babaeng hindi naman niya talaga mahal." Ngumiti siya. "Bigyan mo lang siya ng oras. Besides, legal naman ang divorce dito sa London."

Kahit napangiti ako sa mga sinasabi ni Thalia, hindi ko maiwasan ang malungkot. Hanggang kailan ko hihintayin si Tyler kung ganoon? Paano kung matagal?

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa venue. Napakaganda ng lugar. Pagpasok namin, humanga ako sa mga nakita ko.

Puno ng mga kumikislap na ilaw at eleganteng floral arrangements ang malaking venue. Para itong isang magical winter wonderland. Ang bawat mesa ay may mga puti at silver na centerpiece. Halata rin sa mga bisita ang masaya nilang pag-uusap.

Nakita ko ang mga magulang ni Tyler na pinalilibutan ng ibang mga bisita para makausap sila. Hindi maikakaila na respetado ang mga magulang niya sa business world, at ang mga balita tungkol sa mga iskandalo at pandaraya ay pawang kasinungalingan para sirain ang kumpanya nila.

Naupo ako kasama ang ibang bisita, katabi ko sina Ruth at Thalia. Sinusubukan kong mag-focus sa kagandahan ng paligid kaysa sa sarili kong kalungkutan. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang masayang mukha ng mga tao at halos lahat ay handang ipagdiwang ang kasal nina Avery at Tyler.

A Journey Through Love and LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon