Chapter 1

981 26 2
                                    

SHARIAH POV

"waahhhhhhh, ang pogi naman nya..my ghad..!!!", tili ng isa kong kaklase..

Anong meron??..first day ng school tapos puro tili ang naririnig ko..tss..ako nga pala si Shariah Santos..16 years old, 4th year highschool dito sa Star Academy..

"bestie!! may bago tayong kaklase..ang gwapo friend!" , sabi ni Steph..ang aking bestfriend..kadadating nya lang pero daig pa nya ko sa pagsagap ng chismis..well..may pagkachismosa talaga sya..samin kasing dalawa, sya ang maingay at showy, ako naman ang tahimik at shy type..buti nga nagkakasundo kame kahit magkasalungat ang personality namin..

" ano naman kung gwapo?..tss..sa panahon ngayon, diploma ang kailangan mo hindi gwapo "

" ay ang bestie ko, KJ..ano ka ba naman Shah, walang masama sa paghanga at pag appreciate ng gwapo.. "

" kung gwapo lang din naman..wala nang hihigit pa sa matteo do ko noh "

" sige mainlove ka jan sa man of dreams mo na napakaimposible mong makilala sa personal "

Hindi na ko umimik pa kasi hahaba lang ang usapan namin..pag kasi si matteo do na ang pinag usapan namin..pinapamuka nyan sakin na walang ganung tao ang nag eexist..sus..umayos na lang ako ng upo nung dumating na ang teacher namin..kasama nya yung tinitilian ng mga kaklase ko..yung bago naming kaklase..ok..gwapo nga sya..pero mas gwapo pa din ang matteo do ko :-D..

"ok class..alam nyo na siguro na may bago kayong kaklase..Mr. Madrigal, please introduce yourself"

" good morning..ako nga pala si Ronnie Madrigal, 16 years old.. "

Pakilala nung bagong salta..muka namang tanggap sya ng mga kaklase namen dahil nga sa gwapo daw..ang dami ngang kinilig ehh lalo na nung ngumiti ito..after nya magpakilala, naghanap na sya ng bakanteng upuan..at yung upuan na yun ay yung nasa likod ko..at nang mapadaan sya sa tapat ko..nginitian nya ko..hah??..ako ba talaga ang nginitian nya o namamalik mata lang ako??..

" huy bestie..kita ko yun hah..ngumiti sya sayo..ayyiieehh!! "..pang aasar sakin ni Steph..hindi ko na sya pinansin kasi nanlamig ako bigla pero pinagpapawisan naman..at ang lakas din ng kabog ng dibdib ko..anyare??

Chapter 2

SHARIAH POV

Lunch break na at andito kami ngayon sa canteen..kakaupo pa lang namin sa isang bakanteng upuan nang magtilian ang mga estudyante sa canteen kasama na ang bestfriend ko..isa lang naman ang nagpapatili sa mga yan ehh..nga gwapong nilalang na akala mo ehh napakaperpekto..

" Shah!!..ang pogi talaga nya..nakakainlove "..sabi sakin ni Steph na nagniningning pa ang mga mata..

" inlove agad??..hay naku..tumigil ka nga jan.. "

" ang KJ mo talaga..hindi ka man lang ba kinilig sa kagwapuhan ni Ronnie??.. "

" H-hindi noh..sus.. "..nauutal ko pang sabi..teka bat ba ko nauutal??..

" ahh excuse me!! pede bang makishare sa table??.wala na kasing bakante ehh.. "..magalang na tanong ni.......Ronnie??..bakit samen pa sya makikishare??..ang daming babae ang inaalok sya ng upuan ehh..

" ahh oo naman..diba bestie?. "
grabe..ngumiti na naman sya saken..ano bang meron at lagi sya ngumingiti..nakakainis na hah..may nakakatawa ba sa itsura ko?..bukod sa eyeglasses ko at buhok na nakabraid..ano pang nakakatawa saken??..

" ahh bestie!! "

" ay kabayo ka!! ano ba naman Steph..bat ka nanggugulat?.."

" hello kanina pa kaya kita tinatanong jan "

" ahh Steph right??.mukang ayaw ata ng kaibigan mo..ok lang..salamat na lang hah "..
ngumiti pa sya nang napakaganda kay Steph kaya etong isa ehh halos mahimatay na..after nya ngumiti ay tumingin sya saken at tinanguan lang ako..hah?? nasan na yung ngiti nya??.teka bat ko ba hinahanap yung ngiti nya??..at bago pa man sya makaalis ay sinabi ko na pede sya makishare samin..isipin pa nito na ang damot ko..agad naman syang umupo sa harapan ko at nagthank you..mejo nailang ako sa mga tingin nya kaya ipinako ko na lang ang tingin ko sa pagkain ko..

" ahh Ronnie..ang galing mo sa Math kanina "..pag uumpisa ni Steph..hindi na ko makikisalo sa usapan nila..bahala silang mag usap jan..

" nakatyamba lang..ang totoo kasi nyan..hindi ako magaling sa Math.. ", nagkamot pa sya ng ulo nya na parang nahihiya..eto na naman ang heart ko..masyado mabilis ang takbo..parang may karera..ano bang nangyayari saken??

" ganun ba..si Shah magaling sa Math..pede ka magpaturo sa kanya..diba bestie?.."

" ano bang pinagsasabi mo jan..tumigil ka nga "..hindi na nga ako nakikisali sa usapan nila..eto namang bruhang to..pilit ako dinadamay..

"talaga naman ahh..ikaw nga ang halimaw sa pagcocompute ehh..alam mo ba Ronnie, hindi na nyan kailangan ng calcu..kasi sa hangin yan nagcocompute..air solution nga ang tawag namin jan ehh "..

" wow!!..talaga?..ang galing mo naman Shariah ", puri sakin ni Ronnie..teka..pano nya nalaman ang pangalan ko?..napatitig na lang ako sa muka nya lalo na nung ngumiti sya..at nagulat ako nang tumingin sya saken..shocks!!

" ahh bestie..CR lang ako..excuse me! " paalam ko sa kanila..at agad akong tumakbo papunta sa CR..

Pagdating ko sa CR, napahawak ako agad sa dibdib ko dahil feeling ko lalabas na ang puso..ano ba naman tong nangyayari saken..baka may sakit na ko sa puso??..hala..naputol lang ang pagmumuni ko nang magtxt si Steph..nasaan na daw ako..kaya nagpasya na kong bumalik sa canteen..andun pa din si Ronnie at nang makita nya ako ay agad syang ngumiti..nginitian ko na lang din sya nang pilit dahil yung puso ko ay nagwawala na..

" bestie..ang tagal mo naman sa CR..ok ka lang ba?..parang namumutla ka.. "

" ahh ok lang ako..teka sina Ian nasaan?.." tanong ko kay Steph nang mapansin ko na kanina pa sila wala..sina Ian, Jeffrey at JB ay kabarkada namin..kabanda din sila ni Steph..oo may banda sila..ang G Clef..sikat na sikat sila sa school pati na rin sa iba dahil nga sa dami na nilang nasalihan na battle of the bands..lagi nga silang panalo at isa pa..gwapo yung tatlo at maganda naman ang bestie ko kaya hindi na nakakapagtaka na sikat talaga sila..

" may inaasikaso lang sila para sa welcome party para sa mga freshmen ", paliwanag naman ni Steph..sa mga ganang bagay kasi..yung tatlong kolokoy ang bahala..basta ang kay Steph lang ay sya ang bokalista..

" ahh freshmen lang ba ang invited dun sa party? ", tanong ni Ronnie kay Steph

" ahh syempre kasama tayo dun..ang mga higher year kasi ang magwewelcome sa kanila ", paliwanag naman ni Steph na mukang nakamove on na sa kagwapuhan ni Ronnie..normal na kasi ang way nang pagsasalita nya ehh..

" ayos!!..makikita ko na ang G Clef na magperform sa stage..ikaw ang bokalista diba?..sa video ko lang kasi kayo napapanood.."

" naku..sigurado mag eenjoy ka dun..tamang tama..kayo na ni Shah ang magsama sa party..dahil for sure..busyng busy kami sa mga oras na yun "

Ayos tong kaibigan ko na to..naibenta na agad ako..nagdalawang isip tuloy ako kung aattend ako sa party na yun..hay naku..

1st ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon