SHARIAH POV
*bzztt
"nandito na ko sa tapat ng bahay mo -- Ronnie"
Pagkabasa ko ng text ay agad na kong lumabas ng bahay..baka kasi makita pa sya nina Mama at Papa..naku delikado..papunta na kami ngayon sa welcome party..sya ang kasama ko ngayon dahil nga sa binenta na ko ng mahal kong kaibigan..eto namang sina Ian ay hindi na tumutol dahil pinsan sya ni JB..small world..tss..at take note..kabarkada na namin sya..agad syang nakasundo ng mga boys ehh..
" ganan ka ba talaga?..", nagulat naman ako na bigla syang nagsalita..nakasakay kami ngayon sa kotse nya..rich kid..bata pa lang ay may kotse na..
" i mean ang tahimik mo kasi..ibang iba ka sa kaibigan mo ", pagpapaliwanag nya ng mapansin nya na nagulat ako..
" ahh ehh.. ", hindi ko alam kung bakit wala akong masabi sa kanya..ano bang sasabihin ko..pede ko bang sabihin na oo tahimik lang ako kaya manahimik ka jan..parang ang rude naman ata..napansin ko na itinabi nya ang kotse nya sa kalsada..
" naiilang ka ba sakin?..wala pa nga pala tayong maayos na pagpapakilala.. ", sabi nya habang parang may iniisip..oo nga pala..wala talaga kaming pormal na pagpapakilala..nagkasama lang naman kami dahil sinama sya sa barkada namin..at isa pa..pinsan nga sya ni JB..
" ako nga pala si Ronnie Madrigal ", pagpapakilala nya habang nakalahad ang kanang kamay nya..agad ko namang sinakyan ang trip nya..
" Shariah Santos ", tinanggap ko ang kamay nya at nakipagshake hands..ngumiti naman sya sakin na nagpakabog na naman ng dibdib ko..pakiramdam ko din ay namula ang pisngi ko..my ghad!!..ano bang nangyayari sakin?..
" ayan..officially friends na tayo..so pede ka nang magsalita?.." napatawa naman ako sa sinabi nya..
" nagsasalita naman ako ahh..",
" i mean yung makikipag usap ka na sakin..mula kasi nung nagkakilala tayo..hindi pa tayo nakakapag usap nang ganito..samantalang si Steph alam ko na ata ang kwento ng buhay nya..", natatawa nyang sabi nang maalala nya kung gano kadaldal ang bestfriend ko..
" teka..may gusto ka ba kay Steph? "
Pinaandar nya lang ang kotse at hindi sinagot ang tanong ko..
" hui..bakit ayaw mong sagutin ang tanong ko?.." nginitian nya lang ako habang nagmamaneho pa din..wow..dedma?..tumahimik na lang ako..dahil mukang hindi sasagutin ang tanong ko..after a few minutes..nandito na kami sa parking lot ng school..sa gym lang naman kasi ang party..at bago pa ko bumaba ng kotse nya..may sinabi sya sakin na nagpatamlay sakin..
" i like a girl who has an angelic voice "
Sa sinabi nyang yun..alam ko na may gusto nga sya kay Steph..dahil ang bestfriend ko lang ang kilala ko na may mala anghel na boses..pero ang pinagtataka ko..bakit parang nakaramdam ako ng lungkot..hindi ko alam kung san nanggaling ang lungkot na iyon..
"buti naman at dumating na kayo..pinagreserve na namin kayo ng table..tara na", yaya samin ni Steph..agad ko namang tiningnan si Ronnie..ngiting ngiti sya..confirm..may gusto nga sya sa bestfriend ko..dinala kami ni Steph sa table na nakareserve samin at sa G Clef..agad naman akong naupo..sina Ronnie at Steph ay may pinag usapan pa bago bumalik sa backstage si Steph..ano kayang pinag usapan nila??..naupo na din si Ronnie sa tabi ko at ngumiti sakin..nginitian ko din sya pero hindi na ko umimik dahil nawalan na talaga ako ng gana..gusto ko na ngang umuwi ehh kaso magagalit ang G Clef sakin pag hindi ko sila pinanood..maya maya pa ay umakyat na sa stage ang mga kaibigan ko at inayos ang kanilang mga instruments..nakita ko na pinagmamasdan ni Ronnie si Steph habang nag aayos ito ng mic..
" alam mo wala pang nagbalak na manligaw kay Steph..at ikaw ang kauna unahan na manliligaw sa kanya kung sakali ", hindi ko napigilan ang sarili ko na sabihin sa kanya..at tulad kanina, nginitian nya lang ako..seriously?..ano bang meron sa ngiti nya..lagi na lang nya kong nginingitian pag si Steph na ang pinag uusapan namin..sa pag iisip ko ay hindi ko na namalayan na napatitig na pala ako sa kanya..
" baka matunaw ako nyan ",
Agad akong nag iwas ng tingin..shocks..nahuli nya ko na nakatitig sa kanya..pasaway na mata kasi to ehh..
"ahh ano kasi..",.
"gusto mo ba talaga malaman kung may gusto ako sa bestfriend mo?", panghahamon na tanong nya..sasagot na sana ako nang biglang magsalita si Steph sa stage..
" good evening star academy!!!!..taon taon na natin ginaganap ang party na ito..and to start our program..gusto ko lang sabihin sa mga freshmen..in behalf of star academy..welcome freshmen!!..and this night is for all of you..so enjoy guys!!",..
Nagpalakpakan kaming lahat, hudyat na mag uumpisa na ang party..madaming banda ang tutugtog ngayong gabi..pero syempre ang G Clef ang mag uumpisa..Wherever you will go ang unang kinanta nina Steph kaya naman ang saya ng buong gym..patatlong kanta na nila nang magsalita ulit si Steph..
"guys..ang susunod na kanta na kakantahin ko ay special request ng isa kong kaibigan..dinededicate daw nya ito sa babaeng matagal na nyang gusto..so my dear friend..sana wag ka nang matorpe..", ngiting ngiti na sabi ni Steph..sino kaya yun?..siguro isa sa tatlong kolokoy ang nagrequest nun..
I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car
And as we go the traffic lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of eveningAnd I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from meSino kaya ang nagparequest nun..nakakacurious naman..ngayon lang kasi tumanggap ng request ang G Clef tapos dito pa sa Welcome Party..unconsciously ay napatingin ako kay Ronnie..sinabayan nya kasi yung kanta..at nagulat naman ako na nakatingin din sya sakin..
"And I've got all that i need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from meAnd I've got all that I need
Right here in the passenger seat"After nung kanta..dun nya lang ata narealize na nakatingin ako sa kanya kaya nag iwas agad sya ng tingin..
"ahh pasensya na..paborito ko kasi yung kanta..nacarried away lang", paliwanag nya nang hindi tumitingin sakin..
"first time nilang ginawa yan..ngayon lang sila naggrant ng request..", sabi ko na takang taka pa din..
"talaga?..wow..ang swerte naman ng nagrequest kung ganun"..manghang mangha na sabi nya..
"napakaswerte..at sana yung ginawa ng G Clef ay maging worth it.." , sabi ko habang nakatingin sa paparating na sina Steph..
"hi Shah, Ronnie", bati ni Steph samin..
"ano namang pakulo yun?..hoi kayong tatlong kolokoy..sino sa inyo ang may request nun??.."
tanong ko dun sa tatlo.."wow Shah..bakit gusto mong malaman hah?..", tanong sakin ni Ian na tatawa tawa pa..
"kayong apat hah..naglilihim na kayo..porke ba hindi ako kasama sa banda nyo?..", kunwaring pagtatampo ko pa..
"ai sus..nagtampo pa ang aming bunso..ayaw naming sabihin sayo kasi ayaw naming pangunahan yung tao na magtapat..", paliwanag ni Jeffrey na umakbay pa sakin..
"oo nga bunso..hayaan mo na lang yun..wag nang magtampo hah", ai sus..kung hindi ko lang mahal tong mga to..tulad ng sinabi ni JB..hinayaan ko na nga lang..siguro nga ganun ka private yung tao na yun...