Chapter 5

307 23 0
                                    

"bestie..may tanong ako sayo", nandito na kami sa classroom..mejo napaaga pa nga kasi kay Ronnie na kami nasabay pagpasok..

"ano yun?.."

"paano mo malalaman pag may gusto sayo ang isang tao?", bigla naman ako nasamid..nainom kasi ako ng tubig nung tinanong sakin yun ni Steph..

"hui Shah..ok ka lang?"

"ok lang..mejo nasamid lang..ano ba naman kasing tanong yan?"..

"sagutin mo na lang"

"aba malay ko..wala namang nagkakagusto sakin kaya malay ko..",

"pero para sayo..anong batayan mo para makita mo na may gusto sayo ang isang tao?", pangungulit pa sakin ni Steph..

"hay naku..hindi ko talaga alam..pasensya na..bakit..may nagpapahiwatig ba sayo??" nginitian nya lang ako at tumahimik na..ehh??..bakit ba usong uso ngayon ang smile-zoned?..yung tipo na tatanungin mo tapos ngingitian ka lang..

"teka..nagpapahiwatig na ba sayo si Ronnie??", tanong ko nang maalala ko na may gusto si Ronnie sa bestfriend ko..ngumiti lang sya ulit..smile-zoned na naman??..at eto na naman ang lungkot..nagpaparamdam na naman sakin..ano ba yan..nawalan tuloy ako nang gana..hanggang sa dumating na yung teacher namin sa Math..nagdiscuss lang sya ng nagdiscuss..habang ako eto kung ano ano ang sinusulat sa notebook ko..wala talaga ako sa mood ngayon..

"Ms. Santos..are you with us??", shocks..nahuli ako ni sir na hindi nakikinig sa kanya..

"sorry sir..", hinging paumanhin ko habang nakatungo..nakakahiya..

"mukang ngayon lang kita nakita na walang gana sa klase ko..are you alright?.."

"ahh sir..m-masakit po kasi ang ulo ko..pasensya na po", pagdadahilan ko..baka kasi magalit pa si sir sakin..mas lalong nakakahiya..

"you want to go to the clinic??..", tanong ng teacher ko na mejo nag aalala..

"kaya ko pa naman po sir..pasensya na po ulit"

Nagpatuloy na ulit si sir sa pagtuturo..kinulbit naman ako ni Steph at tinanong kung ok lang ako..tumango na lang ako..hindi naman talaga masakit ang ulo ko..wala lang talaga akong gana ngayon..hindi ko alam kung bakit..kanina naman kasi ok na ok ako..ewan ko ba kung ano nang nangyayari sakin..haysss..

"hoi bestie..kumain ka na..ano ka ba naman..hindi ka na nga kumain nung recess..pati ba naman ngayong lunch hindi ka pa din kakain?..may problema ba??", panenermon ni Steph sakin..

"wala talaga akong gana ngayon..pag nagutom naman ako..saka ako kakain..", ilang beses ko na yang sinabi kay Steph pero pinipilit pa din akong kumain..pati yung tatlong kolokoy pinipilit din ako..pero wala talaga akong gana..nagulat naman ako nang ilapat ni Ronnie ang kamay nya sa noo ko kaya yung puso ko nagwawala na naman..ano ba yan..

"medyo mainit ka..kumain ka na..bibili ako ng gamot para mawala ang sinat mo", sabi nya sabay tayo sa kinauupuan nya..

"no!!", agad kong hinawakan ang braso nya para pigilan sya..at agad ko namang binitawan dahil napatingin sya sa kamay ko..hayy..ang puso ko parang lalabas na sa katawan ko..

"ahh Ronnie..hindi kasi yan nainom ng gamot ehh", paliwanag ni Jeff na umakbay na naman sakin..

"pero may sakit ka Shah", tiningnan nya ko ng may pag aalala..umiwas naman ako ng tingin..

"pahinga lang to..ok lang ako Ronnie..", hindi na sya nagpumilit pa..pati na yung pagpilit sakin na kumain ay tinigil na nila..alam kasi nila na ayoko talaga at hindi nila ako mapipilit..hanggang sa mag awasan na ay hindi pa din ako nakain..maghapon nang walang laman ang tyan ko..kaya ang mga kaibigan ko ay sobrang nag aalala na..pero sabi ko naman ok lang ako..

"bestie..tara na",

"ahh mauna na kayo ni Ronnie..may gagawin pa kasi ako sa library.."

"sigurado ka Shah?..", tanong ni Ronnie sakin na titig na titig sa mata ko..

"oo..ok lang ako..sige na..ingat kayo..bye!", umalis na ko at nagpunta na nang library..hinanap ko na yung libro na kailangan ko..nabobother na kasi ako sa nangyayari sakin..yung bigla na lang akong mawawalan ng gana sa lahat ng bagay..yung pagbilis ng heartbeat ko at yung pagiging malungkot ko ng walang dahilan..pero wala akong makitang libro na pedeng makasagot sa problema ko..ayoko naman sa google kasi minsan kalokohan lang ang mga sinasabi dun..napatingin ako sa relo ko at nakita kong 5:30 na pala..ano ba yan..kanina pa ko pero wala akong napala..kaya napagdesisyunan ko nang umuwi..saktong kalalabas ko lang nang bumuhos ang malakas na ulan..wala na kong nagawa kundi ang magpaulan dahil kapag inantay ko pang tumila ang ulan baka abutin ako ng bukas..basang basa na ko nang makarating ako sa may waiting shed para mag abang ng sasakyan..nangangatal na ko sa lamig pero wala pang nadaan na sasakyan..maya maya pa ay may humintong kotse sa harap ko..kotse ni Ronnie?!..

"Shah..sakay na",

"ahh hindi na..mababasa pa ang upuan ng kotse mo ehh", pagdadahilan ko..pero bumaba sya nang kotse at nilagay nya sa likod ko ang jacket na suot nya..ang bango ng jacket nya..inakay nya ko papasok ng kotse nya kaya wala na kong nagawa..lamig na lamig na talaga ako kaya pinatay nya ang aircon..tiningnan din nya kung may lagnat ako..

"alam mo naman na may sinat ka kanina..bakit nagpaulan ka?.ayan tuloy may lagnat ka na..", galit na tanong nya sakin..nagulat ako sa reaksyon nya kaya hindi ako nakaimik..ngayon ko lang kasi nakita sya ng ganan..

"tapos ayaw mo pang uminom ng gamot..hindi ka pa nakain..ano bang gusto mong mangyari sayo?..", sinesermonan nya ko habang kinakabit nya ang seatbelt ko..ang lapit lapit nya sakin..feeling ko tuloy ang pula pula ko..tapos sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko..

"bakit ba lagi mo na lang akong pinag aalala??"

May sinabi pa sya pero hindi ko naintindihan kasi ang hina ng boses nya..hindi ko na lang din pinansin kasi hindi pa din ako makaget over kanina..pinaandar na nya ang kotse nya at hinatid ako samin..bumaba na ko ng kotse nya at nung magpapasalamat ako sa kanya ay nagulat ako kasi bumaba din sya ng kotse..

"Shariah anak..bakit ngayon ka lang?..pinag alala mo kami..naku Ronnie salamat hah", litanyang sabi ni mama..ano??..kilala nya si Ronnie??..paano??

"teka paano?..magkakilala kayo?..", takang taka kong tanong habang palipat lipat ang tingin ko sa dalawa..

"anak..pumasok ka na sa loob at magbihis..sige na.."

"naku tita..may lagnat na po yang si Shah..", sumbong ni Ronnie..pinandilatan ko sya ng mata..nginitian nya lang ako..omg!!..ngumiti na naman sya..pumasok na lang ako sa loob at nagdere deretso sa kwarto ko..

1st ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon