CHAPTER 23
Safari
Kung wala namang usapan na pupunta sa bahay ng isa't isa, tumutulong ako kay mama sa karinderiya. Yung sa trabaho niya sa amo niyang mayaman kapag gabi, hindi na, para daw maayos akong makatulog kapag nasa bahay.
Palagi rin akong pinapa-load-an ni Karim para mayroon akong pangvideo call namin. I'm thinking it's too much dahil parang linggo linggo na lang at mas naloka ako sa sinabi niya.
"Para sa akin din naman iyan. I want to talk to you and see your face even just through a video call."
Huling araw ng Abril, gusto naman daw ni Karim pumunta sa bahay ko. Siya pa mismo ang nagtext kay mama at pumayag naman. Para daw makapagpahinga ako dahil araw-araw na akong tumutulong sa karinderiya. Ayos lang naman sa akin iyon dahil sinasahuran din ako at binibigay ko kay mama.
Sabi niyang huwag na raw akong lumabas para sunduin siya kasi alam na niya kung nasaan ang tinutuluyan ko, kaya ito at katatapos ko lang ding maligo. Sunod naman ay pinalitan ko yung punda ng mga unan at ng mattress.
Sa makalawa, makakabili na rin kami ng mas maayos na higaan para sa amin ni mama dahil nakapag-ipon na siya kaya natutuwa ako. Ayos lang naman sa akin kahit dito sa lapag pero si mama rin ang iniisip ko. Pagod na nga na umaga hanggang gabi ang trabaho tapos sa ganito lang mahihiga. Mas maganda na yung makakaikot siya nang mabuti at medyo malambot lambot naman na hihigaan.
I heard knocks on the door and I turned off the stove. "Sandali lang!" Nagmadali akong pumunta sa pintuan para pagbuksan.
"Good morning po," bati ko sa driver nilang hinatid si Karim.
"Kuya, ite-text na lang po kita kapag magpapasundo na ako."
"Sige po, sir," aniya at umalis na rin bago ko pinapasok si Karim sa bahay.
"Hi, baby. I missed you," at niyakap ako bago humalik sa pisngi ko.
"Na-miss din kita! Nagluto nga pala ako. Adobo," ngiting ngiti na balita ko. "Sabi ni mama, ako na raw ang bahala para sa lunch natin at nakapamalengke na rin siya dahil alam din niyang bibisita ka."
"Really? You cooked for me?" Excited siyang tumungo sa kusina at tiningnan yung nasa kaserola.
"Yup! Ako rin naman ang nagluluto para sa amin kahit dati pa. Minsan, si mama."
"Can't wait to eat," he faced me with a huge smile.
Napangiwi ako dahil naalala ko na naman yung nabasa namin ni Kat. He noticed my reaction and he cupped my cheek to make me face him.
"What's wrong?"
Agad kong umiling. "W-Wala."
"Why are you blushing?" Pinaningkitan niya ako ng mga mata. "Kinikilig o talagang mainit?"
Kilig ba 'yon? Hindi! Nahihiya!
"H-Huh? W-Wala 'to," hinawi ko ang kamay niya at tumungo sa may mattress para maupo na roon.
When he sat beside me, I immediately stood up. Wala kaming ibang mauupuan kundi ito o yung monoblock lang!
Now, I'm conscious. Noong unang punta niya rito at kaming dalawa lang ang tao sa bahay, hindi naman ganito. Kaya ko pang humiga kasama siya. Pero iba na ngayon na girlfriend niya pala ako at may nabasa pa akong ganoon... na siya mismo ang nagresearch!
"Baby, anong mayroon?" Hinawakan niya ang kamay ko at tinapik ang tabi niya. "Sit here."
Nakangusong bumalik ako sa pagkakaupo sa tabi niya.

BINABASA MO ANG
When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)
RomanceWhat happens when you try to reclaim a love that once burned brighter than the stage lights? Phoebe Celeste Revilla was once the heartbeat of Karim Dain, the electrifying drummer of the renowned rock band, Chasing Celestine. They had a love story th...