-runaway
•SOPHENE•
Hindi ko alam paano ako mag react nang marinig ang galit na boses ni Zadeo. Bubuksan ko na sana ang pintuan pero naunahan nya ako, madilim ang kanyang mga titig sa'kin na animo'y parang may nagawa akong kasalanan sakanya.
"Z-zadeo Anong g-ginagawa mo? N-nasasaktan ako..." Sambit ko sakanya nang sakalin nya ako.
He chuckled. "Bakit kasama mo naman ang pisteng Rocky na 'yon ha?!" Pasigaw na tanong nya sa'kin.
"Please, b-bitawan mo muna ako... Hindi ako makahinga dahil--" I didn't finished my words when he tighten his grip on my neck.
"You think hindi ko kayo nakikita?" Natatawang saad nya sa'kin.
Pinipilit kong alisin ang mga kamay nya sa leeg ko pero hindi ko magawa, napakalas ng kamay nya na animo'y mapuputol ang aking leeg sa lakas ng pagkakasakal nya sa'kin.
"P-parang awa mo na Z-zadeo... Hindi ako m-makahinga!" I begged.
Hindi sya nakinig, madilim ang kanyang mga titig sa'kin at nakakatakot tignan ang ekspresyon nya. Hindi ko din alam saan nya nakuha ang balita na nakipagkita ako kay Rocky.
"You're making my blood boil!" Sigaw nya sa'kin at nagulat nalang ako nang itulak nya ako.
Natumba ang noo ko sa bedside table at umiikot ang paningin ko dahil nahihilo ako sa ginawang pagtulak sa'kin ni Zadeo. Nagulat ako nang hawakan ko ang noo ko at may umaagos na dugo, sinubukan kong punasan 'yon pero patuloy parin ang pag-agos ng dugo mula sa aking noo.
Pero hindi pa sya natapos, lumuhod sya at malakas nyang hinablot ang buhok ko at pinaharap ako sakanya. Nakita nya ang dugo mula sa aking noo pero wala syang pakialam, hindi na nya pinansin 'yon.
"Maawa ka sa'kin Zadeo, tama na..." Iyak ko dahil pakiramdam ko matatanggal ang buhok ko dahil sa lakas ng pagkakasabunot nya.
Tumawa nalang sya pero ganun nalang ang naging reaction ko nang ilabas nya ang kanyang baril at itinutok sa aking noo. Wala akong magawa kung'di ang umiyak at pigilan sya.
"I'm going to kill you right now..." He said as he chuckled.
"P-parang awa mo Zadeo, h'wag mo'ko--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang diniinan nya ang pagkakatotok ng baril sa aking noo.
And then I realize that there's no way he's gonna listen to me, all I can do is to accept the punishment he will give to me. I closed my eyes and waited for him to press the trigger but I got surprised when the door opened.
"Boss! Nahuli ng mga kalaban ang iba nating kasamahan!" Hinihingal na sambit ng tauhan ni Zadeo.
Napatingin ako sa nagsasalita pero agad din naman akong tumingin pabalik kay Zadeo. Napahinga ako ng maluwag nang ilayo na nya ang baril sa aking noo.
"Fuck!" Napamura sya nang tumayo sya. "Where the hell is them!" Dugtong pa nya at galit na galit.
Lumapit ang lalaki kay Zadeo. "Sa bandang tulay kung saan hinabol namin ang kalaban kahapon." Nakayukong sagot nya.
Tatayo na sana ako nang lumingon sa'kin si Zadeo. "We're not done." Sabi nya sa'kin at tuluyan na silang lumabas ng kwarto.
Humagulgol ako at napahawak ako sa aking noo, wala talaga akong magagawa kapag nasa kamay na ako ni Zadeo.
Hindi ko alam paano nya nalaman na kasama ko kanina si Rocky sa school pero wala namang mali doon, he just trying to comfort me pero bakit nang malaman 'yon ni Zadeo ay parusa agad ang napala ko?
YOU ARE READING
Forced To Marry An Abusive And Jealousy Mafia Boss (Under Revision)
RomanceYou think you can escape from me do you? Now let me tell you, there is no place on this earth where you can hide from me. I will find you and when I do, you'll face the consequences of your rebellious behavior. So please my love, don't ever think ab...