Prologue

343 2 0
                                    


The sudden but calculative knocks on Fiery's door rattled her sleepy state. Instinctively, she reached for her wristwatch to figure out what time of day it was already and it just said three am. Napaungol siya sa pagkainis. Sinong baliw na walang magawa sa buhay ang mambubulabog sa kanya ng ganito kaaga? ''Naku naman..'' muling ungol niya nang maramdaman ang pagkirot ng sentido. Pa'no bang hindi eh isang oras pa lang siyang natutulog? Muli na sana siyang pipikit at hahayaan na lang ang kung sinumang nasa labas na mamaga ang kamay kakakatok nang gulantangin siya nang mas pinalakas na kalabog sa pinto. ''Punyemas na buhay 'to!'' Marahas na tumayo siya mula sa kama at agarang tinungo ang pinto na nasa sala upang pagbuksan ang kung sinumang nasa labas. Kung masamang loob man ito, pasensyahan sila dahil masamang-masama na rin ngayon ang timplada niya. ''Anong kailangan--'' Nang maaninag niya kung sino ito ay natampal niya ang noo. ''Anak ng patis, Fiera, anong kasalanan ko sa'yo't ke-aga aga nambubulahaw ka?!'' Asik niya.

Ngunit hindi ang inaasahan niyang paghingi ng paumanhin ang ibinungad ni Fiera sa kanya. Nakayuko ito at nilalapirot ang kunot na kunot ng panyo.

She scratched her forehead then reached for her sister's chin in order for the latter to face her. The sudden feel of coldness enveloped her when she realized she's shedding tears. Tuluyan nang nawala ang antok sa sistema niya. ''Get in.''

Marahan nitong sinunod ang inutos niya. She's currently residing on a boarding house which could be located inside Bacoor Cavite. The said house was ridiculously small compared to their parent's bungalow but she's giving no complaints because in here, she's at all peace. Tinungo niya ang kusina upang kumuha ng maiinom. Ilang taon na rin niyang hindi nakikita ang kakambal niyang ito. Pitong taon na silang walang komunikasyon dahil na rin sa utos ng mga magulang nila. The moment she refused to marry the man they wanted her to wed, they severed any family relationship they had with her. Pinalayas siya ng mga ito at pinagbawalang makipaglapit sa kakambal niya. It broke her heart a million pieces knowing she couldn't be able to take care of her sister anymore. Hindi niya rin naman ito mapilit na sumama dahil takot ito sa mga magulang nila. And the biggest question in her mind now was how in hell did her sister wind up in her little house without their parents dragging her away from here after a minute. Marahan niyang ibinaba ang isang basong lemon juice sa harap nito bago umupo sa kaibayong sofa. ''What's your story, woman?''

Humikbi ito. ''Tulungan mo ako, Fiery..''

''Saan? Pinasok mo na ba ang mundo ng droga at ngayon na-realize mong ayaw mo na? Sa rehab ka dapat tumakbo.'' Tugon niya. Aburido siya dahil kulang na nga siya ng tulog, makikita pa niyang umiiyak ito. Ipinikit niya saglit ang mga mata at minasahe ang sentido.

''Bun-tis ako.''

Singbilis ng kidlat na napamulat siya ng mga mata at napaangat mula sa kinasasandigan. ''Ano?Pa'no kang mabubuntis eh takot ka ngang magka-dyowa?Pinwersa ka ba?''Tatanggalan niya ng galang-galangan ang taong lumapastangan dito 'pag nagkataon.

Sa wakas ay hinagilap nito ang mga mata niya. Makakabakasan ng hindi pa napupunasang luha ang mga mata nito. ''I fell in love, Fiery.''

Agad niyang nasabunutan ang buhok nang marinig ang sagot ni Fiera. Love to her was practically a myth. ''Fiera, papatayin ka ng tatay mo 'pag nalaman niya 'to.''

Nanlaki ang mga mata nito sa pagkabahala. ''Ta-tay mo rin naman siya ah..''

Napangisi siya ng sarkastiko.''In his dreams.''

Kinagat nito ang mga labi at inabot ang baso ng juice upang uminom.Hindi niya naiwasang titigan ito. Matagal na niyang alam na para silang hinating mansanas sa larangan ng pisikal na aspeto. Pareho silang may alun-along buhok at nagtataglay ng kulay tan na kutis. Pareho rin sila ng tangkad maging ng hugis ng katawan. Though, talking about differences, their attitudes and perspective in life would raise both hands in admission. Iniwas niya ang tingin nang hagilapin nito ang mga mata niya matapos ibaba ang nakapangalahating inumin. ''Tulungan mo akong magtago..''

Fiery's Love For PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon