ALA-ALA

233 17 0
                                    

Tahimik na nakatayo sa harap ng pinto ng paraiso ang dalawang babae na kasalukuyang naghihintay sa paglabas ng nilalang. Ang natatandaan ni Jessa ay sakay sila ni Eckiever ng kabayo pagkatapos siyang iligtas ng binata sa gumuguhong lupa. Kasunod noon ay ang pagdausdos ng katawan niya sa malalim at malamig na tubig ng Ilog na sumalo sa kanila ng mahulog sila sa bangin.

Nag-dilim ang kanyang paningin pagkatapos nun at ng muli niyang idilat ang mga mata, nandoon na siya sa harap ng pintuan katabi si Estacie na walang imik.

"May nangyari ba sa modernong mundo?" Hindi nakatiis na tanong ni Jessa sa dalaga.

Isang tango ang naging sagot ni Estacie. "Nalaglag ako sa hagdan."

"Nalaglag?"

"I mean, tinulak ako ng kanyang nobya." Kuyom ang kamao na tugon ni Estacie.  "Hindi namin matandaan ang ibang bagay, lalo na ako. Ang tanging naalala ko sa mundo mo ay ang naging buhay mo."

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Jessa. "Parehas tayo. Tanging ang memorya ng katawan mo sa Prekonville ang  naaalala ko. Hindi ko tuloy alam kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman."

"Ikaw? Ano ba ang nangyari at nandito ka rin?"

"Aksidente."  Naka-yukong sagot ni Jessa. "Sana lang, walang nangyaring masama sa Duke."

"Wala siya dito, so sa palagay ko, ligtas siya."

"Hmm.. Sana nga."

"By the way, gusto kong itanong sayo."  Nilingon mo Estacie si Jessa na napa-lingon din sa katabi. "Have you ever loved Philip?"

Napa-flinch si Jessa. Pagkatapos ay napa-buntong hininga.  "I did. Pero simula ng aksidenteng nag-dala sa akin sa katawan mo, tumatak na sa puso ko ang kalimutan ang damdaminng yun."

"I doubt that." Mabilis na sagot ni Estacie.

"What ya mean?"  Sa ngayon, si Jessa ang napa-kunot noo.

"Sa tuwing nakikita ko na magkasama si Philip at ang nobya niya, ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko."

Napa-iling si Jessa. "That's impossible, Estacie. Dahil unang-una, ang nararamdaman ko kay Mr. Vendo noon ay isang pag-hanga lamang. Kung sakaling nasasaktan ka, it means.."

"Ah-huh! So, kayo nanamang dalawa ang nandito."

Sabay na napalingon ang dalawang dalaga ng sa wakas ay lumitaw na ang nilalang na nagbabantay ng paraiso.

"Ginoo." Sabay din na pag-bati nila dito.

Tumango lang nilalang at tsaka isineyas ang kanang kamay. "Mukhang alam ko na kung bakit kayo nandito. Wag kayong mag-alala, nabatid ko rin na nahihirapan kayo sa bawat mundong ginagalawan ninyo. Kaya naman, napag-desisyunan ko na ibalik na lang ang alaala ninyong dalawa. Maliban sa alaala na may kaugnayan sa lugar na ito."

Napatuwid ng likod ang dalawa at tsaka nagka-tinginan.

Kung ibabalik ang alaala nilang dalawa, malaking pagbabago ang mangyayari sa buhay nila sa bawat mundo. Subalit kung lilinay-linayin ang lahat, maaring makatulong din iyon upang makapag-simula sila ng maayos na walang bahid ng pag-aalinlangan.

"Sumasang-ayon ako sa nais mo, Ginoo." Sagot ni Jessa.

"Gayun din ako. Gusto kong ipakita sa lalakeng yun na wala akong pakialam sa ginagawa niya." Kuyom ang kamao na sagot din ni Estacie.

"Fufu.. Well said! Now, off you go! Bigyan nyo ako ng magandang mapapanood dito. Fufu."

Napa-kunot ang noo ni Jessa. "Mapapanood?"

"Ang ibig mong sabihin, pinapanood mo kami?!" Si Estacie naman ang gulat na nagtanong.

"Fufu.. Hahaha, gusto ko ang eksena ng kwento mo, iha. Aba! Kahit ako ay gusto ko rin mapanood kung paano mag-sisi si Philip. Fufu.. Shoo! Bilisan nyo at excited na ako sa susunod na kwento."

"You Basta-"

Hindi na natuloy ni Estacie ang pagmumura dahil hinatak na sila ng liwanag pabalik sa kasalukuyan.

.........

Nang imulat ni Jessa ang mga mata, napagtanto niyang na sa loob na siya ng isang silid. Bagamat hindi niya alam kung saang silid. Ngayon lng niya ang nakita ang silid na iyon.

Kumikinang na ginto ang nakasabit na chandelier sa may paanan ng kama na kung saan ay naroon ang malaki at kulay pulang sofa. Ang mga furnitures ay talagang parang pinintahan ng varnish sa sobrang kintab. Ang kurtina ay sadyang ibinagay sa kulay ng loob ng silid.

"My Lady! Mahabaging bathala, sa wakas ay nagkamalay kana."

Napa-lingon si Estacie sa bumukas na pinto. Ibinungad doon ang lalakeng naka-suot ng puting roba na may desinyo ng kulay gintong guhit sa may balikat.

"Saint?" Naniniguradong tanong niya.

"Yes My Lady. Saglit lamang at ipapa-alam ko sa bantay na gising kana. Sobra ang pag-aalala ng Duke sa iyo."  Mabilis na lumabas ang Saint at naiwan si Jessa na nasalo ang ulo.

Lahat ng mga ala-ala ng nakaraang linggo ay malinaw na naaalala na niya. Kasama ang mga pangyayaring naka-ugnay sa Duke. At syempre, naroon din ang alaala kung saan iniligtas siya ng lalake mula sa mga kamay ng Scorpion.

"He's weird.." Bulong niya sa sarili habang sapo naman ang dibdib.

Malinaw sa kanyang balintataw kung paanong nag-alala ang binata sa kanya noong nalaglag siya sa kabayo. Kung tutuusin, pwede naman na iwan na siya ng lalake dahil nga hindi naman sila magka-sundo sa una palang. Pero, inilagay pa rin ng lalake sariling kaligtasan sa alanganin para lang iligtas siya.

Napa-lunok si Jessa. Lalong bumibilis ang tibok ng kanyang puso. "This is bad."  Bulong niya ulit sa sarili.

Hindi siya tanga para hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng kanyang nararamdaman. At lalong hindi siya manhid para hindi maunawaan ang kilos ni Eckiever.

"Estacie! Are you okay?"  Parang tinadyakan ng kabayo ang kanyang dibdib ng marinig ang boses ng lalake na nakapasok na pala. "Your face is red! Saint! Check her condition!" Natatarantang utos ni Eckiever na mabilis namang sinunod ng inutusan.

Napa-pikkt si Jessa. Sigurado na siya sa nararamdaman, ang problema lang, paano kung mali siya ng hinuha sa kabutihang ipinapakita sa kanya ng lalake. Paano kung ginagawa lang nito ang ilang ulit siyang iligtas ay dahil sa kasalanan nito sa kanya noon?

"I think I'm in trouble." Bulong ni Jessa sa sarili.

"Trouble? What trouble?"

Naikuyom niya ang kamao bagamat hindi idinilat ang mga mata ng marinig ang malapit na tinig ni Eckiever. Ng idilat niya ang tingin, their eyes met.

"I now remember everything." Sagot niya sa lalake na bigla namang namutla.

I Will Take Back What's Originally MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon