Chrisen
Napabuntong hininga ako bago pinalubo ang mga pisngi ko. Kailangan kong makausap si mommy Porcia pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Magaling na ako at gusto kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Kagaya ng sinabi ko, mabait akong anak. I know Porcia's my happiness at ok na ako ngayon kasi may assurance na ako kahit lalayo muna ako pansamantala.
Kailangan ko munang ibigay ang pangarap ng mga magulang ko at iyon ay ang makapagtapos ako sa pag-aaral. Iyon naman ang ninanais ng bawat magulang para sa kanilang mga anak.
I know I'm an heir, I know I can get everything I want in life pero iba pa rin kapag nakatapos. At gusto kong maging deserving para kay mommy Porcia. She's a genius kaya nakakahiya kung hindi man lang ako makakaabot sa inaasahan nito knowing na nag-iisa lang akong anak.
"Amore." Tawag nito sa akin at buhat sa narinig ay napatingin ako rito.
I beamed. Love of my life!
"My Porcia!" Hindi ako bumaba sa stall chair. Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
"Hungry?" Tanong nito ng mapansin ang hawak kong ice cream bar.
Hindi ako mahilig sa ice cream pero dahil marami ito sa loob ng ref ay gusto kong kumain. I'm bored I guess.
"Not really. Gusto ko lang tikman."
Tinanggal ko ang plastik na nakabalot rito at hinawakan ang stick. Mukhang masarap naman kahit papaano. Dinilaan ko ito saka ninamnam ang lasa. Not bad kaya lang ay hindi ako masyadong ok sa mga ganito kalamig na pagkain.
"Can we talk?" Wika ko ng umupo ito sa katabing stall chair.
Tinignan ako nito ng matiim.
"Ah, about me going back to school." Ang lamig kasi ng tingin nito, nanunuot. Hindi tuloy ako mapalagay.
Wala sa oras na dinilaan ko ang hawak kong ice cream.
"What about your condition?"
"Actually, kahapon pa bumalik ang ala-ala ko at nakapag-usap na kami ni mommy Kaede noon sakaling gumaling ako. Babalik ako sa Australia para tapusin ang pag-aaral ko."
Nakita kong parang nag-isip ito saglit. Kinakabahan tuloy ako kung anong sasabihin nito ngayon. Sana pumayag, mag-aaral lang naman ako at hindi maglalandi doon.
"Payag ka ba mommy?" Hindi nakatiis na tanong ko rito.
"Of course." Malamig na sagot nito. Hindi ko alam kung natutuwa ito o hindi. "I'm glad you're totally fine now." Dumukwang ito sa akin at nakipagtitigan.
Her eyes, ang ganda talaga ng mga mata nito. Iyong korte ng kilay parang balahibong humahagod sa-
"Ouch!" Hindi ko mapigilan ng pitikin nito ang noo ko. Masakit kaya.
"Stop that. I know you already amore."
Napalabi ako bago dilaan ulit ang ice cream pero napanganga na lang ako ng kunin nito iyon sa akin at walang pasabing dinilaan din nito.
Oh my! Why so hot always mommy?!
"Cat got your tongue?" Tukso nito.
"No, Porcia got my tongue."
Natigilan ito kaya natawa ako pero agad rin iyong nawala ng hawakan nito ang panga ko.
"Stay still."
Dahan dahang lumapit ang mukha nito sa akin kaya itong marupok kong puso ay hindi na naman maawat awat. Napapikit ako ng hahalikan na ako nito pero imbes ay naramdaman ko ang dila nitong dumaan sa mga labi ko.