Chapter 16: too good to be true
JAJA
Halos tumakbo na ako palabas ng bahay at hinanap ang nakaparadang SUV. Bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas roon si Red at isang babae, habang nakita ko si Cooler na nakaupo sa loob, na panay ang ngiti.They were all bruised and bleeding, pero sa kanilang tatlo, si Cooler ang mukhang malubha.
"Anong nangyari sa inyo?" tanong ko habang lumalapit. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila at sa babaeng kasama nila. She looked familiar, pero hindi ko na maalala kung saan ko siya nakita.
Hinawakan ni Red ang duguang labi. "This is nothing. Cooler got it worse."
Nang dumako ang tingin ko sa babae, ngumiti siya at iniabot ang kamay. "Hi, I'm Raine! We met already, pero I doubt if you remember because you were high as hell— oopsie, sorry, Reddie!"
Nagtatakang tinanggap ko ang kamay niya, looking at Red, silently asking what this is about.
"We went skateboarding," pagsisinungaling niya at tinuro ang mga pasa sa katawan. "That's how I got these."
Raine snorted. "Seriously, Red, that's the best excuse you can come up with?" Mahinang tinulak niya si Red at hinarap ako. "We went to a picnic, and a bear attacked us!"
"What?" angal ni Red at nagtalo sila kung anong magandang excuse ang sasabihin. These people are seriously weird.
Bumaling ako kay Cooler na nakasandal habang nakangiting nakatingin sa akin. Duguan ang kanyang balikat, and he was wearing corporate clothes again na para bang galing siya sa isang mahalagang pagtitipon. I noticed a mask on the floor, ngunit hindi ko na iyon pinansin.
He was looking straight at me, na tila hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya ako. Itinaas niya ang kamay na tila may hinahawakan, ngunit agad na napasimangot nang tanging hangin lamang ang nahawakan.
"Dude, we're screwed! Cooler broke!" natatarantang bulalas ni Raine. She panicked and somehow slapped Cooler on his bleeding shoulder. Nakangiti pa rin si Cooler, ngunit mayamaya ay napangiwi siya at napahawak sa duguang balikat.
Tumawa si Red at mahinang tinulak ako papasok sa sasakyan, confused of what was happening. Nag-alangan pa akong pumasok sa sasakyan ngunit mas nanaig ang pag-aalala ko.
Dahan-dahan akong lumapit sa Cooler at hindi alam ang gagawin. I wanted to hold him, but I'm afraid I might hurt him. I'm also afraid of how my physical contact with him affects me.
Napahawak si Raine sa pinto ng sasakyan. "The neighbors may find us weird at kailangan nang magpahinga ni Cooler so..." Hindi na niya tinapos ang sasabihin at sinara ang pinto sa tabi ko. She hopped to the shotgun seat, samantalang si Red naman ang nagmamaneho.
BINABASA MO ANG
UNDER NO ILLUSION (Vander #2)
AçãoVander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.