Nakarating na ang magkakapatid sa bahay ni Lola Julia at sila ay pumasok. Pinagmasdan nila ang maganda at makalumang bahay ni Lola Julia at kanilang nilapag ang mga bagahe. Naglibot-libot ang magkakapatid sa loob ng bahay at sila ay nag balik tanaw sa bawat memorya na kanilang maaalala sa bawat lugar na kanilang makikita.
Napadpad si Vhera sa sofa kung saan nakita niya ang stuff toy na aso na niregalo sa kaniya ni Lola Julia. Umupo siya at kinuha ang stuff toy at pinagmasdan niya ito. Naaalala niya na ika-9 na kaarawan ni Vhera noong sinurpresa siya ng kaniyang lola ng stuff toy. Naaalala niya na ginulat siya ni Lola Julia habang si Vhera ay payapang naka upo sa sofa, sobrang saya ni Vhera ng niregaluhan siya ng stuff toy at ito ang pinaka paborito niyang regalo na natanggap.
Habang si Jm naman ay napadpad sa lamesa kung saan ay pinapaalala ng lugar na ito na lagi siyang pinagluluto ng masasarap na pagkain lalo na ang kaniyang paboritong pagkain na fried chicken. Naaalala niya na noong mga panahong naghihintay siya sa lamesa sa tuwing habang nagluluto ang kaniyang lola. Hindi malilimutan ni Jm kung gaano kasarap magluto si Lola Julia noong nabubuhay pa siya.
Napadpad naman si Daisy sa garden ng kaniyang lola at namangha siya na malaki na ang punong tinanim nila noong nabubuhay pa siya. Nilapitan niya ito at pinagmasdan. Naalala niya noong tinatanim pa lamang ang halamang puno na ito at wala siyang kahit anong gloves kaya sobrang dumi ng kanyang kamay. Natawa ang kaniyang Lola nang gamitan ni Daisy sa paghuhukay ang kaniyang mga kamay para sa pagtataniman ng halamang puno.
"Anong ginagawa mo? May maliit na pala dito yun ang gamitin mo, para kang aso diyan". Sabay tawa ni Lola.
"Ok lang yun Lola, masarap nga sa kamay eh medyo malamig, pero maghuhugas naman ako mamaya". Sabi ko kay Lola.
"Oh sige na ilagay na natin 'tong halamang puno diyan para matanim na". Sabay lapit sa akin.
Tinanim na namin yung halamang puno at tsaka diniligan, tinanong ko sila Lola kung anong klaseng halamang puno ba itong tinanim namin.
"Lola, anong halamang puno ba itong tinanim natin?" Tanong ko.
"Ahh ito ba? Acacia 'to apo isa itong malaking puno kapag lumaki." Sabi ni Lola sa akin.
"May buto pala ang mga puno?" Tanong ko kay Lola kasi ang alam ko lang na puno na may buto is yung puno ng mangga.
"Lahat naman apo kasi lahat naman ng halaman may pinagmumulan na buto or source kung bakit tumutubo ang halaman". Ang paliwanag ni Lola.
Kaya naliwanagan ako sa sinabi ni lola, akala ko kasi out of nowhere lang sila tumutubo. Kaya masaya ako dahil buhay ang ala-ala namin ni Lola tulad ng puno ng acacia na ito na nabubuhay kaya kahit wala na si Lola masaya parin ako dahil may ginawa kaming memorya na buhay parin hanggang ngayon.
"Jeph! Dali halika dito!" Pabulong ni Teresa sa kaniya.
"Bakit? Ano ba!" Sagot na may pagkainis ni Jeph.
"Andyan na sila! Yung mga apo ni Julia". Sabi ni Teresa
"Huh? Nasaan?"
"Ayun oh! Timingin ka at wag ka masyado mag pakita" Sabi ni Teresa.
Sumilip si Jeph sa kanila at nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ang mga apo ni Lola Julia.
"Bakit andito sila?! Anong ginagawa nila dito?!!!" Inis niyang sinabi na may halong kaba.
"Aba malamang, umepal yung Attorney Limosenero diba? Malamang sinabi niya kung anong nangyari kay Julia. Alam mo naman na panay buntot yung taong iyon kay Julia". Sagot ni Teresa
"Punyeta talaga oh, yang Limosenero na'yan mapapatay ko 'yan". Sagot ni Jeph.
"At tsaka tayong dalawa yung pinag-iinitan ng attorney na 'yon lalo na tayong dalawa lang yung kasama ni Julia. At tsaka ambobo mo!