Chapter 45 (Open Forum)

1.6K 40 1
                                    

Chapter 45

Open Forum

"Teka- ikaw,dito sa labas? Tapos si Nohlan,sa loob?," paglilinaw kong tanong kay Eka.Nakanguso siyang tumango sa akin which made me think na alam niya ring may mali talaga.

"Bakit ganun?Diba dapat..," hindi ko tinapos ang aking sasabihin.Sinadya kong i-hang 'yon to check kung alam nga ba nila kung ano ang mali.

"Sinabi na naman namin kay Saida dati na dapat kaming tatlong girls ang sa kwarto tapos mga boys sa sala.Eh gusto nila ni Nohlan magtabi," ani Rich na parang nagsusumbong na bata.

Atleast aware sila na may mali.Ang problema,hindi nila maitama.Para kasing teamwork 'yan.Kung hindi magkakaisa ang isang team,walang goal na maaachieve.Ngayon kung talagang matigas si Nohlan at Saida,wala talagang mangyayari.Ayoko namang silang sermunan dahil di naman nila ako nanay.I could give my perception towards their situation but I could never force them to follow what I would like to suggest.

Ten minutes have passed before Nohlan and Saida woke up.Nag-almusal muna kami bago nagkwentuhan.We started from talking nonsense 'til I found a way to brought up their sleeping arrangement.

"Pwede naman siya sa sahig,may kutson naman," ani Saida nang tinanong ko kung bakit ayaw nilang sa kwarto nila patulugin si Eka.

"Ayoko nga kasi sa sahig," reklamo ni Eka.Hinayaan ko lang sila mag-usap.Mas mainam na hindi ako makisali total sila naman ang mas nakakaalam talaga sa sitwasyon nila.

It took nearly ten minutes but they haven't resolved their issue yet.Walang gustong maggive way.And so I decided to chime in.

I was about to open my mouth when James and Ehm came.Sabay kaming lahat na napalingon sa mga bagong dating.

"Oh ano?," tanong ni Eka sa dalawa na para bang sinasabi na 'ayaw ninyong maniwala kasi'.

"Pinauwi kami.RD daw namin," kwento ni Ehm.Walang imik si James habang umuupo doon sa beanbag para makisali sa circle na ginawa namin.

"Ano bang pag-uusapan natin?," mukhang iritado si James at halatang napipilitan lang.

"Iyong problema natin," lakas-loob kong tugon.

Blangko ang mukha niya akong nilingon. "Paanong di ako magagalit,sobra naman kayo.Umakbay lang,pinisil ko lang iyong pisngi,nangmamanyak na agad? Sige nga,kapag ba kayo sinabihan ng manyak hindi ba sasama ang loob ninyo?," dire-diretso niyang sabi.

"Wala akong sinabing manyak ka," tanggi ko sa paratang niya. "Ang sabi ko lang,naiilang ako,pero never kong sinabi na manyak ka," ani ko.

"Eh itong si Rich.Pinisil ko lang 'yung pisngi niya,at nagjoke lang ako ng green,manyak na agad.Hindi na ba kayo nasanay? Dati naman kaming ganun.Ako,si Edison,si Seth at Nohlan,ganun naman kami ah," pagdaramdam niya.

"Hindi naman talaga 'yon ang ibig kong sabihin.Sobrang nainis lang ako kaya ko nasabi 'yong manyak," depensa ni Rich na nakaupo sa tabi ko.

"Maski na.Kahit pa galit ka,kahit pa naiinis ka o kung ano pa man 'yang nararamdaman mo,dapat marunong ka pa ring pumili ng mga salitang gagamitin.One word can hurt someone's feelings," James countered which I did agree.Kaya nga minsan,kapag nagagalit ako,mas pinipili ko na lang ang manahimik kaysa sa makapagsalita pa ako ng pagsisisihan ko.

"Sorry," malumanay na sabi ni Rich. "Sa susunod naman kasi,makikinig ka sa sinasabi.Sabi ko naman sa'yo na masakit 'yong ngipin ko.Ayon,kinurot mo pa rin 'yong parte ng pisngi ko kung nasaan 'yong masakit," ani Rich.

"Okay! Sorry din,sa susunod makikinig na ako," tugon ni James. Kinabahan ako nang bumaling siya sa akin. "Ikaw naman Rhum,pwede mo naman sabihin sa akin kung ano 'yong reklamo mo sa akin,hindi 'yung sa iba mo pa sasabihin.Isa pa,bakit ka naiilang?Magkaibigan naman tayo ah," he questioned me.

"Kasi nga naaalala ko si Seth sa mga gestures mo," mahina kong tugon.

"Hindi dapat.Alam mo naman na malayo ako at si Seth.Iba siya,iba ako," turan niya.

Bumuntong-hininga ako. Alam ko naman.Tama siya.Magkaiba sila ngunit dahil nalaman kong mataas ang pride ko,hindi ako nagpatalo. "Masisisi mo ba ako? James,di pa ako totally nakakapagmove on.And your being sweet to me only reminds me of him," pagrarason ko.

"Still,magkaiba kami," giit ni James.Bumuntong-hininga siya at tila ba may gusto pa siyang sabihin.

"Okay sige.Pipilitin ko na huwag mailang sa'yo at iiwasan ko na isipin si Seth," ani ko.Tumayo ako at lumapit sa kanya.I think we don't need too much talk.All we need is to accept our mistakes and then reconcile. "Sorry,bati na tayo?," malambing kong sabi sa kanya.

Nakatayo ako habang siya ay nakaupo pa rin sa beanbag.Hinatak ko siya para tumayo din pagkatapos ay inilahad ko ang aking dalawang braso para yakapin siya ngunit di man lang siya gumalaw. "Naku! Galit pa 'yan sa akin," kunwari'y nagtatampo kong sabi.

"Hindi na.H-Huwag mo na lang akong yakapin," mahina niyang sabi.Narinig ko pabg sumipol si Ehm.

"Iniisip mo pa rin ba na iniisip ko na nangmamanyak ka?," tanong ko.

"Hindi na.B-Basta,huwag mo na lang akong yakapin.Okay na ako," aniya sabay upo ulit sa beanbag.

Ang ginawa ko ay lumuhod ako sa tabi ng beanbag na inuupuan niya pagkatapos ay yinakap ko siya mula sa kanyang tagiliran. "Namiss kita,alam mo ba 'yun?," sabi ko sa kanya.Nagkamot siya ng batok habang nangingiti.

"N-Namiss din naman kita," nahihiya niyang sabi na nagpahiyaw sa mga kaibigan namin habang napangiti naman ako.

"Ayan,mabuti naman at bati na kayo," ani Eka na sinang-ayunan din ng lahat.Mula sa pagkakaluhod ay tumayo ako at naglakad pabalik sa papag na inuupuan namin kanina.

"Ang totoo niyan," nilingon ko ang nagsalitang si Jame.

"Ano?," tanong ni Saida.

"Kaya ako nagiging sweet kay Rhum kasi," hindi niya natuloy ang kanyang sinabi dahil bahagya siyang natawa.Nagkamot siya ng kanyang batok at yumuko na parang hiyang-hiya.

"Ano?," ako na ang nagtanong nang hindi na siya ulit nagsalita.

"Ano kasi-" aniya na pinutol naman ng pangungulit ng mga kaibigan namin.They were pushing him to say what it is that he wanted to say to me.

"Ano..kuwan...g-gusto kita."

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon