ALEXIS'S POV
Sabado ng tanghali ngayon at kasulukuyan na akong naghahanda para pumunta sa bahay nila Tina, dahil ngayon ang gig nila Kuya Colen sa bagong bukas na ice cream parlor– Chichi's Scoop.
Napag-usapan na kasi namin na sa akin na lang siya sasabay at papaunahin na lang daw niya ang Kuya niya at ang mga kabanda nito.
"Tito, saan lakad mo?"
Napatingin ako sa batang nakatayo sa pinto ng kwarto ko. Si Summer, anak ng pinsan kong si Kuya Xander.
"May date 'yang tito mo." singit naman bigla ng ama niya. "Tito mong torpe."
Sinamaan ko naman agad ng tingin si Xander. "Magtigil ka, Kuya."
"May date kayo ni Ate Tina, Tito?" kinikilig na sabi ni Summer na ikinatawa ko. "Sabihin mo kay Ate Tina, punta siya rito bukas ah? Miss ko na siya eh."
"Noted po." natutuwang sabi ko.
Kilala na kasi niya si Tina, dahil madalas ko 'tong iniimbita tuwing may ganap kami sa bahay kagaya ng reunion. Kapit-bahay lang din naman namin halos sila Kuya Xander, kaya tuwing may trabaho sila ng asawa niya ay sa amin iniiwan si Summer at may mga araw na naaabutan siya ni Tina na nandito.
Maagang dumating si Summer sa buhay nila Kuya Xander at ng asawa niyang si Ate Seah. Halos fresh graduate pa lang sila ng mga oras na 'yon at nag-sstart pa lang ang career nila nang dumating si Summer. Ngayon ay nasa tatlong taon na si Summer at madaldal na. Napakabilis lang ng panahon.
"May label na ba, boi?"
Bumalik ako sa sistema ko nang biglang mag-tanong si Kuya Xander.
Umiling ako. "Wala pa, 'ya!"
Napailing ito at tumawa. "Bagal mo talaga. Umamin ka na ba?"
Hindi ako nakasagot.
"Sige. Ibahin ko ang tanong ha? May aaminin ka ba talaga?" seryosong tanong ni Kuya Xander at natigilan ako.
"What do you mean?" kunot-noong tanong ko.
"Ang sa akin lang, boi. Baka naman kasi kaya hindi ka makaamin-amin ay dahil wala ka naman talagang aaminin." ani nito at nagkibit-balikat pa. "May gusto ka ba talaga kay Celestine o nadadala ka lang ng emosyon mo kapag magkasama kayo?"
"Hindi ko alam." napapabuntong-hiningang sagot ko. "Masaya ako kapag kasama ko siya. Nag-aalala ako kapag wala siya. Naiinis ako kapag nilalagay niya sa kapahamakan ang sarili niya."
"Nagseselos ka kapag may pinapansin siyang iba bukod sayo?" natatawang tanong ni Kuya at nahihiyang tinanguan ko. "Patay tayo dyan boi, in love ka!"
"Tingin mo?" tanong ko.
Nagkibit-balikat ito. "Sa nakikita ko, oo. Base sa sagot mo, siguro. Pero, boi, ikaw lang naman makakasagot niyan."
"Takot ka, 'yan ang sigurado ko." sabi nito. "Osya, sige na mag-ready ka na riyan at baka hinihintay ka na ni Tina. Umamin ka na, Alexis ha? Hangga't may oras pa."
"Dalhin mo ulit rito si Ate Tina, Tito ha?" masayang sabi ni Summer. "Miss ko na siya eh."
Tinanguan ko si Summer at saka sila lumabas ni Kuya Xander sa kwarto ko. Sandali pa akong nag-ayos at tinitigan ang sarili ko sa salamin. Ready na siguro ako.
*beep*
Kinuha ko ang phone kong nasa kama ko lang, at agad ko rin namang nabasa ang pangalan ni Tina.
From: Tina
Saan ka na? Kakaalis lang nila kuya.Agad kong hinanda ang mga dadalhin ko at saka ako nag-type upang replyan si Tina.
BINABASA MO ANG
THE DEATH WISH OF AKIME
Mistério / SuspenseMasaya. Mapayapa. That's the world of Athalia. But all of this changed when her sister, Akime Corpuz, passed away. Athalia Ysabella Corpuz, a journalist in the Academy of Benison, na ang tanging hiling ay ang kapayapaan sa mundong kaniyang ginagalaw...