CHAPTER 1

11 2 0
                                    

CHAPTER ONE

✧ ✧ ✧


"MAMAAAA!! PAPAAA!! huhuh, w-wag niyo po k-kaming iwan, huhuhu." Sumisinghap-singhap at umiiyak na saad ng batang si Rose

Aalis kasi ang kanilang mga magulang upang makipagsapalaran sa ibang bansa, tulad ng karamihan, kahirapan din ang dahilan sa pag-alis ng mga ito.

"Mga anak ko." Lumuhang lumuhod si Rebecca sa harapan ng kaniyang dalawang anak, si Rosella at Rendon. "P-pangako b-babalikan namin kayo ng papa, hah? Pangako iyan." Umiiyak na niyakap niya ang dalawang bata.

Napahawak naman si Edgar sa ulo ng kaniyang mga anak, bagaman masakit at mahirap para sa kanila iwan ang mga ito, ngunit kailangan dahil sa kahirapan ng buhay dito sa Pilipinas.

"Magpapakabait kayo kay Tiya Amanda ninyo, hah?" Kaniyang paalala sa mga ito, at ang tinutukoy na Amanda ay ang nakatatandang kapatid ng kaniyang asawa na si Rebecca.

"Hala. Sige na, umalis na kayong dalawa at baka mahuli pa kayo sa flight niyo." Saad ni Amanda sa mag-asawa na inaalo pa rin ang dalawang bata.

"Papa, mama!! A-ayaw po namin kayo umalis!" Saad ni Rose.

Hawak-hawak niya ang kamay ng nakababatang kapatid na si Rendon na katulad niya rin na umiiyak.

"Okay l-lang po, k-kahit wala kaming mga tsinelas o mga bagong d-damit tulad ng ibang b-bata, basta h-huwag lang po kayo umalis, d-dito lang po kayo please, p-promise po m-magpapakabait na po kami ni Rendon, hindi ba Rendon? Huhuhu." Dagdag pa ni Rose na tinanguan naman ng kaniyang kapatid.

Mas lalong napaluha si Rebecca. "M-mga anak, kailangan naming gawin ng papa niyo ito, ehh! Para din naman sa inyo ito." Paliwanag niya sa mga ito.

Kasabay ang mga pag-agos ng mga luha ng dalawang bata ay ganoon din ang pag-agos ng mga luha ng magulang.

Hinaplos ni Rebecca ang mukha ng kaniyang panganay. "Ikaw Rosella, anak? D-dahil ikaw ang ate lagi mong intindihin, m-mahalin at protektahan ang iyong kapatid, walang kayong ibang kakampi sa m-mundong ito kundi kayo lamang na d-dalawa. Rose anak wag mong papabayaan ang k-kapatid mo, huh?" Pumiyok pa ang boses niya. "Huwag mong papabayaan si Rendon, naiintindi mo ba ako anak?"

Tumango naman ang batang si Rose, na patuloy pa rin sa pag -iyak.

Sunod naman ay humarap si Rebecca kay Rendon. "At i-ikaw naman Rendon, dahil ikaw ang mas n-nakakabata, lagi kang makinig sa ate mo, huh? Huwag m-matigas ang ulo." Aniya na ikinatango rin ni Rendon. "Mahal na mahal namin kayong dalawa."

Ilang sandali pang nagyakapan silang pamilya hanggang sa mapagdesisyunan na ng mag-asawang aalis na.

"M-mauna na kami ate! Alagaan mo ng mabuti ang mga a-anak ko, hah? P-papadalhan namin kayo b-buwan buwan." Saad ni Rebecca sa kaniyang ate Amanda.

"Oo, ako bahala sa kanila." Saad naman ni Amanda, at pagkuwa'y hinawakan sa balikat ang dalawang bata.

"Mahal na mahal namin kayo mga anak, p-patawarin niyo kami ng papa niyo." Saad pa ni Rebecca bago sila tuluyang umalis na mag-asawa.

Sina Rose at ang kaniyang kapatid naman ay patuloy pa rin sa pag-iyak habang tinatanaw ang papalayong pigura ng kanilang mga magulang. Mahirap lang sila ngunit hindi naman maipag-kakailang masaya sila sa kanilang simpleng buhay, ngunit hindi naman napapabusog ng kasiyahan ang kumakalam na tiyan sa gutom.

"Hoy! Kayong dalawa, tumigil kayo ka-iiyak d'yan, pumasok kayo sa loob at marami kayong lilinisin doon." Saad ng kanilang Tiya Amanda nang makitang nakaalis na ng lubusan ang kanilang magulang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wild FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon