Chapter 1

550 12 2
                                    

Amesyl's PoV

Haaay... 8 months, 8 months na pagkatapos ng masakit na tragedy na nangyari, di pa rin maka move on si insan sa nangyari kay tita Alyana at kay baby Bullet. Kahit naman ako di parin nag si-sink in sakin lahat lahat, si Aemie pa kaya? Eh mommy nya yun tsaka first baby niya. Pati asawa nito, di parin tanggap eh.

"Max,tawagin mo na si Mr.Roswell at Miss Aemie sa taas, nakahanda na ang dinner."

Bigla namang bumalik ako sa ulirat nung magsalita si ate Meisha at kinausap yung unggoy

"Psst! Oy Lee, tawagin mo na nga" Sabi nung unggoy. Tss duwag naman pala. Tatawagin lang eh

"Tss, Ikaw inuutusan pre, duwag kalang" Sagot naman ni Jacob Lee

"Hindi ako duwag, nag aalala lang ako na baka maraming dalaga ang umiyak pag naistorbo ko sila Mr.Roswell. Hmmp. Mahirap na, mabuting sigurado. Sayang ang kagandahang lalaki ko pag nagkataon, tsk tsk tsk" Sagot nung Oranggutan. Aba't ang kapal talaga ng mukha nito oy! GGSS pa rin talaga sya. Ayaw lang amining naduduwag eh.

"Ako na tatawag"prisinta ko"Yung uggoy kasi dyan, napaka hangin na nga, duwag pa"Pinariringgan ko yung unggoy sa tabi ko

"Ayun naman pala eh. Ikaw nalang para mabawasan naman ang mga masusungit at sadistang tomboy"At talaga namang!! Bigwasan ko kaya toh?!?!

"Bakit ba kasi ayaw mo silang tawagin? Mamamatay ka ba pag ginawa mo yun? Sa bagay di rin naman maiiwasan yun, pag nakita ba naman nila yang pag mu-mukha mo, matakot sila at iisipin nilang may naligaw na Oranggutan sa bahay nila, babarilin ka talaga nyan ni Mr.Roswell"Pang-aasar ko. Nakaka bwisit kasi eh

"Aba matinde. Sa gwapo kong to pag kakamalang unggoy? Baka nga isipin nila na may anghel dito eh"Kapal! Kaysa bwisitin ko lang ang sarili ko sa pakikipag talo dito sa kumag na toh, tatawagin ko nalang sila insan sa taas.

"Talaga namang tinalikuran ang gwapong nag sasalita! Tsk tsk tsk!"Bahala ka sa buhay mo. Magsalita ka mag isa mo! Hay!

...

Nasa tapat nako ng kwarto nila insan. Hindi ko alam kung kakatok ako o hindi eh. Nakaka kaba rin naman kasi, ayaw na ayaw nilang nag papa-istorbo.

knock! knock!

"I-insan? Mr.Roswell? Kakain na daw po. K-kayo nalang hinihintay"
Leche! Na uutal pa ako!

Nag hintay ako ng 2 minuto nung bilang bumukas yung pinto

"Ahh, Mr.Roswell kakain na daw po"

"Ok. I'll just call wife, she's sleeping"Walang ganang sagot ni Mr.Roswell tsaka isinara ulit ang pinto. Bumaba nalang ako para maghintay at sabihin sa kanila.

...

Aemie's PoV

"Wife? Wife, the dinner is ready, do you wanna eat?" Nagising ako sa bulong ni Zeke sa tenga ko. Nagugutom na rin naman ako kaya tumango ako at tumayo sa kama pero dumiretso muna ako sa CR.

"Hubby, hintayin mo ako ha. Saglit lang" Sabi ko kay Zeke.

"Okay. Just hurry"

Papasok na sana ako ng banyo nang- "And wife,"Pigil ni Zeke "Ano nanaman?!?!" Inis na tanong ko sa kanya. Nakangiti na naman kasi eh.

"Please be careful, okay?" Haay, ayan na naman sya

"Oo na sige na sige na!"

......

Pag kababa namin ni Zeke, binati kami ni Milka,

"Good evening ate Aemie, kuya Ezekiel"
Nginitian ko lang sya

Pagka upo namin, kumain na rin kami agad. Hindi na rin kami nag uusap usap kaya parang ang boring tuloy, haay... Ka buwanan ko na ngayon kaya hindi ako masyadong pinakikilos ni Zeke. Minsan nga sa kwarto pa ako kumakain kasi ayaw akong palakarin ni Zeke. Sabi kasi ng doctor ko, maselan daw kasi pag bubuntis ko. Bawal daw akong mag lakad masyado at bawal din akong mapagod. Kahit hingal lang di pwede, arte noh?

Susubo na sana ulit ako ng kanin nung biglang- "Aww!" Ansakit ng tyan ko! Waaah! Sobrang sakit talaga!

"Aray Zeke! Manganganak na ata ako! Ahhhhhh!!"

Naramdaman ko nalang na binuhat ako ni Zeke tsaka sinkay sa kotse.

...

Sebastian's PoV

Nasa tapat kami ng delivery room ngayon. Takte kinakabahan ako ha. Si Mei din, hindi mapakali.

"Meisha, maupo ka muna oh, kanina kapa lakad ng lakad. Di kaba nahihilo?"
Tanong ko kay Mei. Amputs! Para kasi syang turumpo. Ikot ng ikot.

"I'm fine Seb" Sagot naman nya.

"Sigurado ka ha? Alam mo naman na ayaw na ayaw kitang napapagod. Hindi dapat naii-stress ang mga magagandang tulad mo"I said with a smirk

"Pssh, tumigil ka nga Lerwick!"Inis na ang tono ni Mei pero namumula sya

"Love you too babe" Sabi ko sakanya na lalo pang nakapag pa pula sa kanya. Haiist! Ganda talaga ng Girlfriend ko. Bagay talaga kami, Maganda at Gwapo. Siguro tinakda talaga kam-"Sino po si Mr.Roswell?" Tanong nung doktorang kakalabas lang ng delivery room.

Agad namang lumapit si Bossing sa doctor. "I am. How's my wife? My son? How are they? Are there any complications?" Sunod sunod na tanong ni Mr.Roswell sa doktor. Talaga naman tong si lover boy oh!

"Calm down Mr.Roswell. They're both fine. Just let your wife rest for a while. We will just bring your son in the nursery. You can see them later"Nakangiting sagot nung doctora.

Shiieet! Exited na akong makita ang itsura ng inaanak ko. Malamang gwapo rin yan tulad ng ninong Seb nya!




...

{A/N}

Sorry kung maikli lang. Chapter 1 palang naman. Masama rin pakiramdam ko.
Pero promise sa next UD mahaba na toh.

Thanks sa mga nag attempt mag basa neto. I really lovess you.

Pipilitin kong araw araw na mag update, para kahit maikli. 2 UD per day ang susubukan ko. 2 long updates, para kahit the next day hindi ako makapag update, di masyadong bitin.

Loveesss!

-Sofia

My Husband Is A Mafia Boss (Side Stories)Where stories live. Discover now