Shantal at Greg

2.6K 28 4
                                    

Ako si Shantal Shanti at bata pa lang ako ay baklang-bakla na ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ako si Shantal Shanti at bata pa lang ako ay baklang-bakla na ako. Grade 12 na ako ngayon. Nang maghiwalay si tatay at nanay, sumama ako kay nanay. Nag-asawa ulit si nanay, at ang bago niyang asawa ay si Tito Matt.Nang lumipat kami at nanirahan kasama ang pamilya ni Tito Matt, naging mahirap ang sitwasyon ko. Ang tatlong anak niyang lalaki ay galit sa akin. Tuwing umuuwi ako galing eskwela, madalas akong makaramdam ng malamig na pakikitungo sa kanila. Hindi nila ako kinikibo at minsan pa'y sinasadya nilang iwasan ako.

Isang araw, pag-uwi ko galing eskwela, nadatnan ko si Tito Matt at ang kanyang tatlong anak sa sala. Nag-uusap sila nang seryoso, kaya't tahimik akong umakyat sa aking kwarto. Habang nasa taas ako, narinig ko ang usapan nila. Tila may mga galit na salita at mga tanong  kung bakit kailangan akong tanggapin sa kanilang pamilya.Sa mga sumunod na araw, lalo akong naging mahiyain sa loob ng bahay. Hindi ko alam kung paano ko makukuha ang kanilang loob. Laging may tensyon tuwing magkakasama kami sa hapag-kainan.

Minsan, si Tito Matt ay sinusubukang maging mabait at kausapin ako, pero ramdam ko ang pag-aalinlangan niya.Si nanay, sa kabila ng bagong buhay na tinatamasa niya, ay pansin ang kalungkutan ko. Isang gabi, kinausap niya ako sa kwarto."Shantal, anak, alam kong hindi madali ang pinagdadaanan mo. Pero kailangan mong magpakatatag. Mahal kita at susuportahan kita kahit anong mangyari," sabi niya habang hawak ang aking kamay."Mahal din kita, Nay," tugon ko habang pinipilit na ngumiti. "Pero ang hirap po kasi ng sitwasyon dito. Pakiramdam ko, hindi ako tanggap."Niyakap ako ni Nanay nang mahigpit. "Anak, hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo para sa kanila. Alam kong mahirap, pero magtiwala ka lang. Lilipas din ang lahat ng ito."

Dumating ang mga sumunod na buwan, pero hindi pa rin nagbago ang sitwasyon. Ang tatlong anak ni Tito Matt ay patuloy na malamig sa akin. Si Tito Matt naman, kahit sinusubukan akong kausapin, ay tila nag-aalangan pa rin.Isang araw, nakatanggap kami ng balita na nabundol ng truck si Nanay habang pauwi mula sa trabaho. Hindi na siya umabot nang buhay sa ospital. Parang gumuho ang mundo ko. Ang tanging taong nagmamahal at umuunawa sa akin ay nawala na.

Sa araw ng libing ni Nanay, naroon si Tito Matt at ang kanyang tatlong anak. Kahit paano, nakisama sila at tumulong sa paghahanda. Nakikita ko ang lungkot sa mukha ni Tito Matt, pero ramdam ko rin ang layo at malamig na pakikitungo ng kanyang mga anak.

Pagkatapos ng libing, nagbago ang takbo ng buhay ko. Naging parang utusan ako sa bahay. Tuwing uuwi galing eskwela, agad akong tinatawag ng mga anak ni Tito Matt upang maglinis, maglaba, at magluto. Hindi ako makapalag dahil alam kong wala akong ibang matatakbuhan.Isang gabi, habang pagod na pagod akong nagluluto, nilapitan ako ni Tito Matt. "Shantal, alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo. Naiintindihan ko ang sakit ng pagkawala ng nanay mo. Pero kailangan mong magpatuloy sa buhay.Puro lalaki kami dito sa bahay sana maintindihan mo kung bakit kailangan mong tumulong dito sa bahay.""Oo, Tito Matt," sagot ko nang mahina. "Gagawin ko po ang makakaya ko."

Sa bawat araw na lumilipas, lalo kong nararamdaman ang bigat ng pagiging utusan sa bahay. Isa sa mga anak ni Tito Matt, si Greg, ang pinaka-nagpapahirap sa akin. Moreno siya, may mga tattoo sa braso, at aminado akong gwapo talaga siya. Pero sa kabila ng kanyang magandang itsura, lagi siyang galit sa akin at walang ibang ginawa kundi utusan ako ng utusan.

Shantal : Ang Baklang PutaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon