Nag ilawan ang mga di mabilang na bituin sa aking harapan, habang ako ay nakatayo sa madilim na parte ng intablado. Malamig ang simoy ng hangin pagkat desyembre at papalapit na ang pasko.
Umilaw ang medyo asol na liwanag galing sa ibabaw at nag sigawan ang mga tao. Nataohan ako at napa lingon muli sa harapan ko.
Ang mga akala kung mga liwanag na bituin ay mga lightstick ng mga humahanga sa akin. Hindi parin ako maka paniwala na madaming mga dumadalo at humahanga sa akin at sa aking pag kanta.
Ngumiti ako sa tuwa, at nakita iyon sa big screen kaya panay ang sigawan ng mga tao.
Alas otso na ng gabi nang nag simula na akong mag pa kilala. Ito ang una kung ginagawa tuwing nag coconcert ako.
" Magandang gabi, Im your dose of moonlight Miguel"
Halos di kuna ma dinig ang sarili kung tinig dahil sa sigawan ng mga tao. Hindi sa pag mamayabang medjo marami talagang tao ang bumili ng ticket sa concert kung ito. Hindi kuna makita ang ilang tao na nasa malayo kundi ang mga liwanag nalang ng kanilang lightstick.
Nag simula na akong kumanta ng nga naisulat kunang mga kanta dati at ng mga bago kung gawa.
Sa bawat tunog ng mga instrumento ay para akong napupunta sa ibang lugar na nandoon siya.
Comeback ko itong concert na ito at ang huling concert nadin. Dahilan kung bakit siguro marami ang dumalo sa gabing ito .
Kumanta ako na sumasabay ang mga tao sa lugar na iyon. Ang mga boses nila habang kumakanta sa musika ko ay apaka ganda pakinggan sa aking tenga.
Dumaan ang ilang oras at halos maubos kuna ang pag kanta ng mga kanta ko. Nadama ko ang lamig ng hangin sa isa kung natitirang kanta dahil alam kung ito na ang huling beses na maririnig nila ito ng live.
11:00 pm na nang gabi ng natapos akong kumanta at nag hahanda na akong mag paalam sa lahat. Sa mga oras na iyon ayoko munang tumigil at magpaalam. Tumalikod na ako at nag simulang lumakad ng may isang fan ang sumigaw ng " kumanta ka para sa kanya" .
Napa lingon agad ako sa harapan at sinubukang hanapin ang sumigaw pero sa dami ng tao hindi ko na alam kung alin sa kanila. Nag sigawan naman lahat ng " wag munang uuwi" paulit ulit.
Tumingin ako sa producer at sa manager ko. Naka ngiti lng sila sa akin at tumango tango.
" kakanta ako...... isang kanta....... Para sa kanya"
Nag lingonan ang lahat sa isat isa na parang naguguluhan. Lumakad ako palapit sa manager ko at sinabing kunin ang papel na nasa bag ko. Dali dali niya itong inabot sa akin.
Nakakabingi ang katahimikan ng mga tao at naka tingin lang sila sa akin. Pag hawak ko sa papel na dama ko agad siya.
Ibinigay ko ito sa tumotugtug ng piano.
Umupo ako sa gitna ng intablado at nag dilim ang mga ilaw. Ang tanging ilaw laman ay naka tutok sa akin. Hindi ko alam kung sa lamig ba ng hangin ang dahilan ng pag luluha ko.
" Ang kantang ito ang special sa akin.... sa amin.... Sana masaya ka ngayon"
Ang kantang ito ang hindi ko pa na publish ang first time kung kakantahin sa harapan ng madaming tao.
Nag simula nang tumugtug ang piano at ang ganda nito. Madilim kaya wala akong makitang tao kundi ang mga ilaw nila. Kaya para akong kumakanta sa langit na maraming bituin.
Kumanta na ako at damang dama ko ang bawat salita ng kanta. Sa isip ko hindi na baling hindi nila magustohan basta kakanta ako para sa kanya sa huling pag kakataon.
Rinig na rinig ko ang boses ko. Sa gitnang bahagi ng kanta ay napaiyak ako nang na alala ko ang nga dating panahon, naalala ko ang dati, na alala ko siya.
Habang tumutulo ang luha ko, nabigla ako nang lumiwanag ang arena . Tumingin ako sa harapan ko at nakita kung umiiyak din ang mga tao sa loob ng arena. Na parang alam nila ang nararamdaman ko sa panahon na iyon. Napa tulo ng madali ang luha ko, naka tingin sila sa likoran ko kaya tumalikod ako para tingnan ito.
Nabigla ako ng nakita ko siya, ang ngiti niya. Naka play sa bigscreen ang mga sandaling magkasama kami, mga larawan, mga tawa namin, mga gala, mga pagmamahal na damang dama ko, ang pagmamahal na hinding hindi ko makakalimotan.
Nang natapos ang kanta magang, maga ang mata ko at pulang pula ito. Nag punasan din ng mga luha ang mga tao. Tumayo na ako sa pag kakaupo ko " muli ako si Miguel ang dose of sunshine niyo" sabi ko sa huling pagkakataon at nag bow at hindi ko maiwasan ang pag iyak ko.
Nag palakpakan ang mga tao at ngumiti ako sa kanila sabay kaway ng kamay. Lumakad na ako sa likoran ng intablado.
Natapos na talaga ang event at nasa dressing room na ako para mag tanggal ng make up at mag bihis.
Ilang oras ang lumipas at natapos nadin akong mag bihis. Naka rinig kami ng mga yapak ng tao na nag mamadaling tumatakbo pa punta sa amin.
" Tingnan niyo ang internet.....trending si Miggy"
Sabi ng isang staff sa aminAgad agad namang tiningnan ito ng mga taong nasa loob ng dressing room. Tama nga sila trending nga ako dahil sa kantang kinanta ko.
Nag labasan ang ang ibat ibang post at mga article tungol sa concert ko. Kadalasan ng mga iyon ay magaganda naman pero may ilan2 din na hindi ka tangi2 pero wala na kaming paki sa mga iyon.
Nag pa alam ako sa manager ko na uuwi ako mag isa ngayong gabi at sumang ayon naman siya sa akin. Sumakay na ako sa itim na BMW na sasakyan at sabik na sabik na makita siya. Habang papunta ako sa kanya may na daanan akong flower shop at nakita ko ang yellow roses na paboritong paborito niya kaya napa tigil ako.
Bumaba ako at bumili ang bulaklak para iregalo sa kanya ngayon. Nag patuloy na akong mag maniho papunta sa bahay niya. Ilang minuto pa ay nadating kona din ang bahay.
Ang ilaw ng bahay ang napaka gandang tingnan sa dilim ng gabi. Pumasok ako at agad ko siyang hinanap. Nakita ko siyang parang kanina pa nag hihintay sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at lumapit. Binigay ko ang mga yellow roses na tinatago ko sa likuran ko. Kitang kita ko sa mga mata niya ang saya niya. Umupo ako tabi niya at nag simula akong nag kwento sa mga pangyayari sa concert ko kanila lng.
Nakatingin siya sa aking at nakikinig lng.Nakadama ako ng antok at kaya humiga kami at patuloy akong nag kwento habang magkatabi kaming nakahiga at hinahawakan ko ang buhok niya.
Nagising ako sa ingay ng phone kung kanina pa tunog ng tunog. Agad kung hinanap ang phone ko at sinagot ang tawag.
" Miggy san kaba ngayon?" Medjo galit na tanong ng manager ko. Di ko pala nasabi na pupunta ako dito at alas 9 na nang umaga. Napa laki ng mata ko nang nakita ko ang 16 missed calls ko galing sa kanya.
" kasama ko si Luis" sambit ko ng mahinang boses.
Nang nalaman niya iyon ay napa hinga siya at nakaginhawa at binaba ang phone.
Napa tingin ako sa paligid at umaga na talaga. Tumingin ako sa kilid at nakita ko ang pangalan niya sa lapida sa loob ng isang magandang puting bahay.
" Luis Gabriel Andres M. Perez"
"Born: May 15 2000"
" Death: November 09 2023"Sa tabi ng lapida ay ang yellow roses na binili ko kagabi. Masaya akong makita siyang muli. At alam kung masaya din siyang makita ako.
" Its been a year na hindi kita kasama,..... mahal ko"
BINABASA MO ANG
A Love to Remember
RomanceA famous singer, Miggy, unexpectedly meets his first love from high school after many years apart.Late naba para bumawi at pag bigyan muli ang pag-ibig? As they reconnect and support each other, he uncover a secrets that challenges his feelings. Is...