CHAPTER 22

Nang maitulak ko ang pinto ng bathroom, para akong namutla na hindi ko malaman.

'Yung mga pesteng butterflies sa stomach, yung malakas na kabog ng dibdib ko, yung kabang naramdaman ko. Lahat lahat na siguro naramdaman ko kanina.

Matagal kong tinitigan ang sarili ko sa salamin.

Niya, Ano na? Handa ka na bang makita s'yang muli?

"Are you okay, Miss?" Napalingon ako sa babaeng naglalagay ng powder sa mukha.

"I'm fine," ngumiti ako at muling tiningnan ang sarili ko.

I deeply sighed.

Ito na 'yun, Niya. Wala nang atrasan.

Lumabas ako ng bathroom, hindi ko napansin na lumabas na pala ang babae kanina.

Mariin akong pumikit at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Inangat ko ang paningin ko, ngunit sa pag angat ko ng paningin ay s'yang pagtama ng aming mga mata.

Lumunok at napakurap ako, mabilis akong naglakad para makarating sa table namin.

Abot langit ang kaba ko ng makita ko ang pagkagulat sa kanya.

We should leave this place.

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon