PROLOGUE

1 0 0
                                    

Marahil ay nasisiraan na ako ng bait pero totoo ang nakita ko! Hinding hindi ako maaaring mag kamali sa natuklasan ko.

" Parang awa niyo na po buhayin niyo ang anak ko " naiiyak na pakiusap ng isang babae sa misteryosong lalaki.

" Kung gusto mo mabuhay ang 'iyong anak, may kailangan 'kang gawin. Matitiyak mo ba na susundin mo ang anumang pinag-uutos ko? " Sagot ng estranghero

Sumilip naman ako sa kabilang bahagi sapat lamang upang makita ang nangyayari.

Nakita ko ang pag luhod ng isang ginang na tila nag susumamo sa estranghero. Bakit? Doctor ba siya? Bakit ang daming diskusyon kung nag-aagaw buhay ang pasyente!

" Oo... Kahit ano pa 'man yan ay gagawin ko! Mabuhay lang ang anak ko.. " lumuhod itong muli at nag susumamo ang mata. " Kahit ano.... Iligtas mo lamang ang anak ko " habang nakaluhod ay panay pa 'rin ang tingin nito sa nag hihinalong anak.

Ngumisi naman ang estranghero bago may inilabas na isang makalumang papel. Nagulat ako sa aking nakita sapagkat ang papel na iyon ay lumutang sa ere.

" Pumirma ka dito, bago ko gamutin ang anak mo. " Malamig na sambit nito habang nakatitig sa ginang.

Pirma? Ano to perahan? Kasunduan? May ganito bang doktor? Napaka unprofessional kung ganon.

Ngunit sumilip muli ako nakita ko naman na nilabas ng estranghero ang-- teka? Kwintas? Para saan?

Hugis buwan ang kwintas na 'yon at may dugo sa loob? Tinignan ko ang estranghero ngunit agad siyang natigilan at parang nakikiramdam. Agad naman siyang lumingon sa pinanggalingan ko ngunit naging alerto ako kaya nag tago muli ako.

Anong klaseng nilalang ba ito? Bakit may kapangyarihan at kasunduan ang lalaking 'to.

Ang kaninang kwintas ay nag mistulang patalim.

" Huwag 'kang mag-alala hindi mo mararamdaman ang talas nito. " Malamig na sabi nito habang tumitingin sa kaniyang patalim

Kitang kita sa mukha ng babae ang pag aalinlangan ngunit tumingin muli siya sa kaniyang anak. Bago kinuha ang patalim at tinusok 'iyon sa kaniyang daliri. Ang papel ay mistulang nakasunod sa patalim, sa pag landas nito sa daliri ng babae ay sinalo ng papel ang pumapatak na dugo. 

Ngumisi ng nakakakilabot ang estranghero bago nawala ang papel.

" Tandaan mo ito babalik ako upang matupad ang kasunduan. Kahit anong layo mo sa'kin ay hindi ka makakatakas sa sarili 'mong dugo. " Sa pagkakasabi ng estranghero ay tumaas ang balahibo ko.

" Susunod ako sa kasunduan iligtas mo lang ang anak ko " muling pakikiusap ng babae

Tinignan ko ang kaniyang daliri himala na wala ni isang daplis sa kaniyang daliri ngunit may tattoo ang kaniyang palapulsuhan. Isang pakpak na may patalim at dugo sa itaas.

" Bukas na bukas ay gagaling ang anak mo. " Huling sambit ng lalaki bago humangin ng malakas.

Sa lakas ng hangin ay tinakpan ko ang aking mata nahimatay naman ang babae ngunit hinayaan lamang siya ng estranghero.

Ngumisi ito bago nag bitaw ng salita " unti-unting nauubos ang tiwala ng tao sa kanilang sarili... " Tinignan niya ng walang buhay ang naka handusay na babae bago sumama sa hangin.

Tila isang panaginip ang gabing yun. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng buhay ngunit, isa lang ang masasabi ko. Ang nasaksihan ko ay hindi kathang isip sapagkat, totoo ito...ang hangin na dumala sa lalaki palayo ay nararamdaman ko. Lahat ng pangyayari ay nasa utak ko pa 'rin.

Isa lang ang alam ko sa estranghero na 'yon hindi siya tao. Isa siyang demonyo

Flames of love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon