Chapter 24

71 0 0
                                    

CHAPTER 24

Enzo


Tuwang tuwa ako nang mabalitaan ko kay Karim na tutugtog ang Chasing Celestine para sa opening assembly sa first day of school dahil sila ang nanalo sa battle of the bands at marami na rin ang may gusto sa banda. Hindi lang sa mga ka-batch namin pero kahit ang younger at older batches.

Napagplanuhan na rin nilang gumawa ng YouTube account at doon i-post ang mga cover nila ng mga kanta at todo support naman ako.

Naiwan ako sa inuupuan namin at bakante ang harap, likod, at gilid ko dahil pumunta na sila sa gilid ng stage at ilang sandali na lang ay tutugtog na sila.

May kumalabit sa likod ko kaya nilingon ko 'yon. Isang babaeng ka-batch namin na nababalitaang may gusto kay Donovan.

"Hi, Phoebe. Okay lang magtanong?"

Ngumiti ako at tumango. "Oo naman. Ano 'yon?"

Yung mga katabi niya ay nakatingin din sa akin. Isa roon ay nakakunot ang noo na hindi ko na lang din pinansin dahil baka bad mood lang.

"Totoo ba? Kayo na ni Karim?"

"Uh... O-Oo. Bakit?"

Nagtinginan sila ng mga kaibigan niya at bumaling ulit sa akin. "Wala naman," napangiwi siya. "You're pretty din naman. Of course, he'll like you. Marami na ngang may gusto sa'yo dito sa batch natin, eh."

"Ahh..." Napangiwi rin ako at tumango.

Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang sabihin iyon. At... ano naman sa kanila kung kami ni Karim?

"Iyon lang!" Tumawa siya at sumenyas na humarap na ulit ako.

"Let us welcome last year's battle of the band champion, Chasing Celestine!"

Humarap na ako at pumalakpak nang paakyat na sila sa stage. Agad ding tumingin sa gawi ng grade six si Karim habang nagtatali ng buhok at ngumiti.

"Ang gwapo ngumiti ni Karim!"

"Mas gwapo si Donovan!"

"Hindi kaya, si Gavin! Gwapo rin yung mga kuya niya! Crush ko nga si Gasper, eh."

"Shh! Marinig ka ng girlfriend ni Karim!"

"Eh ano naman? Magb-break din 'yan."

Gusto ko sanang lingunin kung sino yung nagsabi noon pero pinabayaan ko na. Kung kanina, malapad pa yung ngiti ko dahil tutugtog sila, ngayon pilit na lang dahil bumabagabag sa akin yung pagtatanong at yung nagsabing magb-break din.

Alam ko na may mga tao talagang naninira ng mga relasyon. Maraming sinasabi, yung iba pa ay inaahas daw... ganoon ang naririnig ko sa mga kapitbahay ko. Mayroon pa ngang isang araw, may nagsabunutan dahil parehas pala nilang boyfriend yung isang lalaki at wala rin silang alam.

Pero kung ganoon, hindi ba dapat ang boyfriend yung sinisisi? Kasi may girlfriend na tapos mag-gi-girlfriend pa ng isa? Hindi sinabi na may ka-relasyon na siya. Pero mayroon ding kahit alam nang may girlfriend o boyfriend, lumalapit pa rin. Nagpapapansin.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon. Bakit kailangang manghimasok at pumasok sa relasyon ng iba? Bakit kailangang agawin o sulutin—yung term na naririnig ko sa kapitbahay—kung pwede namang maghanap ng sarili niyang boyfriend o girlfriend? Bakit kailangang mangaliwa at hindi na lang makipagbreak kung may iba na palang gusto o kung ayaw na sa partner kaya naghanap ng iba? Bakit kahit hindi naman kapamilya o kaibigan, kailangang alam mo lahat ng detalye sa dalawang magkasintahan? Bakit yung iba, kung makapagbigay ng opinyon ay parang kasali talaga sa relasyon?

When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon