Iwas na at baka ma-inlove kana naman.

2.3K 24 6
                                    

"Chelly, may assignment ka ba sa math?"tanong ni Jinkee sa akin

"Oo naman favorite ko kaya ang math...Hmm alam kong mangungupya kana naman kaya ito o."sabi ko sabay abot nang notebook sa kanya.

Ay oo nga pala hindi ko pa nasabi sa inyo pangalan ko...ako nga pala si Chelly Mae Villaraza. Sabi nila maganda raw ako, matalino at mabaet...well sila ang nagsbi nun kaya yun na yung description ko sa aking sarili. At ito namang chanak na nagkokopya ngayon sa assignment namin sa math ay ang bestfriend kong si Jinkee Robles.

Ewan ko ba sa babaeng 'to, matalino naman ito, yun nga lang tamad gumawa nang assignments.

Napalingon ako bigla nang may narinig akung tawanan sa entrance ng cafeteria. Umupo sila sa bakanteng table na sa left side namin. Napayuko ako ng mahagilap ng aking mga mata ang lalaking crush...ahm...ay hindi pala...mahal ko na yata...haaay...Ang pangalan niya ay Keneth Fernandez. Matalino, mabaet, mayaman, gwapo, varsity, in short heart-throb. 

Tiningnan ko si Jinkee at bumulong "Jink tapos kana ba?"

"Hindi pa pero malapit na. Teka bakit kaba bumubumlong?"sa tumingin sa akin

Sinenyasan ko siyang tumingin sa left side namin...tumingin naman siya at mukhang alam na niya kung bakit ako bumubulong.

"Teka lang malapit na akong matapos chelax ka lang diyan hindi ka naman niya kakainin eh...hahaha.

Siya pang may ganang magbiro habang pawis na pawis na ako...hahaha...over lang.

Haay salamat at natapos na rin siya at nagligpit na ng mga gamit. Tumayo na ako pero nakayuko pa rin...Pero bago kami nakalabas rinig ko pa rin ang pinag-uusapan nila.

"Ui, Keneth diba si Chelly 'yon? 'Yong nagtapat sayo tas binasted mo lang?hahaha...kawawa naman."Guy 1

"Ui pare 'wag ka namang ganyan binasted na nga pinagtatawanan mo pa."Guy 2

"Tumigil na nga kayo wala naman siyang ginwang sa inyo pinagtripan niyo pa."Keneth

"Ui!  Himala may pinagtanggol si Keneth at babae pa...hah! Ibang level na 'to"

Iyon lang ang narinig ko sa usapan nila. Eeeh>.< nakakahiya! Bakit pa kasi ako nagtapat sa kanya huhuhu T_T yan tuloy.

Tama kayo ng hianala nagtapat ako sa kanya...ito kasing chanak nato eh...huhuhuT.T

ganito kasi yung nangyari...

<<<<<FLASHBACK>>>>>

"Bespren si Keneth o?"sabi ni Jinkee sabay turo kay Keneth na nagsusulat sa di kalayuan.

"Hui wag mong turuin baka makita ka, baka ano pang iisipin nun."saway ko sa kanya

"Sorry na"

Tumigil na rin siya. Nasa bench nang school para magpalipas ng oras.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Iwas na at baka ma-inlove kana naman.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon