dedicated to @GJACYESER
So ito na po ulit yung update!!☺️ Sorry po sa sobrang tagal masyadong nabusy lang si author. Pero back to updating na ulit tayo. Hehe. Hope you enjoy this!
Continuation of 2 weeks ago..
FELIZ'S
Araw ng linggo, kaya may misa na gaganapin ngayong umaga sa maliit na
chapel sa bahay-ampunan.Kasama ko si Anna na naghahanda ng umagahan ng mga bata. Kung tama ang bilang ko at kalkulasyon, mahigit dalawang daan ang mga bata na nasa orphanage. Karamihan sa mga bata ay pitong taong gulang hanggang dose anyos. Nasa trenta naman kami na nasa wastong gulang na.
"Anna, paki-suyo naman ng bawang saka asin," ani ko.
Nakangiting inabot naman niya sa'kin iyon. Mukhang maganda gising ng isang to ah. Hindi ko tuloy napigilang ang sarili kong magtanong out of curiosity.
"Good pa sa good morning ang morning ng beshy ko ah," biro ko sakaniya.
Namula naman siya sa sinabi ko. Esesss, pumapag-ibig na ere.
"Bakit, sino bang nagpapaganda ng araw mo?" dagdag ko pa at patuksong binungo ko siya habang abala sa pagtadtad ng bawang.
"Naku, mabuti pang tapusin na natin to ano," sagot niya na may halong kilig.
"Kung wala, bakit ka namumula?" tanong ko pa.
"Si Marcus kasi... siya yung bagong volunteer, di ba?" ani Anna, sabay ngiti ng malalim.
Teka! Ano raw Marcus?
Nangunot naman ang noo ko. Paano si Kevin?
Paano yung oplan AnnVin?
"Ahh..eh.. ah?," Nagtatakang sagot ko sakaniya.
Ani bang nangyari? Bakit parang may something sa dalawa? Nagkatampuhan ba sila?
Okay naman sila noong nakaraang linggo.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon ni Anna.
"Umm.. Kumusta pala kayo ni Kevs?" Parang nahihirapan akong itanong.
Nawala naman ang kaninang ngiti niya at napalitan ng lungkot. Kitang-kita ko iyon at hindi niya maitatangi sa'kin na may mali ngang nangyayari.
Ano ba kase ang nangyari?
"Maayos naman kami. Sa totoo nga mas mabuti na ito, mas mabuting ganito lang kami."
Pilit siyang ngumiti habang sinasagot ako.
"Bakit? Ano bang nangyare? Nagkatampuhan ba kayo?" Sunod-sunod kong tanong sakaniya.
Paano na?
Umiling naman siya sa'kin at pilit na ngumiti.
"Hindi. Mahabang kwento. Pero ang tanging masasabi ko lang, talo ako sa gerang ito."
Matapos niyang sabihin iyon sa'kin agad naman niyang kinuha ang tinadtad kong mga sibuyas at inilagay na iyon sa kawali.
Talo siya? Gera?
Ano yun?
REMINDER #3 In the game of love where loving someone means fighting for it, just like in a war. Kung saan pwede kang manalo at umuwi ng masaya, o umuwing luhaan kase talo ka at the same time.
That does mean? May rival siya pagdating kay Kevs? Eh sino naman kaya iyon. Pagtalagang malaman kong pinagtitripan lang ni Kevs si Anna, naku talaga! Sasakalin ko yung isang yun.
BINABASA MO ANG
Flowers For Him
RomanceFlowers For Him Every day, he received a flower from a secret admirer. Who was it from, and why him?