Carmela's POV
Lahat kami excited na sa mangyayari sa prom mamaya kaya naman lahat kami ay nandito sa department store para bumili ng mga gagamitin namin.
"Ano ba ang bibilhin mo na dress?" tanong ni Allan sa akin habang hawak ang mga pinamili ko
Napakamot naman ako ng batok ko dahil ang totoo niyan ay wala talaga akong mapili.
"Wala akong mapili.Tingin ko walang bagay sa akin dito.Ayokong simple lang ang suotin ko gusto ko ito ang huling MEMORABLE na gabi ng high school kaya gusto ko maging maganda ako." sabi ko sa kanya
Huminto kaming dalawa at iniharap niya ako sa kanya
"Maganda ka na.Hindi mo na kelangan magpaganda pa." sabi niya sa akin ng may sincere na mga mata
Ngumiti ako.Hindi ko alam pero kinakabahan ako..Ay mali! Hindi ito kaba ewan ko pero nakakaramdam ako ng lungkot.Hindi ko alam kung bakit pero parang wala ako sa mood.Parang para sa akin malungkot ako.Hindi ko kayang ngumiti ng totoo kasi nga sa isip ko malungkot ako.
At hindi ko talaga alam kung bakit.
Nang mapansin niya na hindi ako kikibo nagbuntong hininga siya na parang sumusuko ngumiti siya at
"Alam ko na kung ano ang isusuot mo." sabi niya sa akin
Kumunot ang noo ko..
"Ano naman?" tanong ko
"Trust me.." sabi niya
Sinunod ko siya at namili kami ng damit na susuotin ko.
"Bagay ba talaga? Bakit feeling ko hindi.." sabi ko ng may malungkot na boses
Nakatitig siya sa akin habang nakaupo siya at nakadekwatro.I know naiinis siya dahil sa kumunot ang noo niya hinawakan niya ang baba niya at nagtanong.
"Is there something wrong? Bakit arang wala ka sa mood? Hindi ka ba excited?' tanong niya
Tumungo ako...
"Excited..Pero ewan ko..Kahit anong pilit ko na pagenjoyin ang sarili ko hindi ko magawang ngumiti o maging nasa mood.Parang ang lungkot lungkot." sabi ko
"Maghubad ka na..Uuwi na tayo!" sabi niya at tumayo na
Naglakad ako pabalik sa fittng room at nagpalit
lumabas ako at umuwi na nga kami.Wala kaming ibang ginawa sa kwarto ko kundi ang mahiga at matulog.Walang iba.
***
Ako ang unang nagising sa aming dalawa dahil sa isang malakas na announcement na dumadagundong sa buomg school.'Our beloved students 2 hours left before our prom night.Be with your best outfit for tonight!Goodluck!"
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko iyon.
Nakita ko si Allan na tulog na tulog pa ang loko at humihilik pa!
"ALLAN! MAGP-PROM NA!" sigaw ko sabay yugyug sa kanya
"ALLAN ANO BA! GUMISING KA JAN!" sigaw ko
"Ano ba!?Hindi pwedeng manggising ng maayos? Kelangan ng nambubugbug?" tanong niya
Napairap ako sa sinabi! Paano siya gigisingin ng maayos eh nakakainis!
"Wala pa akong gagamitin!" sabi ko
"That's nt a problem honey.Just sit back and relax okay!Wait..." sabi niya sabay kuha ng phone niya at nagdial ng kung ano
"Hello? Umakyat na kayo dito.Gising na kami." sabi niya sabay patay ng phone
"Dito ka lang ha.Sa kabila lang ako." sabi niya
"I love you." sabi niya sabay kiss sa noo ko at himas sa ulo ko
"I love you too." sabi ko
Umalis na siya at kasunod niya ay ang mga babaeng pumasok sa room ko.
"Hi mam..Kami po ang magaayos sayo.." sabi ng isang babae na makapal ang make up
I smile and said...
"Okay.Halika na?" sabi ko
Tumango sila at tumungo kami sa harapan ng salamin at umupo na sa chair.
Inayusan nila ako ng buhok.Nang pilikmata.Nang labi.Nilagyan ako ng blush on at iba pa.While sa kamay ko ay manicure and nilagyan nila ng bracelets.
Matapos ang eksaktong dalawang oras ay natapos kami.
And last...
"Isuot niyo na po ito." sabi sa akin
Isinuot ko ang isang pink barbie dress at isang pink din na killer heels na saktong sakto sa paa ko.
Ngumiti ako at pumunta sa life-size mirror and there I saw a gorgeous girl na nakatingin sa akin.Meron pa akong maliit na crown na ulo at inabot nila sa akin ang isang pink clutch na kumikinang pa.
"Ang ganda mo mam..." sabi ng isa
Ngumiti ako while minamasdan ko ang sarili ko.
"Talaga?" tanong ko
"Opo." sabi nila
Hinarap ko sila at nagbow ako..
"Salamat." sabi ko at lumabas na.
Naghihintay sa labas ng door ko ang date ko.Si Allan.
"Gorgeous..." sabi niya sabay lend ng hand sa akin na tinanggap ko naman
"Thanks." sabi ko at naglakad na kami matapos kaming litratuhan dalawa
Pagbaba namin ay eksaktong maguumpisa na ang NIGHT ng mga JS.
Umupo kami sa designated sit namin kasama ang barkada niya at nakinig na sa speech ng mga invited guess.
"Thank you sir.Wag na natin patagalin pa ang paghihintay! Umpisahan na natin ang NIGHT TO REMEMBER na PROM! Tawagin na natin ang mga magreregudon!4th years and 3rd years umpisahan na!" masiglang sabi ng MC namin at nagpalakpakan kami
Tumayo ang mga lalaki at lumapit na sa mga babae na partner nila.Tumayo si Allan at lumapit sa akin
Inilahad niya ang kamay niya at kinuha ko ito ng may ngiti.
"Thank you." sabi ko at pumunta na kami sa gitna
Nasa kabilang side ang boys at kabilang side naman kami.Pero hindi malayo.
Kasabay ng tugtug na Can I have this dance ay ang paglapit namin ng may isang hakabang.lang at nakatingin sa mata ng isa't isa.
Nagpalit kami ng pwesto ng tatlong beses bago namin iclining ang arm namin sa isa't isa.
Pagapak ko sa unang step ng sayaw ay agad niyang sinalo ang bewang ko.
Nagsasayaw kami at umaawit siya kasabay ng tugtug sa speaker."Thank you carmela..For giving me another chance.." sabi niya
"Thank you for accepting me again.." sabi niya
"I love you and I will always love you.Till eternity.I always will." sabi niya
Nakakunot ang noo ko..
"Bakt?" sabi ko
"Makinig ka.Hindi na---"
"Oh mygod! Si jessie?!"
"Hi Jessie!"
"Invited ba siya?"
Napatingin ako sa likuran ni Allan.
Doon ko nakita na si Jessie Sy ang pinaguusapan nila.Napatingin ako kay Allan ng hawakan siya ni Jessie sa balikat niya.
"Allan..."
-----