KABANATA 16

152 8 0
                                    

THIRD PERSON POV

Nakahiga sa ibabaw ng dining table sa loob ng malawak na dining room ng malaking bahay ni Frida ang hubo't hubad na bayaw nitong si Arnulfo habang parang mauubusan ito ng pagkain sa pagsubo ng matabang alaga ng mister ng kapatid nito.

Si Arnulfo ay mahigpit na nakakapit sa buhok ni Frida habang nagtataas-baba ang ulo nito sa kanyang mahabang alaga. Sa paraan ng paghigop ni Frida sa ipinagmamalaking kayamanan ng asawa ng kapatid nitong si Minda ay para bang doon nakasalalay ang buhay nito.

Ilang taon ng buhay ni Frida ay nanatili lamang itong isang lihim na tagahanga ni Arnulfo. Mula nang makilala nito ang lalaki ay hindi na ito nawala sa puso't isipan ni Frida. Animo'y na-love at first sight ito sa lalaki na noon ay nobyo pa lamang ng Ate Minda nito.

Gwapo si Arnulfo, matangkad, at makisig. Hindi lingid kay Frida na habulin si Arnulfo ng mga babae at mga lalaking may pusong-babae ngunit sadyang napakaswerte ng kapatid nitong si Minda rahil ito ang napiling ligawan at mahalin ng isang Arnulfo Retillon.

Dahil sa naramdamang paghanga at unti-unting umuusbong na pag-ibig sa puso ni Frida para kay Arnulfo ay mas lumago ang inggit na nararamdaman ni Frida para sa kapatid nitong si Minda.

Mga bata pa lamang sina Frida at Minda ay hindi na sila magkasundo sa lahat ng bagay. Magkaiba sila ng gusto pagdating sa iba't ibang bagay na kadalasan ay sinasadya ni Frida para lamang magtalo silang magkapatid.

Habang lumalaki si Frida ay nararamdaman nitong si Minda ang paboritong anak ng kanilang mga magulang at para rito ay mas mahal ng kanilang ama't ina ang nakatatanda nitong kapatid. May palagay si Frida na rahil iyon sa pagiging matalino ni Minda.

Nasa Elementarya pa lamang sina Frida at Minda ay bukambibig na ng kanilang mga magulang na isa sa kanila ang mamamahala ng kanilang kompanya oras na mawala na ang mga ito sa mundo. At dahil matalino si Minda na isa sa mga katangian para mapamahalaan ng maayos ang kanilang kompanya kaya alam ni Frida na ito ang mamamahala ng kanilang mga negosyo pagdating ng panahon.

Wala namang kaso kay Frida kung si Minda ang mas paborito ng kanilang mga magulang ngunit hayagang ipinaparamdam iyon ng kanilang mga magulang dito sa pamamagitan ng unfair treatment sa kanilang dalawa pagdating sa iba't ibang bagay.

Mas malaki ang natatanggap na allowance para sa school ni Minda kaysa kay Frida. Buwan-buwan ay ipinagsha-shopping ng kanilang mga magulang si Minda samantalang si Frida ay every six months lamang kung ipamili ng mga bagong gamit ng kanilang mga magulang.

Sa tuwing matatapos ang bawat school year ay nag-a-out of the country si Minda kasama ang kanilang mga magulang at si Frida ay naiiwan sa pangangalaga ni Manang Rosing, ang isa sa mga kasambahay ng mga Almendrino.

Nang gr-um-aduate si Minda sa High School ay nakatanggap ito ng regalong kotse mula sa kanilang ama at isang mamahaling diamond necklace mula sa kanilang ina. Samantala nang maka-graduate sa High School si Frida ay hindi naka-attend ang mga magulang nito sa graduation rites dahil sa trabaho ng mga ito at binigyan lamang ng sapat na halaga ng pera ng mga magulang si Frida para magpakain sa mga kaibigan at kaklase nito pagkatapos ng graduation.

Nang maka-graduate si Minda sa College ay nanibugho si Frida nang regaluhan ito ng kanilang ama ng isang condominium unit at bigyan ito ng kanilang ina ng isang enggrandeng party para i-celebrate ang pagtatapos nito with flying colors.

Labis na dinamdam ni Frida nang malaman nitong hindi makararating sa College graduation nito ang mga magulang dahil kinailangang isugod sa hospital si Minda nang araw na iyon due to waterborne illness. Nakiusap pa si Frida na kahit man lamang isa sa mga magulang nito ang uma-attend sa graduation pero pinagalitan pa ito ng mga magulang at sinabing wala itong concern sa sarili nitong kapatid.

Ang Masungit Kong Roommate (Maxi, Be Mine!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon