chapter 14

20 3 0
                                    


@kwarto

Ano kayang klaseng libro to bakit napaka bigat
Dahil siguro sa cover nya na kahoy
Pero maganda ang design ahh dagdag pa ung naka palibot
Na ugat sa libro ito ang nagsisilbing kadena

Tinignan Kong mabuti Nang may napansin akong
Butas sa gitna Hindi naman ito kalaliman na lulubog ang
Daliri mo ...inikot ko naman ang libro hanggang likod may mapapansin ka ding nakaukit ...

Pinagmasdan ko tong mabuti mapapansin mo
Na may pinapahiwatig ang nakaukit na drawing

Ang una - tang galin ang takip sa dulo ng Susi
Pangalawa - gamitin ito pang hiwa sa hintuturo
Pangatlo - hayaang pumatak ang dugo sa butas na nakalagay sa gitna ng libro

Napatingin ako sa Susi na pendant ng kwintas ko
Pero wala itong tulis ...

Bakit kc assuming ako na mabubuksan ko

Fairytale lang yun....

Ayst !!

Pero bakit may ganito ang pamilya Santiago ??
Hindi kaya dahil dito kaya mayaman sila ??

Hindi naman siguro ....

Tinago ko nalang ang libro sa bag saka natulog

=====================\===

(Umaga)

Tok ! Tok ! Tok !

"Ms.thalia gising ka na po ba ?? Andito po si madam"

Medyo antok pa ako pero pag karinig ko ng madam
Napabalikwas ako ng tayo ...
Agad ako nag ayos at inayos ang buong kwarto saka lumabas

Sakto namang pag labas ko bumungad saken si mrs.Santiago

"Good morning po"

"Mag usap tayo sumunod ka saken"

Pagka rinig ko nun kinabahan ako feeling ko dumoble ang
Tibok ng puso ko at sa tingin ko sa sobrang bilis pwede ako mahimatay

Pagkarating sa sala nakita ko syang nakatingin sa bintana

"Anong ginagawa mo dito ??"

"Si lhinyu po ang nag patuloy saken dito ang sabi po ni mhinyu at lhinyu hintayin ko sila hanggang makabalik"

"Hindi na ako mag papaligoy ligoy pa iha
Hindi na sila makakabalik pa ...
Hindi mo na rin sila makikita pa kaya wag kanang umasa pa sa totoo lang.
Hindi kita gusto
hindi ka nababagay na maging gf ng kahit sino sa mga anak ko
Dahil magkaiba kayo ng katayuan sa buhay at pinang galingan
Alam ko na din ang totoo about sa family mo...
Alam ko na din na Hindi talaga kayo ni lhinyu nag panggap lang kayo ..at alam ko na din na si mhinyu ang gusto mo Hindi ba ??
Ako ang may ari ng bahay na tinuluyan at tinutuluyan mo ngaun kaya alam ko ang nangyayari sa paligid nito ...
Sad to say thalia right pero
Kailangan mo tanggapin ......
Na kailangan pagbalik ko dito sa bahay ko Wala ka na dito"

Un lang ang sinabi nya at umalis na

Halos madurog ang puso ko ng pinong pino sa mga narinig ko
Napaka sakit sobra sobrang sakit !!

Dahil nanay pa mismo ni mhinyu ang nag sabi nun

Sa mga oras na to gusto ko Nang mamatay ....

Wala na lahat saken ...

Wala na !

Nag umpisa na mahulog ang tubig na kanina pa namumuo sa mga mata ko ....

Hindi ko mapigilan umiyak kaya tumakbo ako
Palabas ng bahay nila ....

Takbo !

Takbo !

Takbo !

Hanggang sa mapadpad ako sa bundok
Dito ko nilabas lahat ng luha ko sa sobrang sakit

Sumigaw ng ubot ng lakas !!

Ang sakit ! Sakit ! !!

Alam ko mahirap lang ako at mayaman kayo !

Anong gagawin ko mahal kita mhinyu !!

Masama na ba mag mahal ngaun ng katulad mo !!!

Nasan ka na ba ?? Nasan na ba kayo ni lhinyu ??

Sabi nyo babalikan nyo ako pero asan kayo !!

Andito ako nag hihintay pa rin sa pangako nyong babalikan nyo ako !!

Ahhhhhhhhh !!!

Naiinis ako dahil Hindi ako naging katulad nyo !!

Sniff* bakit !*snif *ang hirap ng wala ka ...*

Umupo na ako sa gilid ng batong nasa tabi ko
Saka niyakap ang mga tuhod ko at muling umiyak

Nang malapit na mag dilim bumaba na rin ako ng bundok
Ang nag pa syang bumalik sa bahay ng Santiago

Kakatakbo Pauwi sa bahay bigla ako natisod at nalaglag
Ang kwintas ko ...

Nagulat naman ako ng bigla itong naging dalawa
Este may natanggal lang akala ko ay naputol na

Laking gulat ko ng makita ko ang tulis nito

"Ito ung Susi na nakita ko na naka ukit sa likod ng libro
Hindi ako nag kakamali ganito un"

Dinampot ko to agad Nang biglang may humatak sa braso ko ...

==========================

Like/comment/vote :')


The princess of twinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon