⋆⁺₊⋆ 𝗙𝗜𝗩𝗘 ⋆⁺₊⋆

11 2 0
                                    

Narinig kong may ingay sa sala kaya naman nagising ako. I saw my clock and it's already nine thirty in the morning. Masyado siguro akong napagod kahapon kaya bumagsak ang katawan ko.


Dahan dahan lang akong pumuslit papuntang banyo upang makapaghilamos at makapagsipilyo at nang matapos ay nagbihis na rin ako ng damit.


“Eis, bumati ka sa mga bisita,” sabi ni papa nang mapansin akong dumaan.


Tinignan ko ang mga kaibigan niyang lalaki at ngumiti kahit na naiilang. “Hello po,” bati ko.


“Laki na pala ng bunso mo pre, may boyfriend na ba ’to?” tanong ng isa.


Umiling si papa. “Wala, depende iyan sa kaniya kung kailan niya gusto,” aniya.


I know he just said that because he don't want his friends know that they were kinda strict when it comes to me that's why ginawa niya iyong palusot.


Napagod ako buong araw sa sunod sunod nilang utos. Bili rito, bili roon. Gawa rito, gawa roon kaya pagdating ng kinagabihan ay bagsak ako sa kwarto. Ni hindi ko namalayang hindi pala ako nakakain simula kaninang tanghali dahil sa dami kong ginawa.

My head kinda hurts actually. Parang may kung anong tumutusok sa ulo ko para makaramdam ako ng sakit.

Tumunog ang aking phone at nakitang may chat si Ian sa akin kaya naman binuksan ko ito at binasa.


Kahit malamya na ang katawan ko para bumangon, tumayo pa rin ako at bumaba ng wala man lang tingin sa salamin kung anong itsura ko. Nakahawak pa ako sa aking ulo habang naglalakad.


Nang malapit na ako sa kaniya ay tinanggal ko iyon at umaktong maayos lang.


“Bakit ka nandito?” takang tanong ko.

He bit his lip showing that he is hiding a thing. “Nothing, may dala ako,” malamig niyang sabi at kinuha ang dala niya.

Habang kinukuha niya iyon ay napahawak ako sa aking magkabilang braso dahil sa lamig na nararamdaman ko. Naka manipis lang pala akong damit at naka-short lang dahil hindi ko na naisipang magpalit.

He put down what he brought between us but he stood up again and went to the passenger seat. Hindi ko alam kung anong kinukuha niya roon.


Pagkabalik niya ay may dala na siya coat at lumapit sa akin saka inilagay iyon sa aking balikat. Napabuntong hininga na lang ako ngunit ’di ko inasahang tatama iyon sa kamay niya.


He put his hands on my forehead. “Bakit mainit ka?” kunot noo niyang tanong.


Ngumiti ako. “Thank you for this,” sagot ko at hindi man lang inisip sagutin ang tanong niya.


“Kumain ka na, I will just go somewhere,” aniya at biglang umalis.


Saan kaya pupunta iyon?


Tinignan ko ang dala niyang pagkain at napangiti ng makitang sinigang ito. May kanin rin, mangga, at coke pa.

Sinunod ko ang sinabi niya, kinain ko iyon ngunit hindi pa ako nangangalahati nang makabalik na siya at may dalang sapot ng mga gamot at isang bote ng tubig.

Alam kong gamot iyon dahil ang tatak ng plastic ay pangalan ng malapit na pharmacy rito.


“Para saan ’yan? May sakit ka?” tanong ko.

He sighed. “You were the one who is sick, why are you asking me that question,” seryoso niyang sagot.


“Hindi naman ako nila---” hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niyang hawakan ang noo ko.


SOLACEWhere stories live. Discover now