CHAPTER 25
Fairy
Maayos ang naging susunod na mga linggo ko sa bago kong section. Yung iba ay kaklase ko noong grade five at natutuwa ako na sa tuwing may groupings ay pinipili na ako kahit wala rito sila Karim at Gavin na palaging lumalapit sa akin.
Noong birthday naman ni Kat, Sunday iyon, sa bahay lang din nila naganap. Intimate party, yung magulang lang niya at kaming mga kaibigan niya ang naroon. Nagswimming, maraming handaan, at yung regalo para sa kanya at damay na roon si Karim ng daddy nila ay ire-renovate yung isang guest room para gawing studio daw nila at doon sila tutugtog.
"Phoebe, okay lang bang makita yung gawa mo sa fractions? May hindi ako siguradong sagot ko sa homework, eh," tanong ni Lorenzo pagkalabas ng teacher namin sa Filipino.
"Ah, sure!" Hinanap ko yung papel ko sa bag at pinunit na 'yon sa pad dahil isa-submit din naman. "Ito..."
Kinuha niya ang inaabot ko at pinagkumpara ang mga sagot namin.
"Ito! Yung number 6, paano mo ginawa?"
"Patingin?" Humilig ako sa kanya at pinakita niya sa akin ang mga papel namin. "Ah, ganito..."
Tuluyan ko nang nilabas ang pad ko at isang ballpen. Ipinatong ko na rin sa lamesa niya iyon para mapakita ko sa kanya kung paano ko ginawa.
"Ohh... sige, sige. Salamat, Phoebe!" Nginitian niya ako.
"Ayos lang! Parang nakakapagreview nga rin ulit ako kapag ganoon na sinasabi kong step-by-step kung paano gawin yung Math problems."
"Hmm..." Tumango tango siya. "So, pwede akong magpaturo sa'yo kapag may hindi ako maintindihan sa Math minsan? Para nare-review ka na, nare-review din ako."
Binalik ko na sa bag yung pad paper at umayos ng upo.
"Sige!" Natutuwang sabi ko. "Masaya naman din akong makatulong. Kahit hindi sa Math, ha? Kahit sa ibang subjects din, kung may tanong ka."
"So far, sa Math lang naman ako bobo. Pero tingnan natin sa Science," natawa siya nang mahina. "Nangungulelat talaga ako sa Math. Hindi ko maintindihan. Sinusubukan kong mag-aral pero paano ko aaralin yung hindi ko naman alam."
Napanguso ako. "Sige, kapag tapos ng Math period, kapag may hindi ka maintindihan, magtanong ka lang sa akin. Para kapag ikaw na yung magre-review, alam mo na."
Tumango tango siya, mukhang nagustuhan din ang idea ko.
Ang unang ginawa noong Math ay nagpasa na ng homework. Mabuti na lang at napalitan din agad ni Lorenzo yung sagot niya bago pa dumating yung teacher. Nagrecap lang ng lesson noong nakaraan pagkatapos ay new lesson na ulit. Pagkatapos magdiscuss, may exercises na binigay at binigyan kami ng twenty minutes para sagutan 'yon.
"Phoebe..." Mahinang tawag ni Lorenzo, mukhang napansin na rin niyang tapos na ako.
Nilingon ko siya at sa papel niya agad ako napatingin. Blangko pa yung first three numbers.
"Paano na kapag ganito?" Turo niya sa papel.
Nilipat ko sa susunod na pahina ang pad paper at pinatong ko ang mga paa sa ilalim ng upuan niya. "Yung sa number one..." At doon ako nagsolve, pahapyaw na napapatingin sa kanya para makita ang reaksyon kung may naiintindihan ba siya sa sinasabi ko.
"Ah, okay. Get ko na! Salamat!"
Nginitian ko lang siya at naupo na nang maayos pero nakasilip pa rin sa papel habang sinasagutan niya yung mga blangko niya. Napapatango pa ako kada sulat niya dahil tama na 'yon.
BINABASA MO ANG
When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)
RomantiekWhat happens when you try to reclaim a love that once burned brighter than the stage lights? Phoebe Celeste Revilla was once the heartbeat of Karim Dain, the electrifying drummer of the renowned rock band, Chasing Celestine. They had a love story th...