Chapter 26

69 2 0
                                    

CHAPTER 26

Wrong

How can you tell if something is already wrong? Kasi 'yon na rin naman ang kinalakihan ko. Mali na hindi namin nakukuha ang sapat ni mama. Mali na ang magulang pa ni papa mismo ang nagtakwil sa kanya. Mali na kinailangan naming lumuhod at magmakaawa para pakinggan kami. Mali na tratuhin kami na mas masahol pa sa hayop dahil lang mahirap kami. But those wrongs... were normal to me.

And growing up, I just wanted to see the beauty of each suffering. Ang maging malakas at matatag. Dahil napagdaanan na namin ang lugmok at kahirapan. At tingin ko, wala nang mas lalala pa sa pinagdaanan namin ni mama. It's either go up or remain stagnant.

Kaya ngayon, hindi ko malaman kung mali na ba talaga o naghahanap lang ako ng mga dahilan para makita 'yon sa mas magandang anggulo.

Palagi kong binabalewala ang sinasabi ni Jeremiah at ni Arlene. Kahit si Arlene, napapansin na rin. Na may mali na sa pagiging malapit ni Fairy at Karim. Mas lamang pa rin ang pagtitiwala ko sa kanya dahil siya na mismo ang nagsabing wala akong dapat na pagselosan o ipag-alala. His treatment with me never changed even a bit. Hindi naman siya nanlamig o ano. It's still the same. He's still the sweet, thoughtful, and clingy boyfriend.

At dumagdag iyon sa mga dahilan kung bakit hindi ko dapat paniwalaan sila Jeremiah at Arlene.

Coming back from the computer lab, we passed by section 1.

Marahang sinagi ni Arlene ang braso ko at ngumuso siya sa loob ng classroom. They are having a group activity. Hindi maayos ang upuan at nakapabilog ang lahat sa kanya-kanyang grupo.

There's Karim and Fairy, talking to each other. Nakasandal sa upuan si Karim habang nakaharap  sa kanya si Fairy na may malaking ngiti habang nagsasalita. Humilig naman si Karim sa kanyang lamesa at nagpalumbaba habang nakatingin kay Fairy. I can't see his face because his back is turned against us.

For me, it was normal. Magka-grupo sila at nag-uusap. I don't see anything wrong.

"Hindi ka pa rin ba naniniwala?" Tanong ni Arlene at nilingkis ang kamay sa braso ko.

Now, we're back in the classroom. Doon lang ako umiling sa kanya.

"Magka-grupo sila kaya natural lang na magka-usap."

Nagtaas siya ng kilay at sumandal sa blackboard. "Group work 'yon, Pheebs. Bakit silang dalawa lang ang magka-usap?"

"Baka... may tinanong lang?" Paghahanap ko pa ng dahilan.

She groaned frustratingly and shook her head.

"Ano 'yan? Ayos lang kayo?" Sulpot ni Peter at kasama niya si Lorenzo.

"Ayan! Pagsabihan mo nga 'yang si Phoebe!" Humalukipkip si Arlene.

"Huh? Ano bang nangyayari?" Naguguluhang tanong ni Peter.

"Uh... what's up?" Ang isa pang nalilito na si Lorenzo.

"Phoebe's on her way to getting her heart broken."

Mas lalong kumunot ang noo ni Peter. "Hindi ko gets. Kaninang lunch, maayos naman si Phoebe at Karim."

"Si... Phoebe at Karim? Yung drummer ng Chasing Celestine?" Usisa ni Lorenzo.

"Kaya nga Chasing Celestine, kasi last year, nilayuan nitong si Phoebe si Karim. Hinabol ni Karim, ayan... bumuo ng banda para sa kanya," kwento ni Arlene.

"O, ano ngang mayroon? Okay lang kayo, 'di ba?" Tumingin si Peter sa akin.

"Oo. Okay lang kami—"

"Really, Phoebe? Para sa inyo, ayos lang. Pero yung mga nakakakita, hindi!" Bumuntong hininga si Arlene.

When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon