Chapter 6

21.2K 370 13
                                    


Warning: SPG :D

********

"I need your help." Panimula ni Julius nang nakarating kami sa loob ng kanyang sasakyan ng ako'y kaladkarin nito.

"Saan naman kita matutulungan?" Nagtatakang tanong ko dito. Nagtiimbagang ito. Bumuntong hininga at tila hindi mapakali.

"Sa sakit ko." Mabilis nitong sagot. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao nito na nakahawak sa manibela. Nagkunwari akong hindi alam ang sakit nito.

"Ano bang sakit mo?" Tanong ko dito na siyang ikinapula ng pisngi nito. Kunot na kunot ang noo nito at pulang pula na ang buong mukha. Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang pagbungisngis dito.

"It's hard to explain." Ni hindi niya man lang ibinaling ang tingin nito sa akin. Hanggang ngayon ay pulang-pula ang mukha nito.

"Bakit naman? May HIV ka 'no?" Sinundot-sundot ko ang tagiliran nito.

Lumingon ito ng nakakunot ang noo. Umiiling-iling itong tumingin sa akin. Tinawanan ko lang siya.

"I need a.. ahm.. a.." putol putol nitong sabi. Humarap ako dito. Ngumiti ng nakakaloko.

"Kabaklaan mo Julius lumalabas!" Tumawa ako at kiniliti ang tagiliran nito. Napaigtad ito at kumunot ang noo.

"Me? Gay? No." Mariing sagot nito kaya tinawanan ko pa lalo. Kitang kita ko ang pagpula ng mukha nito. Tumawa pa ako ng tumawa.

Napagod ako sa kakatawa. Pinunasan ko ang mata kong naluha dahil sa sobrang saya. Sumalubong sa akin ang madilim na mukha ni Julius. Ito ang nagdala ng kaba sa aking dibdib. Ang pangangatog ng aking mga binti ay tanda na kakaiba na ang awra nito. Tila gusto kong hilahin ang oras at hiniling na sana hindi na lang ako tumawa.

Humarap ito sa akin. Ang mata nitong nagpupuyos sa galit ay nakatuon lamang sa aking mata na ngayon ay may bahid na takot.

"You don't call me a gay. No one called me a gay." Unti-unti siyang lumapit sa akin. Isang pulgada na lamang ang pagitan ng aming mukha. Pilit kong pinipigilan ang paghinga sa pamamagitan ng pagkagat ng aking labi.

"I promise to myself that anyone who calls me gay will die, unless he or she will do me a favor." Bulong nito sa aking mukha. Nakita ko ang pag-angat ng kanyang kilay. Yumuko ako.

"I was just joking around." Kinakabahan kong sagot. Seryoso ba siya na papatayin niya ang tumawag sa kanya ng bakla? Napakaisip bata talaga.

"I am not joking around." Mariing bulong nito. Iniangat ko ang tingin ko sa kanya. Ang aming mga mata ay naging magkalebel na ngunit ang intensidad noon ay hindi.

"I'm sorry. Promise I am going to do anything you want me to do." Mabilis kong pagmamakaawa dito. Nakita ko ang pagngisi nito.

"Anything?" Saglit akong nag-isip ngunit ng nakita ko ang pagdilim ng kanyang mukha ay agad akong tumango.

"Promise?" Tumango ako bilang sagot dito. "Say it, stupid." Mariin nitong utos.

"Promise, I'll do anything you want me to do." Pagmamakaawa ko dito. Ngumiti siya at hinawakan ang aking baba. Unti-unting inilapat ang kanyang mga labi sa aking mga labi. Nanlaki ang aking mga mata sa intensidad na naramdaman. The feeling was so new to me. Nakakapanibago. Pinunlaan niya ng maliliit at matatamis na mga halik ang aking labi. Tila ito ay isang babasaging bagay na kailangang ingatan. Napaliyad ako sa sensasyong nadarama. Bakit ako nagkakaganito? Mas malala pa ito kesa sa naramdaman ko sa bar dahil kay Drake.

"Open your mouth Lia. Let me in." Bulong nito sa aking mga labi. He brushes his lips on mine at kusang bumukas ito para sa kanya. Our folds fit perfectly when we kiss. Umalpas ang ungol sa aking mga labi. Ang nakakabaliw na sensasyong aking naramdaman kanina lang ay mas lalong tumindi. He suck my lower lip gently kaya napakapit ako sa batok nito. His tongue enter my mouth. Exploring it.

His Bed Warmer (MS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon