Chapter 44

4.2K 221 26
                                    

Chrisen

And it happened again after Porcia left. Malapit na akong matapos sa pag-aaral. That one week we had together, it's just the two of us; we spent our time just talking, eating, cooking, and cuddling.

Ang saya ko noon kasi nakasama ko ulit ito pero totoo ang kasabihang ang saya ay may kalakip na lungkot at may bunos pang sakit. Ng umuwi ito ay wala na ulit akong naging balita.

Mommy Kaede doesn't even have any idea na nagpunta si Porcia dito para bisitahin ako. Hindi ko alam, wala akong ideya sa nangyayari dito. Wala itong binanggit sa akin. It's not that hindi ako nito pinagkakatiwalaan pero naiintindihan kong may mga bagay talagang mas mabuti na lang kung hindi pag-usapan.

At siguro ay naisip nitong nag-aaral pa ako kaya ayaw ako nitong mag-isip ng kung ano pero hindi pa ba ako mag-iisip sa lagay na ito?

Napabuntong hininga ako bago napatitig sa mga larawan naming nasa cellphone ko. Iyong mga videos nitong nagluluto para sa akin ay paulit ulit kong pinapanood. Hindi nakakasawa, ganun siguro kapag mahal mo ang isang tao.

Dumaan pa ang ilang mga araw at palagay ko'y mahuhulog na ako sa depresyon. Sa susunod na linggo ay magtatapos na ako at alam kong darating sina mommy Kaede at daddy Datrius. Hindi ko lang sigurado kung darating si mommy Porcia pero umaasa pa rin ako.

Hindi ko na nga ito nakasama noong magcelebrate ito ng thirty seventh birthday nito. Hindi ko rin alam kung naghanda ito, knowing her, she's not that good with parties.

"What should I do with a very high GPA if you're not here to celebrate the end game with me?" Wika ko sa kawalan saka ako napahiga sa kama.

Honestly, I came to a point na ubos na ako sa kakaisip rito araw araw. If she's eating properly, if she's thinking too about me. Ang tumatak kasi sa akin ay ang lamig sa mga mata nitong nabahiran ng lungkot.

"I don't know what to do! I just want to go home!" Sigaw ko para mailabas ang hinanaing ko. "Why is it so difficult to love you? Why is it so complicated na hindi naman dapat? I thought love has freedom and freedom has a pride."

Hindi ko namalayang umiiyak na naman ako. Ang hirap kasing mangulila sa isang taong mahal mo ng sobra. I don't know how long I cried hanggang sa makatulog ako.





*****



"Come on, cheer up. Smile anak." Pagpapalakas ni mommy Kaede sa akin.

"Mommy you know I'm not good at faking."

"Sweetheart, just think of it this way. Tapos ka na sa school. If you want to go and travel, siguro kailangan mong mag-relax. You can go wherever you want. Malaya kang gawin ang gusto mo."

Tinitigan ko si daddy. "Dad, no place can ever replace my happiness and that is ninang Porcia. I just want her here to support me kagaya niyo. Nasaan na ba kasi ang matandang iyon?" Maktol ko. I can't help it.

Napabuntong hininga si mommy Kaede. "Sana maibigay namin ang sagot sa iyo pero wala anak. Ang totoo talaga niyan ay matagal ng hindi kami nagkita ni Porcia. She doesn't come in our house anymore to have lunch or dinner. Nagpunta ako sa office niya pero naka-indefinite leave daw ganun din sa eskwelahang pinagtuturuan niya and I don't have any idea kung anong nangyayari sa kanya o kung nasaan man siya."

"At hindi rin namin siya makontak." Dugtong ni daddy. "We tried to reach out kasi alam namin na mas magiging masaya ka kung nandito siya pero sorry sweetheart. Nobody knows her whereabouts, matagal ng walang balita sa kanya. Although her companies are doing well but I am not sure whose running it."

"Daddy! Hindi ko ba deserve mahalin ang kagaya niya kahit may edad na?" Naiiyak kong tanong rito. "Why is she doing this to me? What's wrong with her?!"

"Chrisen anak-"

"No mommy! Don't defend your kumare! Bakit hindi siya sisipot sa isa sa mga okasyong importante sa buhay ko? This is not only for me but for the both of us. I'm so upset."

"Tahan na anak. Kung iiyak ka masisira ang make up mo. Hayaan mo kapag nakita ko siya. Sasabunotan ko siya sa lahat ng pagkukulang niya sa iyo bilang inaanak at kasintahan." Pinunasan nito ang gilid ng mga mata ko. "Putris talaga itong si Porcia, kung kailan tanggap saka mag-iinarte. Ang kapal ng mukha."

Natawa si daddy rito. "She's your best friend hon. You can't say that."

"Che! Mag-asawang sampal talaga ang ibibigay ko doon."

"Huwag mo siyang sasaktan mommy. Mahal ko iyon."

"O di hindi, sige na. Umupo ka na doon at magsisimula na ang seremonya."

Wala akong nagawa kundi sundin ang sinabi nito. Nanlulumo talaga ako, hindi ito nangako pero umaasa ako kagaya nong sinabi nitong bibisitahin ako. It took some time pero nagawa naman nito.

Hanggang sa matapos ang graduation at makapunta kami sa isang restaurant ay walang dumating na Porcia.

Pwede na akong umuwi sa Pilipinas sa makalawa kasama nina mommy at daddy. And if Porcia's still missing in action. I will find her by myself.

"Anak, oo nga pala. Sa susunod na buwan na ang birthday party mo."

"Mommy, ayoko pong mag-party-"

"Chrisen, lahat ng mga Tita mommies at Tito daddies mo both side ay pupunta. Mga pinsan mo, anak naman. Kahit birthday mo na lang ang icelebrate natin parte na rin ng graduation mo. We are proud of you at-"

"At mag-isa lang akong anak kaya you want the best for me. Fine mom." Pagtatapos ko rito.

Napangiti ito.

"And if you still want to travel the world sweetheart, our offer still stands."

"Dad, I'd rather help you right away in running our business kaysa maglakwatsa ako. What's the point of going away if I have no one beside me except you two. Malulungkot ako, everybody needs a travel mommy."

"But I'm still your mom." Singit ni mommy Kaede.

"But I don't drink milk from you anymore mommy. Kay ninang Porcia na lang."

Naibuga ni daddy ang iniinom nitong ice tea.

"Chrisen! Kailan ka pa natutong sumagot ng ganyan?" Tanong ni mommy Kaede, nanlalaki ang mga mata nito at hawak pa ang dibdib.

"Ah, simula po nong pinatikim sa akin ni ninang Porcia ang-"

"Huwag mo iyan ituloy! Sinasabi ko sa iyo!" May banta sa tono nito.

"Pagmamahal?" Pagwawakas ko.

Nakahinga si mommy at inabot ang tubig nito para uminom habang si daddy ay nagpupunas sa damit nito.

"Mommy gusto mo na bang magkaapo?" Bumalik ang iniinom nitong tubig at saka naubo. Tinulongan ito ni daddy para punasan ang bibig nito.

"Chrisen!"

Natawa ako. "I'm just kidding."










But seriously, I need to find Porcia. Sana naman ay hindi ito nakipagtanan sa iba.

So Into You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon