After class -----
Andito ako sa cafeteria kasama si Lor (Loraine). Bibili ako ng favorite food ni Rafael, fries and burger. Balak kong ibigay sa kanya, syempre.
"Excuse me, gorgeous first," sabi ko bago mauna sa pila. Bakit ba rule ko 'yan eh may biglang nagbulungan sa likod ko kaya tinignan ko sila ng masama. Agad naman silang umiwas. Tama 'yan, ganyan dapat.
"Ate, isang fries and burger," I said na agad naman niyang binigay kaya inabot ko na agad yung bayad.
Nang makuha ko na yung binili ko, agad akong lumapit kay Loraine para magpaalam kasi syempre pupunta ako kay bebe ko.
"Go, basta wag kang iiyak sa'kin pag nasaktan ka ha," she said. Kaya mahal na mahal ko 'tong babae na 'to, eh. Support siya sa mga pinaggagawa ko.
Habang naglalakad ako papunta sa room ni Rafael, hindi kalayuan ay natanaw ko na agad siya malapit sa locker area. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko yung ginagawa niya.
Nakikipaghalikan siya. Hindi ko alam pero hindi ako nakaramdam ng selos, galit ang naramdaman ko. Ewan ko ba at kusang gumalaw ang paa at kamay ko. Binitawan ko saglit ang dala ko bago ako lumapit at hilahin yung buhok nitong linta nato.
"Ano ba, let go of my hair," inis na singhal nitong linta nato. Aba nga naman ito yung babae na transferre.
"VENICEE..." sigaw ni Rafael sa akin pero hindi ako nagpadala. Sinasabunutan na din ako nitong linta nato kaya go na.
Bwisit ayaw magpatalo. Sisipain ko sana siya ng bigla akong tinulak ni Rafael kaya napatingin ako. Naninigas yung katawan ko. Kakampihan niya pa talaga 'yan, hello nasaktan ako.
"Masyado ka nang desperada," he said in a cold tone. Hindi ko alam pero this time nasasaktan ako.
"Babe, hayaan na natin yan, gosh," mahinhin na sabi ni linta girl pero halata ko ang pang-aasar sa mata nya wow kanina halos lumabas tunay na ugali tas ngayon mahinhin.
"Babe??" takang tanong ko kay Rafael na walang emosyon na nakatingin din sa akin.
"Yes, bingi kaba or what wala naman masama sa babe kasi 'boyfriend' ko naman na sya," naka-smirk na sabi sakin ni linta at inemphasize pa talaga yung boyfriend as if naman kakainis.
Tuluyan na silang umalis sa harapan ko. Ang hirap i-process nung sinabi ni linta. Hindi naman siguro totoo yun dahil hindi naman sinagot ni Rafael yung tanong ko. Hindi naman yung lintang yun yung tinatanong ko. Kainis bayan, nagkasugat yung pisngi ko, buti nalang maliit at hindi halata. Bwisit, kasalanan to ng linta na 'yun. Kebago-bago nang ahas agad, jusko.
Inis kong dinampot yung pagkain na sanay ibibigay ko kay bebe ko. Ako nalang ang kakain nito. Bwisit, babe daw, like eww, hindi naman ata papatulan ni Rafael 'yun, I know him kaya. Pero bakit may halikan, nakakainis talaga. Hindi ko nga mahalikan tas yun nakakahalik agad, basta hindi pa rin ako titigil, magugustuhan niya din ako.
Naglakad na ulit ako sa classroom, wala na ako sa mood, nakakainis padin kasi talaga, bwisit, humanda talaga sakin yung babae nayun.
"Ano'ng nangyari sayo teh, para kang pinagbagsakan ng langit at lupa dyan ah," bungad sakin ni Lor ng makarating na ako sa room at umupo sa tabi nya.
"May girlfriend na si bebe ko," matamlay na sabi ko. Mali pala yung sinabi ko kanina, nag seselos pala ako, haha.
"Weh, dinga maganda?, nako walang wala kadun," sabi ni Lor para mapagaan naman yung loob ko pero no effect.
"Yung transferee, grabe Lor wala pa nga syang isang linggo dito tapos nagka bf pa talaga tas si Rafael pa talaga alam kong madami akong kaagaw sa kanya pero ni isa wala siyang naging gf nun ngayon lang nagkaroon simula ng nawala si Astrea," matamlay pa rin akong sabi sa kanya, tsaka gagaan yung loob ko pag nag oopen up ako sa isang kilalang tao sa best friend ko.
YOU ARE READING
Whispers of Desire
RomanceDate Posted: June 06, 2024 Date Ended: - ©️: Template Canva/Book Cover.