CHAPTER 47

46 3 18
                                    

DINALA ko si Tatay sa hospital dahil alam kong makakaya pa niyang lumaban.

Sabi panga niya sa akin kapag may matibay na atay, matagal mamatay.

Kaya alam ko sa sarili ko na kaya niya.

"Nay, tumahan na po kayo. Ipapagamot ko din si Rosil, Nay."tumingin ito sa akin na luhaan ang mga mata.

"Anak, maraming salamat sayo ha."nginitian ko naman ito.

"Ako na po bahala, Nay."tumango naman ito sa akin at hinayaan ako.

Pinuntahan ko naman si Rosil na nakaupo sa may waiting area.

"Okay kana ba?" Tanong ko dito dahil hanggang ngayon nakayuko pa'din ito. Umiling ito sa akin at nakaramdam naman ako ng sakit.

"Ayaw ko nang ganito, Ate."umiiyak naman ito at nanatiling nakayuko.

"Magpa-check up na tayo ngayon ha, para maging maayos kana."yumakap ito sa akin ng mahigpit. " Tumahan kana kasi ayaw ni Tatay na makikita kang umiyak kaya tumahan kana."tumango naman ito pero nanatili pa'din nakayakap sa leeg ko.

Kinarga ko naman ito at pinatulog sa balikat ko,bago ko ito pina check up sa doktor nila dito na kilala ko na.

"She need the undergo check up for her illness. Kasi sa nakikita ko ngayon at nalalaman kailangan niyang pansamantalang manatili dito para ma monitor ko siya ng mabuti."tumango naman ako sa doktor. " Bata pa siya para maranasan niya ang ganoong sitwasyon. At dala-dala niya yung trauma sa ganitong edad meron siya."

Sinuri pa niya si Rosil na natutulog sa hospital bed, bago bumaling sa akin.

"May isa din akong kaibigan na doktor para mabilis siyang mapagaling ipa check up ko din siya sa kaibigan ko."

"Salamat ng marami doktora."tumango lang ito sa akin at tinitigan ako.

"Ikaw kumusta kana?. . . Sa susunod kailangan mo ulit pumunta dito."malungkot naman itong napatingin sa akin.

"Maayos naman ako doc. Anong oras po ba ako pumunta dito sa susunod na araw doc.?" Tanong ko dito.

"It's up to you, I don't have any appointments that day. So your free to come anytime."nginitian niya naman ako.

"Ikaw talaga doktora, sige po maraming salamat po ulit."nagpaalam naman ito sa akin.

Pilit akong tumango sa kaniya at nagpaalam naman ito sa akin bago ulit ako nagpasalamat.

At ako naman nanatili akong nakabantay kay Rosil dahil hanggang ngayon nanatili pa'din itong tulog.

"Pasensya kana kung pati ikaw nadamay sa gulo ni Ate. Hindi ko naman ginusto na madamay kayo dito."napaiyak naman ako. Kung sana sa akin nalang nangyari ang lahat hindi sana ito mangyari.

"Pinapangako ko sayo na magbabayad ang may gawa sayo nito bunso."tinuring ko silang kapatid kaya kapag anong sakit na meron sila pati ako maaapektohan.

Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan ko naman si Tantan na kasama si Nanay.

"Tantan, puntahan mo muna ang kapatid mo sa kabilang kwarto may kailangan lang akong gawin."

THE 𝙼𝙰𝙵𝙸𝙰'𝚜 𝚄𝙽𝙸𝚅E𝚁𝚂𝙸𝚃𝚈  (COMPLETED/Under edited)Where stories live. Discover now