CHAPTER 2

25 12 0
                                    

" Dito muna ang magiging kwarto mo huh,pasesnya kana maliit lang kasi ang bahay namin,"ani ni aling Loida.

" Naku po ayos na ho saakin ito,ang importante naman may matulugan po ako,ako na nga ho itong nakikisiksik rito, malungkot kong sabi.

" Naku hija,wag mong isipin iyan,Ayusin mo na ang mga gamit mo at kakain na tayo maya-maya, saad pa niya at saka na ito lumabas ng silid.

Inayos ko lang konti ang mga gamit ko at mga ilang oras lang din ay tinawag na naman ako ni aling Loida,hindi na nga ako nagpatagal pa sa loob at lumabas na rin ako at nagtungo sa kusina nakakahiya naman kasi kung magpapa antay pa ako baka sabihan pa akong papaimportante lang.

" Maupo kana hija,Siya nga pala ang tito dindo mo asawa ko,at si jepoy naman ang anak namin,tamang tama magkasing edad lang siguro kayo,sana nga at magkasundo kayong dalawa," ani ng matanda at nagsimula na nga kaming nagsalo-salo sa hapagkainan.

Ng matapos kami nagkusa na rin akong mag ayos sa kusina at mag hugas,ayaw nga sana nila ngunit nagpumilit lang ako,okay na rin ito kahit konting gawaing bahay lang ang maitulong ko. Nasa labas nga ako ng bahay pagkatapos ko kasing naghugas dumeretso ako rito nagbabakasakaling matawagan ko si Linda ngunit hindi naman ma reach ang cellphone nito,siguro ay tulog na sila gabi na rin kasi.

" Xyreal diba? tinig ng lalaki mula sa likod,lumingon nga ako at si jepoy pala iyon.

" Oo...mahinang boses kong sagot.

" Bakit nandito kapa? Dapat nagpapahinga kana eh! ani nito.

" Naiisip ko lang ang pamilya ko,ang kapatid ko kung kamusta ba siya ngayon,alam kong malungkot iyon dahil wala na ang ate niyang katabi niya sa pagtulog," naiiyak kong sabi ngunit pinipilit kong hindi nalang umiyak baka pa isipin ng lalaking ito na mahina ang loob ko.

" Siguro okay lang naman sila,halika na nga pasok na tayo sa loob,alam mo bang pag ganito na gabi lumalabas yung maligno sa puno na iyan...pananakot nito,nagkunwari naman akong hindi takot kahit ang totoo ay tumataas na ang mga balahibo ko,pasimple akong tumayo at umatras at saka tumakbo patungo sa loob,pansin ko ring tinatawanan ako ng binata dahilan upang mapairap ako sa kanya at padabog akong pumasok sa kwarto ko.

" i need to sleep na,bukas mag sisimula na ang totoong pagsubok sa buhay ko, bulong ko lang sa sarili ko at saka na ako napapikit.

Napabulagta nalang ako ng gising dahil tanghali na pala at ramdam ko na ang sikat ng araw na nagmumula sa bintana ng silid ko.Mabilis naman akong lumabas at tumungo sa kusina ngunit tanging si jepoy nalang ang nadatnan ko roon.

" Good morning maam, ani nito.

" Nasaan sina aling Loida? agad ko namang tanong.

" Naku! pag ganito pumupunta siya sa pwesto naming karinderya,maghapon sila doon ni Tatay," sagot naman nito.

Gaya pala namin ay may pwesto rin sila pinagkaiba lang ay karinderya sila saamin kasi naglalako kami ng mga gulay at kung ano ano pa.

" Siya nga pala pwede mo ba akong samahan ngayon? may pupuntahan lang tayo,taga dito ka naman at alam kong kaya mo akong dalhin sa tutunguhan ko," ani ko sa binata at iniwan ko na siya at saka ako bumalik ng silid.

Ng Matapos ko ng ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako kaagad at sa labas ay nag aantay na pala saakin si jepoy,dahil medyo malayo layo naman ang bayan nila dito ay hiniram nalang muna ni jepoy ang trycicle ng tito nito.

"Sigurado ka bang tama ang lugar sa address na iyan? ani pa nito.

" Bakit ako tinatanong mo eh hindi ba ikaw ang taga rito? inis kong sagot at napakamot nalang siya sa kanyang ulo dahil sa pabalibag kong sagot.

Ilang oras pa kaming bumyahe at ilang sandali ay huminto nga kami sa isang malaking building na may nakalagay sa taas nitong "Corpuz Wines Factory" Ang laki nga ng building na ito at halatang mayaman talaga ang may ari,ngunit sa di kalayuan ng building tila nadikit ang mata ko dahil sa isang magandang botique na may mga nag gagandahang mga dress at kung ano ano pang klase ng mga gown doon.

" Ano pa inaantay mo? halika pumasok na tayo, tinig ni jepoy dahilan upang mapukaw ang tingin ko sa malaki ring building na iyon.

Nagmadali nga kaming pumasok sa loob at tinanong sa isang staff kung nasaan si Calix Corpuz,Sabi nga ng babae ay siya raw ang nag mamanage ng factory na ito,sinabihan niya rin akong mag antay muna dahil nasa importanteng meeting raw ito ngayon.

" Sige ho,doon muna kami sa tabi at aantayin nalang namin si sir calix,sambit ko lang at tumungo nalang kami ni jepoy sa isang sulok at naupo doon.

Nakakamangha nga ang mga tauhan dito at nagustuhan ko pa ang uniporme nila na tila walang pinagkaiba sa suot ng mga nurse sa hospital.

" Ang ganda naman dito,sino ba yang calix na iyan sobrang yaman naman niya,Alam mo kung tatanggapin ka nila pwede ipasok mo narin ako," ani ni jepoy.

" Oo naman,saka wag kang excited malay mo hindi tayo nababagay dito,tignan mo nga mga staff nila halatang yayamanin rin eh, sagot ko nalang,ilang sandali pa ay tinawag na kami ng babaeng kausap namin kanina at sinabihan kaming sumunod sa kanya.

Nagtungo nga kami sa second floor dahil dito raw ang main office ng kanilang boss.

" Sir,Nandito na po sila,pasol kayo, sambit ng babae at agad naman niya kaming pinapasok.

Tila napaka ignorante ko nga dahil nakatingin lang ako sa paligid ng opisina at kung tutuusin ay mas malaki at maluwang pa itong opisina na ito kaysa sa bahay namin sa probinsya,grabe napakaganda at napakayaman naman talaga.

" Ohh! xyreal right? buti at nagpunta ka rito? Pwede ka ng mag umpisa bukas,but kailangan mong matutunan ngayon ang mga dapat mong gawin," sambit nito ng hindi man lang nakatingin saamin.

" Ahhh...S-Sir kung maaari pwede ho bang kasama na rin si jepoy,kailangan niya rin po kasi ng trabaho, ani ko at tila nakaramdam ako ng hiya.

" Sige,myla pakituruan sila,Dalhin mo sila sa baba at turuan mo silang mag lista at magtingin ng mga expired ng mga alak,At Ms,Gomez,Gusto ko ng maayos na trabaho at walang palya,sambit ng binata at saka na ito nagpatuloy sa pag dutdot sa kanyang computer.

Grabe sa laki ng building na ito ay mayroon na ring sariling mini store na parang 7/11 kung tutuusin at dito nakalagay ang mga naka display ng mga ibenentang mga wines.

TAKSIL NA PUSO( 𝒄𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅)Where stories live. Discover now