Keize's POV
KINUHA ako ni Xian kay Kairo. Natawa pa ako dahil halatang napagod siya sa amin.
Dahil hindi ko abot ang tiles ay hawak ako ni Xian sa magkabila kong bewang. Medyo nakikiliti nga ako kaso hindi ko magawang magreklamo dahil hindi naman ako marunong lumangoy.
Pumunta siya sa ilalim ng tulay na naghahati sa mga ft. At dahil hawak niya ako ay iisa ang galaw namin. Napangiti pa ako ng alalayan niya ang ulo ko para hindi mauntog.
4 ft ang pinuntahan namin kaya naman abot ko na. Nagtaka ako ng makitang nakakunot ang noo ni Xian at hindi makatingin ng maayos sa'kin.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko. Pero hinila niya ako at hinarangan.
"Bakit kasi ganyan ang suot mo?" Tiim bagang na sabi niya. Tumingin naman ako sa suot ko.
"Maayos naman ang suot ko ah?" Sumandal ako sa gilid ng pool at binend ang tuhod ko para hindi makita ang panloob ko kasi nagrereklamo siya.
"Suotin mo 'to." Akma niyang huhubarin ang damit na suot niya, naglapat ang labi ko at magkakasunod na umiling. Kumunot ang noo niya saka naglangoy sa kabilang side. Magkatapat kami pero magkaibang side.
Natatawa akong pinagmamasdan siyang lumangoy na kunot ang noo, para siyang bata na nagmamaktol dahil hindi nasunod ang gusto. Pinagbigyan ko ang sarili kong pagmasdan siya.
Natigilan ako ng may lumangoy sa harap ko. Halos kalahating pulgada ang pagitan sa katawan ko.
Kinilabutan ako nang lumangoy na naman siya sa harap ko. Tiningnan ko si Xian pero busy siya sa paglalangoy.
"Xian!" Sigaw ko, narinig 'yon ng lalaking naglalangoy sa harap ko kaya mabilis siyang lumangoy paalis sa harap ko.
"Why?" Nagtatakang tanong niya. "Bakit namumutla ka?" Hinawakan niya ang pisngi ko at napapitlag ako lalo siyang nagtaka. "What's wrong?"
"Pahiram pala ng damit mo." Mabilis niya iyong hinubad, siya pa ang nagsuot sa akin at inayos ang buhok ko.
Medyo kumalma ang loob ko dahil hindi na siya umalis sa tabi ko. Pinanood namin ang mga tao na naglalangoy at mga naglalakad.
Napangiwi ako ng makita ang tatlong babae na nirarampa ang mga bikini nila.
"Tingnan mo ang mga yan." Saad ko. Naramdaman kong lumingon siya sa akin pero hindi ko siya binalingan.
"See what?"
"Ang mga suot nila ang ganda diba?"
"Anong maganda diyan?" Nakangiwing aniya.
"Sus! If I know, you keep staring at them." Natatawang sabi ko habang nilalaro ang tubig.
"I'm not like that. And besides iba ang tinitingnan ko." Alam kong sa akin siya nakatingin. Pero hindi pa rin ako bumabaling sa kaniya.
"Whatever!"
Nasa ganoon kaming pag-uusap ng may lumangoy na naman sa harap ko. And this time hindi ko na naiwasan ang sumigaw.
"Bolaga!"
"WAAAH!" Halos lahat napatingin sa banda namin dahil sa lakas ng sigaw ko. Umahon ang tawa ng tawa na si Zeke. "Akala ko kung sino, bwisit ka Zeke!" Sinamaan ko siya ng tingin pero tawa pa rin siya ng tawa kaya hinampas ko sa braso.
Gago! Kinabahan ako.
"Akala ko tuloy siya na naman." Bulong ko. Feeling ko magkaka-heart attack ako.