Capítulo 13

15 2 0
                                    

Agad naman akong nilapitan nila Mery at Darmex sa aking pwesto. 

"Hi!! My Tanniebabes! I'm very proud of you!!" excited na salubong sa'kin ni Mery at niyakap ako.

Napaungot ako sa kaniyang ginawang pagbati dahil hindi ako makahinga sakaniyang pagkakayakap. "H-Hoy! B-Bitaw n-nga.."

Napabungisngis naman ng mahina si Mery at saka ako paharap na hinawakan sa balikat. 

"Buti nalang pumayag ka na mag entry dito!! Makikilala na paintings mo!" sambit ni Mery at inirapan ko naman ito.

"I don't want to be famous; you know that. I just need money." 

"A-Alam mo you don't need it! Mayaman naman sila tito! They can even buy you 10 mal--"

"Sila yung mayaman, Mery. Hindi ako." pagsingit ko sakaniyang sasabihin.

Umismid naman siya sa'kin at saka sumagot. "Heh, Whatever!" maarteng banggit niya.

Binalingan ko naman ng tingin si Darmex na ngayon ay tahimik lang na kinakalikot ang kaniyang dalang DSLR.

"Darm, eto pala friend ko, si Mery." sabi ko habang pinapaharap si Mery sakanya.

"Oh! nice to meet you, I guess." simpleng banggit ni Darmex kay Mery. 

Kumunot naman ang noo ko ng hindi nagsalita si Mery at saka bumaling sa'kin.

"Stay away from him." seryosong sabi niya sa'kin.

"Huh? Hindi ba magkakilala na kayo? Kasi kilala ni Darmex second name mo. Kaunting tao lang ang may alam non, kaya why so serious?"

Hindi ko alam kung anong ir-react ko sa dalawa dahil una, hindi ako sanay na seryoso si Mery. Pangalawa, malamig din ang pakikitungo ni Darmex dito.

Kaya naman hindi ko napigilan na mangealam at magtanong.

"Do you guys have like.." ani ko at sabay naman silang tahimik na lumingon sa'kin.

Pinagpatuloy ko ang sasabihin ko. "Like..Past? Past flings??"

Agad na nanlaki ang mata ni Mery at OA na sumagot sa'kin. "Oh! HELL NO!" sigaw niya kaya naman medyo napalingon ang ibang tao na nagtitingin-tingin sa exhibit.

"It's not like that, Nize. Please, don't misunderstood." ani ni Darmex na ngayon ay hawak ang aking kaliwang siko na tila inaamo ako.

Tinapik ni Mery ang kamay Darmex na nakahawak sa'kin.

"Don't touch her, Mr. Quiller. You'll not like it." madilim na tingin ni Mery kay Darmex. May pagkadiin din ang boses nito.

"So what? Andito ba siya? And kung andito man siya, she's not his anyways." sabi ni Darmex na ngayon ay tinatago na ako sa likod niya.

Agad ko naman akong umalis sa likod ni Darmex at pinagitnaan silang dalawa ni Mery. 

"Can you guys stop? First exhibit ko 'to, then magbabangayan lang kayong dalawa?" pikon na pagpapatigil sakanila.

"Kung ano man yang personal problems nyo, don't talk about it here." 

Hindi naman sumagot ang dalawa at nakita ko naman na agad na kumalma ang kanilang mukha ngunit hindi pa rin sila nagtitinginan sa isa't isa.

"I'm sorry, Tanniebabes.. I think, mauuna na muna ako. I'll visit you sometimes sa condo unit mo, okay?" pagpapaumanhin ni Mery sa'kin. 

Tumango naman ako sa kaniyang gustong gawin. "Okay.. let's catch up in some other time. Call me if you need anything, okay?"

"Bye. Don't worry about your painting too much, ha? May bibili niyan. I promise." 

Tumango nalang ako bilang pamamaalam at saka naglakad palayo si Mery.

Nilingon ko naman si Darmex na nasa aking tabi at saka siya kinausap.

"Kung ano man yang past niyo ni Mery, I won't ask you about it." yun lang ang aking sinabi at saka bumaling sa aking painting.

"I'm sorry, Nize.. I'll tell you in some other time." sabi ni Darmex ng may maamong mga mata.

"Okay. Forgiven."

Pinaglibot-libot ko muna si Darmex matapos niya akong picture-an sa harap ng aking painting dahil sayang naman ang dala niyang camera kung ang painting ko lang ang kaniyang p-picture-an.

Maya-maya lang ay bumalik si Darmex sa aking pwesto.

"Nize, may pupuntahan lang akong mabilis, okay?" pagpapaalam niya sa'kin.

"Okay, be back before lunch. Sabay tayong mag lunch. My treat." sagot ko na ikinangiti niya naman. 

"Sige bah! Kahit sa McDo, okay lang!" masiglang sagot niya at saka siya umalis ng ngumiti lang ako sa kaniyang naging reaksyon.



Nang makaalis si Darmex ay nagikot-ikot at nagtingin-tingin ako sa ibang paintings na nakapaskil sa exhibit. Madami ang halos puro hugis puso ang naging painting dahil nga sa theme ng exhibit na ito. 

Hindi pa nag i-init ang aking mata sa pagtitingin-tingin ay nilapitan ako ng isang organizer. 

"Ma'am, are you Tharnalie Torcer?"

Binalingan ko naman ito ng tingin. "Yes. May problem ba?" takang tanong ko.

"May naghahanap po sa harap ng painting niyo, eh."

Kumunot naman ang aking noo dahil sa pagtataka. "Hindi ba dapat, hindi hinahanap ang nag paint? Like, this exhibit is para lang ma post ang paintings, right?"

"Hindi ko rin po alam, Ma'am Nize. Mukhang mayaman po kasi at inutusan ang main organizer nitong exhibit na hanapin ka raw po at pumunta doon." pabulong nang wika ng babaeng lumapit sa'kin.

"Sige. Salamat" tugon ko at saka naglakad pabalik sa pwesto ng aking painting.

"Baka si Darmex. Ang bilis niya naman makabalik?" bulong ko sa aking sarili.

SWITCH UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon