Hindi muna bumaba agad sa bangka si Coven pagkadating nila sa pampang. Instead, kinuha nito ang cellphone nito at tinawagan si Manong.
"Manong, nandito ka na ba?"
"Good, can you bring the car closer to the boat? Na-disgrasya si Chandra and she's hurt."
"Okay, thanks!"
Ibinaba na ni Coven ang phone at bumaling na ito kay Delilah.
"Thank you so much sa hospitality ninyo," panimula nito. "Since my secretary is hurt, mauuna na lang muna kaming umalis since kailangan siyang ma-check up ng doctor. I'll have someone come in or maybe call you for follow up sa negotiations."
"Huwag kang mag-alala sir," sagot ng babae. "Unahin mo si Ma'am. At saka, wala pa naman si Tatay para makausap kayo so walang problema."
"Thank you," sagot ni Coven.
Nakita din nila na naparada na ni Manong sa pampang ang sasakyan. As gently and as steadily as before, binuhat siya ni Coven pababa ng bangka. Sa likod nila, nakaalalay ang biyenan ni Delilah habang ang huli naman ay hawak hawak ang backpack niya.
Agad binuksan ni Manong ang pinto sa backseat. Dineposito siya ni Coven sa loob ng sasakyan at kinabit din nito ang seatbelt niya. After that, lumibot ito sa kabilang side ng sasakyan at sumakay sa tabi niya.
"Let's go to the nearest hospital," utos ni Coven kay Manong.
"NO!"
Parehas na napalingon sa kaniya ang dalawang lalaki dahil medyo napalakas ata ang pagkakasabi niya sa "no."
"What do you mean by "no"? Kailangan mong magpa-check sa ospital. Gumulong ka ng tatlong beses sa dirt road. Masakit ang balakang mo. And you also mentioned not being able to feel your legs earlier," litanya ni Coven, with matching kunot noo pa. "If that doesn't warrant a trip to the hospital, I don't know what else does."
"Eh kasi...," medyo natameme si Chandra since hindi siya kumportableng sabihin sa iba ang rason. "Ano kasi..."
"Stop stammering and explain yourself properly," utos niya. Binalingan din niya si Manong. "For now, Manong, bring us to the nearest ER."
Tumango na lamang sa boss nila si Manong at pinaandar na nito ang sasakyan.
"And you," baling nito sa kanya. "You have the time it takes for us to travel to the hospital para magsalita. Use it wisely."
Katahimikan ang namagitan sa kanila.
But deep down, alam ni Chandra na kailangan niyang sabihin kay Coven ang totoo.
"I don't like hospitals," nasabi na lamang niya habang nakayuko ang kanyang ulo. Hindi na niya idinagdag na kaya siya ilag sa mga ospital ay dahil naaalala niya ang araw na dinala siya ng mga tauhan ni Don Elizalde sa ospital to secretly heal her matapos putulin ng Don mismo ang Achilles tendon niya. It was traumatizing at ayaw na niyang i-relive iyon.
Mataman muna siyang tinitigan ng lalaki bago ito bumuntong hininga.
"Bring us to the airport, Manong, thanks," utos nito.
Muli nitong inilabas ang phone at nag-dial ng numero.
"Leo, is the private plane at the airport now?"
"Good."
"We're flying back home na ni Chandra, but I'll be bringing her home with m---"
"What? No! Don't be a pervert, sexual harrasment ka na. She's hurt and I need you to call a doctor to my house to check on her."
"She's feeling better now, but she hurt her waist."
"I keep wondering why I haven't fired you yet."
"Nadulas siya at gumulong sa dirt road! God, what's with you! Call a doctor, probably someone who specializes in spinal injuries."
Saying those words, agad nang binaba ni Coven ang phone. Chandra figured na para iyon hindi na niya masigawan pa si Leo. Hindi man niya narinig ang mga sagot ni Leo sa kabilang linya, may idea siya kung anu-ano ang mga iyon.
In her time working with the two, si Leo lang talaga ang nakaka-push sa mga buttons ni Coven ng hindi nate-terminate sa trabaho. Which is a miracle, considering na devil incarnate ang minsan nickname nila kay Coven. It may be due to the fact na Leo helped Coven out a lot during his first couple of years as Cody's successor. As far as she knows, si Leo din ang nag-convince kay Coven na tanggapin ang ipinamana dito ni Cody, since initially ay adamant ang lalaki na hindi tanggapin ang inheritance dahil sa sama ng loob.
Nakita niya hinihilot ni Coven ang pagitan ng mga mata nito, halatang na-frustrate konti kay Leo.
"Sir, pwede niyo po ako i-drop sa bahay na lang."
"Don't be absurd, walang landing pad ang apartment mo," sagot nito. "We can arrive directly at my house via my private plane. Sa bahay ka na iche-check ng doctor. If you're cleared, I'll have Leo drive you home."
'Okayyy... nakalimutan ko na bilyonaryo nga pala tong lalaking to. Poverty limits one's imagination, ika nga,' tanging naisip ni Chandra.
Ang nasa isip kasi niya is sa rooftop pa din ng opisina sila magla-landing. Then from there, magda-drive pa si Coven pauwi ng bahay nito. Sa isip niya, instead na sa bahay nito, which is thirty minutes to an hour away depende sa traffic, sa bahay na lang niya siya tutuloy, which is di hamak na mas malapit sa opisina nila.
Di nga naman niya na-imagine na may landing pad din pala sa bahay ng lalaki. Despite being his second secretary, hindi pa nakakapunta si Chandra sa bahay ni Coven. Mostly, si Leo lang ang nakakapunta doon
Hindi na lamang siya umimik. Baka masampal pa siya uli ng kayamanan ng lalaki if mag-protesta pa siya.
Buti na lang at hindi sila masyado natagalan sa daan at nakarating din sila agad sa airport.
Just like sa bangka, si Coven din mismo ang nagkarga sa kanya bridal style from the car paakyat ng plane. He left their bags to Manong and the pilot.
Nahihiya man, hindi na lang din siya nagprotesta. Mainly because wala na din siyang energy na umattempt na i-defy ang devil incarnate sa kagustuhan nito.
Pero unlike sa bangka, hindi na siya kinandong ni Coven. He settled her down sa comfy seat at ibinaba din nito ang bintana para di siya masilaw.
Napahinga siya ng maluwag dahil doon. There will definitely come a time na makakasakay siya uli sa private plane na ito and she'll encounter the same pilot and co-pilot. Ayaw niyang dalhin hanggang sa future ang kahihiyan na kinandong siya ng boss niya, even if there's a perfectly good explanation for that.
Matapos siyang i-settle ni Coven, lumapit ito sa pilot at nakipag-usap. Sa tantiya ni Chandra, baka ini-instruct nito ang pilot na sa bahay sila ihatid at hindi sa opisina.
Nakita din niyang inilabas nito ang pitaka nito at kumuha ng bills, bago tuluyang lumabas sa plane. Gusto sana niyang buksan ang bintana at tingnan kung anong gagawin ng lalaki, pero dahil masakit ang balakang niya, hindi na laman siya nagpadala sa kanyang kuryosidad. Iniisip na lang niya na baka binigyan ni Coven si Manong ng malaki-laking tip, especially since naputikan nila ang kotse.
Tiningnan niya ang sarili and suddenly, she felt icky. Dahil sa adrenaline kanina, hindi na niya napansin na puro siya putik at may mga damo pang nakakapit sa kanyang katawan.
'I want to take a bath...'
Then, bumalik na si Coven sa loob ng plane umupo na ito sa katabing upuan niya, sa other side ng aisle.
Mayamaya pa ay ready na sila for takeoff.
BINABASA MO ANG
Figli della Notte #1: Codename Havoc
RomansaFigli della Notte, meaning 'Children of the Night'. Isang vigilante group na ang hit list ay composed of drug lords, corrupt politicians, and evil businessmen sa Pilipinas. The family has three rules: 1. Don't fall in love. 2. Don't let anyone know...