Natasha Ghianne
"Hoy, Natasha." namulat ako galing sa pagkatulala. "H-Ha?"
Tumawa lang si Aurella sa'kin. "Sige teh, baka matunaw 'yang si Sean kakatitig mo."
Medyo napalakas 'yung boses niya kaya hinampas ko siya agad. "H-hoy gaga bibig mo!" Tumawa lang siya.
"HAHA so confirmed na nga? may gusto ka do'n?" umirap lang ako at hindi sumagot. "Ayieee" hinahampas niya ako.
"Aray ko!" Natatawa pa rin ang baliw. Bwesit talaga. "Ilang taon na ba 'yan?" tanong ko.
"Ay sis, 'yon lang. 16 years old palang 'yan beh, incoming grade 11 student. Magse-seventeen na 'yan this year. Sayang, 'di ba hindi mo type 'yung mas bata?"
Hindi ako umimik at nakatitig lang ako kay Sean na nakatayo sa canteen at may binibili.
"Hoy, tinatanong ka!" Inirapan ko lang siya. "Hindi, okay?" sagot ko pero hindi pa rin siya kumbinsido.
"Ayieee, 'wag ako teh. Oo nga ayaw mo sa mas bata sa'yo pero kapag si Sean? G ka agad?" hinampas ko nalang siya sa balikat dahil parang baliw ang gaga.
"Ikaw ah! bibig mo gaga. Rinig ka niyan laki ng bunganga mo." natawa nalang siya sa sinabe ko. "Kesa naman sa'yo ang OA mo sis ko. Gan'yan na gan'yan mga type mo eh 'di ba? Age doesn't matter kasi."
Hindi parin siya natapos kakaasar sa'kin kaya hindi ko nalang sinasagot para maputol na 'yung topic. Sean is the ideal man. Pero mas bata siya sa'kin, so i guess....
"Uhm, ito na pala 'yung pinabili niyo." Binigay ni Sean kay Aurella 'yung C2 niya. Binigay rin sa'kin ni Sean 'yung C2 ko.
I don't know pero hindi ko talaga siya magawang tignan. Kaya umiiwas-iwas nalang ako ng tingin.
Nakaupo lang kami sa isang bench na nakalagay dito malapit sa canteen at good for 3 persons ang seats na ito. Pero nakatayo lang do'n si Sean.
"Oy, Sean. Umupo ka muna do'n oh kapagod kaya tumayo d'yan." Turo ni Aurella sa bakanteng upuan sa tabi ko.
Parang undecided pa si Sean na umupo at hinihiling ko na sana nga 'wag na lang siyang umupo dito. Hindi ko kakayanin 'yon.
Maya-maya ay lumapit na sana si Sean sa'kin para umupo sa tabi ko ng biglang may naunang umupo sa tabi ko. It was Ethan, 'yung matagal ng nanliligaw sa'kin.
Natigilan si Sean at bumalik nalang sa pwesto niya. Ngayon siya na 'yung nakatayo at nakita kong nag smirk si Ethan sa kaniya.
"Uhm, let's go na? Magpapa-mall pa tayo eh." Tinignan ng masama ni Aurella si Ethan. Ayaw talaga niya kay Ethan noong una palang dahil daw fuckboy ito. At ang balita ay babaero daw.
"Uhm, Sean?" Napalingon si Sean kay Aurella. "Sama ka sa'min?" tanong niya kay Sean at tumango naman agad ito.
"Sure, may bibilhin din ako sa NBS eh." sambit ni Sean pero biglang sumulpot si Ethan.
"NB...what?" nagsalubong ang kilay ni Ethan habang nakatingin kay Sean. Humingang malalim si Sean bago niya tinignan si Ethan at sinagot... "National Book Store."
Nagulat ako sa sinabe ni Sean kaya 'di ko maiwasang magtanong. "Nagbabasa ka?" tanong ko at tumango lang siya 'saka tumingin sa malayo.
Nakatayo na kaming tatlo at si Ethan naman ay nakaupo pa rin pero tumawa bigla ito. "HAHA lalake ka? nagbabasa ka ng libro?"
Tinignan ni Sean si Ethan sabay smirk.
Wait...what the fuck was that? the was.....h-hot.
"Malamang, ideal man kaya 'yon. 'di kagaya mo, ginawa ba namang hobby ang pagche-cheat at pambabae. Okay lang sana kung gwapo eh. Tara na nga!" galit na sambit ni Aurella bago kinuha 'yung sling bag niya at umalis.
Nakita kong napa-nganga si Ethan. Before kasi nanligaw si Ethan sa'kin ay do'n siya nagkagusto kay Aurella. Pero dahil ayaw nga ni Aurella sakan'ya, ayon tumigil nalang siya at ako naman ang tinarget.
"Hay nako! 'wag mong sagutin 'yon, Natasha ah! Pag naging mag jowa kayo ewan ko nalang. Papansin 'di naman gwapo." galit na sambit ni Aurella habang naglalakad kami sa exit ng campus.
Medyo mabilis pa ang paglalakad nito kaya medyo napag-iwanan kami ni Sean. Tinignan ko ito ng palihim pero wala itong imik.
Non-chalant talaga eh. Hindi man lang nag-react. At walang bakas sa pagmumukha niya ng expression. Like as in, wala. Naka normal face lang siya at diretso ang tingin sa daan...
"Tumingin ka sa dinadaanan mo, 'wag sa'kin."
Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. OH. MY. GOSH.
Nakita niya 'yon?? Nakita niya ako?? MY GOSH!! NAKAKAHIYA KA NATASHA!!
Napatulala kasi ako sa kaniya kanina while appreciating his looks. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sakaniya. He's so handsome effortlessly.
"Ano ba 'yan bagal niyong dalawa!" Pagrereklamo ni Aurella habang naka cross-armed.
"Mabilis kalang talaga maglakad!" sambit ko. "Ay hehe sorry na!" tumawa pa ang gaga.
Ngayon magkasabay na kaming tatlo at tumabi siya sa gilid ko. "Pero oy ikaw ha, nakita ko kanina ineenjoy mo 'yung moment niyo ni Sean!" Bumulong pa talaga ang baliw.
"Piste ka, bumulong kapa talaga? Ano 'yan naka loudspeaker?" Hinampas ko siya sa ulo. "Aray ko naman oh." pagrereklamo niya.
"Hindi walang narinig si Sean." gaslight ni Aurella. "'di ba, Sean?" tumingin ito kay Sean at napatingin din ako sa kaniya. Lumingon siya sa'min at napa "Ha?" kaya natawa nalang kami.
"Pasalamat ka ata walang narinig, gigil mo'ko!" natawa nalang kaming dalawa.
**
BINABASA MO ANG
Moments Of Serenity
Novela JuvenilSean Chardeux Velluego, an incoming Grade 11 student, needs to go to Cebu. He has to leave his town, GenSan, to study. He will now meet a Grade 12 student named, Natasha Ghianne Pataghona. She's one-year older than Sean Chardeux. "Moments Of Sereni...