Archer's Territory
────⊱🥀⊰────
Kianna's Point Of View
Hindi umiimik si Zyko pero ramdam ko na nagpipigil siya ng galit.
Lumuwag ang hawak niya sa kaliwang braso ko hanggang sa tuluyan na niya akong binitawan. Nakapamulsa siyang naglakad muli, hindi pa rin ako tinatapunan ng tingin.
"President." Tawag ko sa kanya.
Patuloy pa rin siyang naglalakad habang ako ay nakasunod pa rin sa kanya.
"Class President." Tawag ko muli.
Hindi pa rin siya lumilingon sa'kin. Mukhang nagalit nga siya sa pag-alis ko sa open area kanina.
"Class President VI." Huling tawag ko sa kanya.
Mukhang wala talaga siyang balak kausapin o harapin ako.
Napabuntong hininga ako. Ayaw mo akong pansinin, ah? Sige, tignan natin kung makakayanan mong tiisin ang kakulitan ko.
Kinalabit ko siya ng kinalabit. Paulit-ulit ko ring binabanggit ang posisyon niya bilang class president VI hanggang sa tuluyan na siyang huminto sa paglalakad. Malakas siyang napabuntong hininga at irita akong binalingan ng tingin.
"If you're going to piss me off, sto---" natigilan siya sa pagsasalita ng isubo ko sa loob ng bibig niya ang waffle na binili ko.
"Masarap 'di ba?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
Kung nakamamatay lang ang tingin, paniguradong kanina pa ako pinaglalamayan dito.
Ang sama ng tingin niya sa'kin ngayon. Inalis niya sa bibig niya ang waffle na sinubo ko. Bago pa niya ako masermonan ay mabilis akong kumaripas ng takbo at natatawang kinagatan ang burger na binili ko.
"Emrys!" Galit na sigaw ng presidente ng seksyon VI sa pangalan ko.
Natatawa ko siyang sinulyapan. Namumula na ang mukha niya sa galit at inis. Para siyang sasabog ano mang oras.
Lumiko ako sa kanang bahagi ko at napadpad sa isa nanamang pasilyo na mayroong iisang puting pintuan.
Maglalakad na sana ako palapit sa pintuang iyon ng matigilan ako.
May kamay na mahigpit na nakahawak sa kanang braso ko.
Inis kong nilingon ang presidente ng seksyon VI pero natigilan ako ng hindi siya ang tumambad sa'kin.
Napalunok ako.
Nakakatakot ang paraan ng pagtingin sa'kin ng lalaking kaharap ko.
"Who are you?" Seryosong sambit ng lalaking nasa tabi niya.
Napatingin ako sa paligid.
Apat sila, kasali na ang lalaking may hawak sa'kin.
"Kayo? Sino kayo?" Tanong ko sa kanila.
Humigpit ang hawak sa'kin ng lalaking kaharap ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Kami dapat ang nagtatanong niyan sa'yo. In fact, we have no idea who you are." Sagot ng lalaking nasa likod ng lalaking may hawak sa'kin.
Malamang, baguhan palang ako rito.
"This is our territory. Why are you here?" Malamig na tanong ng lalaking kaharap ko.
Territory?
Sarkastiko akong tumawa sa sinabi ng lalaking kaharap ko. Nangunot ang noo nila nang marinig akong tumawa.
YOU ARE READING
The Only Rose Among The Thorns: Behind The Hood (On going)
Mystery / ThrillerUnexpected encounters and circumstances change our lives on a continuous basis. By the time she was adopted by an affluent elderly woman, she had led an ordinary life. However, her life drastically changed just before she turned eighteen. Everythi...