𝑿𝑿. 𝑷𝒓𝒆𝒚

146 10 1
                                    

TASTE OF HER VENOM
Chapter 20: Prey




"You used to call me on my cellphone
Wala amri get lagenta leget ni anta nadatni
Syatsyid nilik wa unt tashthirik la aqta bayani"
- Hot Bling × Eh Eh

'Yan ang paulit-ulit na nadidinig ko na kanta mula sa Tiktok na kanina pa pinapractice nila Vanika at Pristine. I'm even wearing my unused airpod para hindi ko na ito madinig pa pero sadyang nakafull volume ata ang siraulo.

Mula sa pagkakatungo ay padabog kong iniangat ang ulo ko para sawayin sana ang dalawa pero nagulat na lang ako nang madatnang nagsasayaw na rin si Devin sa harap ng camera.

"Anong katarantaduhan 'yan?" usisa ko nung makatayo na.

Pagalit na tumingin ang pinsan ko sa'kin bago lumapit sa pinupwestuhan ng phone at pinatay muna ang sound nila.

"Can't you fucking see? We're dancing here" she sounds annoyed na para bang ako pa iyong nakakaabala sa kanilang tatlo.

"I fucking know — ah no. Lahat ng tao rito ay alam 'yan dahil sa ingay nyo"

"Was it our fault? Edi takpan nila tenga nila" pamimilosopo pa nito bago ako inirapan.

"Are you damn serious, Laurent? This is a private space at hindi kayo pwedeng mag-ingay dito basta-basta and you should know it dahil isa ka sa pinakamatitino na kakilala ko"

"Guys, stop please. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito" mahinang saway ni Vanika at sinubukang pumagitan sa'min ng pinsan ko.

My grip on my bag tightened as I held back from speaking. Talaga namang nakakainit ng ulo 'to.

Napatingin ako sa paligid at yung iba ay napaiwas na lang nang makatamaan ko sila ng tingin. Walang pasabing tumalikod ako at naglakad palayo mula sa kanila.

"Hey, saan ka naman pupunta?" Vanika inquired yet I only returned it with a shrug.

"Let her leave. Kung ayaw niyang makijoin sa atin then be it" tila nagpapadinig pang sabi ng pinsan ko kaya kagyat akong napahinto.

I know na nagtatampo na siya sa'kin dahil magmula nung mawalan ako ng condo ay tanging si Miss Zera lang ang sinabihan ko nito. I'm keeping it to my cousin and tito dahil nahihiya na rin akong makituloy sa kanila. I'm currently staying in this hotel gamit ng ipinahiram na pera ni Ellery. Although, she offered me to dwell in her place for the meantime ay tinanggihan ko ito. Alam ko kung gaano kastrikto ang kapatid ko pagdating sa mga bagay-bagay at hindi ko 'yun kayang sundin lahat kaya maigi pang magtiis muna sa hotel PANSAMANTAGAL. On Devin's hand, alam niyang may itinatago ako sa kaniya kaya ganiyan ang naging resulta, nagtatampo.

Nang maiwanan ang tatlo sa tinatambayan namin ay dumiretso ako sa pinakamalapit na convenience store para magpalamig muna ng ulo at bumili na rin ng kakainin ko for my early dinner.

Kumuha muna ako ng mga kakailanganin ko at agad na nagbayad na sa cashier before I went to this corner to make a self-made overload sandwich. There are a bunch of students inside this convenience store kaya kailangan ko pang makipagsiksikan sa mga nakaupo, malayong-malayo ito sa nakasanayan kong buhay noon. Kung tutuusin ayoko sa matataong lugar pero wala akong magagawa sa ngayon. Kailangan kong magtiis.

I was eating my sandwich and iced coffee peacefully nang biglang magring ang phone ko.

It was Ellery. Nakailang ring din ito bago ko tuluyang sagutin.

"Oh?" walang gana kong sagot.

"Well, I phoned you to tell na mom and dad will be back tomorrow. Baka may balak kang ayusin ang buhay mo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝐓𝐀𝐒𝐓𝐄 𝐎𝐅 𝐇𝐄𝐑 𝐕𝐄𝐍𝐎𝐌 [Slow Updates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon