Chapter 28

78 2 0
                                    

CHAPTER 28

Forgive

Noong umaga, hindi agad ako pumasok sa classroom pagdating ko. Nasa labas kasi si Karim, Kat, Gavin, at Donovan ng classroom, baka naghihintay. Tapos noong dumating naman si Lorenzo, gusto sanang sumugod ni Karim pero agad na nakahawak sa kanya yung tatlo. Hindi naman niya magawang hawiin dahil baka masaktan din si Kat.

Kaya noong nagbell, tinulak na ni Donovan at Gavin si Karim para pumunta sa classroom niya at doon lang ako pumasok sa silid.

"Yung boyfriend mo, mukhang susugurin pa yata ako," napakamot ng batok si Lorenzo.

"Ganoon talaga 'yon! Grabeng magselos kahit wala pa sila ni Phoebe. Tapos ngayon, siya yung gagawa ng katarantaduhan tapos luluhod kasi hiniwalayan ni Pheebs," kwento ni Arlene.

"Basta lahat ng nagkakagusto kay Phoebe last year, pinapatay na yata ni Karim sa utak niya," natawa nang mahina si Peter. "Isa rin kasi ako sa nagkagusto kay Phoebe tapos kung makita mo lang paano magwalk out si Karim o samaan ako ng tingin..." Umiling siya.

PE yung first period namin ngayon. Kaming apat ni Arlene, Peter, at Lorenzo ang magkalaro pero nauwi sa kwentuhan na lang. Naaninag ko naman si Alceo at yung kaklase kong si Faith na magkausap.

May maku-kwento ako kay Kat pero baka masaktan lang din siya. Parehas na kaming brokenhearted dahil sa dalawang babaeng nagsisimula sa F ang pangalan.

"Sinong tinitingnan mo?" Tanong ni Peter at tumabi sa akin para sundan yung tingin ko.

"Si Faith at Alceo ba?" Usisa ni Arlene.

Tumango ako. "Crush kasi ni Kat si Alceo. Sabi niya, bantayan ko raw." Ngumuso ako.

"Narinig ko nung isang araw, sila na raw, ha?" Si Lorenzo at pinaglaruan ang racket, inikot ikot sa kamay niya.

"Sila na?!" Namilog ang mga mata ko.

Patay... ngayon, tiyak kong masasaktan si Kat.

"Noong Monday lang daw sila. Lowkey."

"Lowkey ba 'yan? Halos maghalikan na—ayun nga, naghalikan na," si Arlene.

Sabay kaming apat na nag-iwas ng tingin sa kanila. Lumapit ako sa bag ko at sumunod naman silang tatlo sa akin. Sa bag lang din ako nagtext dahil baka masita ako ng teacher.

Ako:
Kat, si Faith at Alceo na raw.

"Paano ba 'yan, parehas na brokenhearted ang dalawang babae ng Chasing Celestine?" Si Peter na nakataas ang kilay.

"Si Kat lang naman yung babae roon. Hindi ako kasama."

"Kasama ka! Ikaw nga yung muse noong banda, 'di ba? Nasa pangalan ng banda nila yung pangalan mo," ani Arlene na in-on ang kanyang portable fan.

"May pa-gawa pa ng banda 'yang si Karim, magloloko lang pala," humalukipkip si Peter.

Panloloko na ba yung ginawa ni Karim? Paano kung wala naman talaga sa kanya yung laro na iyon? Pero imposibleng hindi rin niya mahalata na may gusto na sa kanya si Fairy! O posible... dahil hindi naman din niya nahalata na gusto ko na siya noong magkaibigan palang kami?

"Yung iba nga, umiiyak kapag kinakasal pero kumakabit din pagkatapos," kaswal na sabi ni Arlene.

"Woah!" Humalakhak si Peter at Lorenzo.

"Ano 'yon? May kabit si Karim?" May isang grupo na naki-usisa sa pinag-uusapan namin.

"Chismoso!" Sumimangot si Arlene.

"Ito naman... nagtatanong lang, eh." Napakamot sa ulo yung isang lalaking kaklase.

"Yung si Fairy ba? Maraming nag-away na mag-jowa dahil sa kanya, ah?" Yung babaeng kaibigan noong nagtanong.

When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon