Sean Chardeux
Ewan ko ba kung sa'n kumuha ng lakas ng loob 'tong si Natasha. Up until now hindi pa rin nagprocess sa utak ko 'yung nangyare eh. Parang hindi totoo. Hindi ko inexpect 'yon.
"Nakita ko kasi siyang nilalandi ng cashier kaya ayon niligtas ko lang kunware girlfriend niya ako." tumawa si Natasha habang kumakain kami sa isang fast food.
Tumawa lang din si Aurella. I hope she's convinced huhu. Kakarating ko palang sa Cebu, na issue na agad eh.
Pero inaamin ko, malambot talaga ang kamay at balay ni Natasha. Up until now, nararamdaman ko pa rin 'yung kamay niyang nakadikit sa braso ko eh.
Damn! Ayokong mag-isip ng gano'n.
Kakakilala ko lang kay Natasha tas gano'n agad, hindi.
**
"Oh sige, bye sissy ko. Mag-ingat ka ah. Mwa!" nag hug pa silang dalawa sa harapan ko.
"Oh sige, kayo din." sambit ni Natasha kaya naglakad na rin si Aurella pero nakatayo lang ako do'n at nagkatinginan kami ni Natasha bago siya naglakad.
"Hoy, tara na, Sean!" lumingon si Aurella sa'kin.
"Uhm, Natasha!" sambit ko kaya napalingon din siya. "Mag-ingat ka." ngumiti lang ako. At ngumiti naman siya.
"Uy uy uy, ano 'yan? ako 'yung kinikilig sa inyo eh. Kdrama??" pang-aasar ni Aurella sa'kin.
"Tara na nga! Baka hinahanap kana nina Tito at Tita." sambit niya kaya sumunod nalang rin ako.
Andaming nangyare ngayong araw. Kinikilig na naman ako eh. Partida wala pang 24 hours simula no'ng dumating ako sa Cebu.
**
"Oh nakauwi na pala kayo." sambit ni Tita Rochelle.
"Oo nga po eh, kumpleto na din daw requirements namin." sagot ni Aurella at tumango naman si Tita Rochelle.
"Ay, mag lunch muna kayo. 1pm na oh." paga-aya ni Tita Rochelle.
"Ay hindi na po, kumain na po kami Tita." sabi ni Aurella at tumango naman si Tita Rochelle.
Umakyat na si Aurella sa itaas papunta sa kwarto niya at susunod na sana ako nang biglang nagsalit si Tita Rochelle.
"Ay Sean, si papa tsaka mama mo nasa kwarto niyo pala." sambit nito at tumango lang ako.
Umakyat na ako at dumiretso sa kwarto ko. Binuksan ko ang pintuan at nagulat ako.
Napangiti nalang ako sa nakita ko. Isang Laptop. "Oh, magagamit mo 'yan kasi HUMSS ka 'di ba? Tinanong ko si Aurella eh ang sabi daw puro essay writings kayo at magagamit daw ang laptop."
Tumawa nalang ako dahil 'di ko inexpect 'to. Well okay na rin, magagamit ko sa pag-aaral. Ipad lang kasi ang gamit ko sa GenSan and to be honest, mahirap siya.
Promise magiging productive na ako this school year.
**
"Kailan ka uuwi sa GenSan, Ma?" tinanong ko si Mama habang nasa kuwarto namin siya. "Bukas na agad, 'nak."
Tumango nalang ako. "Ahh." pero dinugtongan ko 'yon. "Sana all." kaya natawa nalang kaming dalawa.
Gusto ko rin namang bumalik sa GenSan eh, 'yon ay kung may pipigil sa'kin. Pag wala, edi wag pake ko sa'yo, Natasha.
"Kaya niyo na 'yan dito, 'nak. Naandyan naman ang mga pinsan mo dito at magkakasundo naman siguro kayo. Nakita ko ngang parang magkasundo na kayo ni Aurella." Napatawa nalang ako.
"Oo nga po eh. Okay na din 'yon para may makausap naman ako dito. Baliw na Jacoby 'to hindi namamansin." Tumawa ulit kami ni Mama.
"Hayst, alam mo naman 'yang kapatid mo."
**
Kinabukasan ay naligpit na si Mama ng mga gamit niya. Kaunti lang naman ang dinala niyang damit dahil dalawang araw lang naman ata siya dito at aalis din agad. Hinatid niya lang kami sa Cebu pero babalik din naman siya dito sa susunod.
Kinabukasan ay ginising ako ni Aurella. "Oy, Sean. Naghihintay daw si Natasha sa'yo sa baba."
Agad na kumunot ang noo ko. "Huh? gagawin niya dito eh ang aga-aga." nakapikit pa ako at nakataklob ng kumot. Mata ko lang ang nakalabas dahil malamig at inaantok pa ako.
"Sige ayaw mo gumising ah. Ay, andito pala si Natasha."
**
BINABASA MO ANG
Moments Of Serenity
Teen FictionSean Chardeux Velluego, an incoming Grade 11 student, needs to go to Cebu. He has to leave his town, GenSan, to study. He will now meet a Grade 12 student named, Natasha Ghianne Pataghona. She's one-year older than Sean Chardeux. "Moments Of Sereni...