Natasha Ghianne
Hala, nag-goodbye ba siya sa'kin?? seryoso?? Pero bakit ako kinikilig? bakit namumula ang mga pisngi ko?
"Para po." pumara na ako ng jeep at 'saka bumaba....
Hoy! Nakapagbayad ako ah! Kala niyo sa'kin, hindi ako marunong mag 1-2-3 'no!
Naglakad lang ako ng 2 minutes papasok sa subdivision na tinutuloyan namin.
Pagkapasok ko sa unit namin ay walang tao. Kaya tinawagan ko kaagad si Mama.
Mama: Oh?
Natasha: Nasaan kayo, Ma? walang tao sa bahay.
Mama: May lakad ako ngayon. Nasaan na ba 'yung papa mo? Ang sabi ko 'wag umalis d'yan eh!
Natasha: Hayst. Don't tell me nag-away nanaman kayo?
Mama: Eh ano pa ba.
Natasha: Hay nako!
Mama: Basta hayaan mo na, 'nak. Aayusin namin 'to ng Papa mo. Kaming bahala, okay? Tampohan lang naman 'to.
Natasha: Okay.
Mama: May carbonara d'yan sa ref, kainin mo nalang total paborito mo naman 'yon.
Natasha: Wait, talaga? Busog pa ako pero sige HAHA thankyou, Ma!
Mama: Oh sige na, ibaba ko na. Ingat ka d'yan at maglock ka ng pinto ikaw lang d'yan sa bahay.
Natasha: Sige.
**
Kinabukasan ay napagdesisyonan ko na tumambay kina Aurella dahil palagi naman akong tumatambay do'n.
Oo tatambay lang ako do'n, hindi dahil kay Sean.
"Oh, ang aga pa aalis ka kaagad?" sambit ni Mama sa kusina nang makita akong papaalis.
"Oo, Ma. Pupunt-" putol ang pagkasabi ko dahil dinugtongan ito ni Mama. "Hindi, magtumigil ka sa bahay, Asha. Puro ka gala."
Napabuntong-hininga nalang ako. "Ma, kina Aurella ako pupunta."
"Ahh, si Aurella? Oo si Aurella. 'yung kaibigan mo 'yan 'di ba?" tumango ako. "Okay sige mag-ingat ka, 'wag ka magpagabi ha umuwi ka agad."
Tumango lang ako bago umalis ng bahay. Natawa pa nga ako dahil meron talaga tayong kaibigan na kapag siya 'yung irarason natin, papayagan agad tayo. Dati kasi noong palagi pa nagpupunta si Aurella sa bahay eh nagandahan na si Mama sa kaniya.
Palagi pa nagchichismis 'yang dalawa sa bahay. Ito namang si Mama ay tuwang-tuwa pag kausap si Aurella.
Noong on the way na sana ako palabas sa subdivision dahil do'n ako sasakay ay biglang humarang sa daan ko si Ethan.
"Hay, ano ba, Ethan?! Nagmamadali ako, Tabi! Alis ka d'yan!" Pero hindi siya nagpatinag at nakatayo pa rin siya sa harap ko.
Akma niya akong yayakapin pero natulak ko pa siya. Amoy alak pa nga ito. "Ano ba! Amoy alak ka. Uminom kaba? Ang aga-aga, Ethan ah!"
Tumawa lang siya. "Bakit? Mas pipiliin mo 'yung lalakeng 'yon kesa sa'kin?" kumunot ang noo ko sa sinabe niya.
"Pinagsasabe mo?" pero tumawa lang din siya. "'yung gagong 'yon, hindi siya para sa'yo. Dahil ako ang para sa'yo, Natasha."
Tinawanan ko lang siya. "Lasing ka lang, bwesit ka. Tabi na, aalis na ako may pupuntahan pa ako."
Hindi ko na inantay ang sagot niya at naglakad na ako. Nilagpasan ko siya pero nahila niya pa 'yung braso ko. "A-aray ko, Ethan. ANO BA!" iwinaksi ko 'yung kamay ko at bahagya s'yang tinulak.
Pero dahil lasing siya ay konting tulak lang ay natumba agad siya. Kaya napahiga ito sa daan."Hindi nga kita gusto! Ngayon tumigil kana d'yan."
Tinignan ko muna siya bago tinulongang makatayo. Nakokonsensya din ako eh. Pinatayo ko muna siya bago ako umalis.
"Sige na tumayo kana d'yan." Tumayo naman siya. Pero nang makatayo na siya ay winaksi niya 'yung kamay ko at 'saka ng lakad paalis.
Napabuntong-hininga nalang ulit ako at umalis nalang din.
Nang makarating na ako sa bahay nila Aurella ay pinapasok naman ako ng Tita Rochelle niya since close naman kami. "Ay, Natasha! Naandito ka pala sige pasok ka."
Ngumiti naman ako at pumasok. "Nasa'n po si Aurella?" umupo naman ako sa couch nila. "Ay nasa itaas teka tatawagin ko lang. Kumain kana ba? Hali ka may pagkain dito."
"Ay hindi na po, kumain na po ako." sambit ko. "Sigurado ka?" tumango naman ako.
"Oh sige, wait tatawagin ko lang si Aurella." Tumango ulit ako.
Nakita ko naman ang kapatid ni Aurella na nanonood ng cartoons sa TV at nilapitan niya ako. "Hello po, Ate Atasha." Ngumiti ako at natawa sa pag pronounce niya ng name ko.
"Hello, Angela!" ngumiti naman ito at kinakagat-kagat pa ang daliri. "Ang ganda mo po."
Nagulat ako sa sinabe niya kaya napangiti na lang din ako. "Thank you, ikaw din ang ganda-ganda mo, Angela." hinaplos-haplos ko 'yung noo niya.
Nakita kong bumaba na si Tita Rochelle at sinabeng umakyat na daw ako sa itaas dahil ando'n na si Aurella kaya tumango ako.
"Sige, akyat lang ako, baby ha. Pupuntahan ko lang Ate Aurella mo, okay?" tumango naman ito kaya umakyat na ako sa hagdan.
Nakita kong nasa itaas na si Aurella at may kinakausap sa loob ng kuwarto habang nakatayo siya sa pintuan. At biglang niyang sinabe.
"Sige ayaw mo gumising ah. Ay, andito pala si Natasha."
Kaya lumapit ako do'n. "Sino 'yan?" tanong ko at nang makalapit na ako ay nanlaki ang mata ko nang makita kong sino ang mahimbing na natutulog.
Ang cute niya tignan sa gan'yan. Nakataklob ito ng kumot at ginaw na ginaw habang nakapikit.
**
BINABASA MO ANG
Moments Of Serenity
أدب المراهقينSean Chardeux Velluego, an incoming Grade 11 student, needs to go to Cebu. He has to leave his town, GenSan, to study. He will now meet a Grade 12 student named, Natasha Ghianne Pataghona. She's one-year older than Sean Chardeux. "Moments Of Sereni...