Chapter 18

3 3 0
                                    

╔.✯. .═════════════╗
CHAPTER 18
╚════════════. .✯ . ╝

Nandito kami sa sapa para bantayan ang mga bata dahil nag lalaba sila ng mga damit nito. Naka isang linggo na sila at kailangan na nila mag laba ng damit nila

"Ngayon ko lang to ginawa, akala ko naman may taga laba ng labahin natin" Sabi ni Cinco at kinukuskos ang damit niya

"Kapag ba nasa laban kayo may tagasunod bang kasama para labhan ang dami niyo? Diba wala, kaya matuto na kayo asikasohin ang sarili niya"

Sabi ni Rosh habang nag nag papaypay at naka higa, sinimangutan naman siya ng iba. Mabuti na lamang may taba laba ng suot namin

Pinapanood ko naman ang iba nag lalaba kahit na nahihirapan. Nakita ko din si Jasper na masayang pinapagpag ang damit niya dahil sa wakas naka tapos na siya ng isa

Malakas naman ang pag banlaw ni Riel kaya natamaan ang katabi niya na si Jec. At ang ending binawian siya nito hanggang sa mag basaan na silang dalawa

"Ikaw nauna ah! " Sigaw ni Riel at nabasa na nila ang iba pa nilang kasama. Dahil dun nag away away na silang lahat at ang iba nag lulunuran pa

"Kung humingi ka lang sana ng paumanhin diba! "

"Hoy tama nayan" Sabi ko at tatayo na sana pero pinigilan ako ni Rosh. Nag tataka ko naman siyang tinignan

"Hayaan mona sila hindi naman masamang mag enjoy sila" Naupo naman ako at pinanood ko silang nag lalaban parin pero tumatawa na sila

Kung kagaya lang nila ako ganyan din ba ako tumawa? Nakaka inggit dahil kaya nila gawin yan. Sana pinanganak nalang akong may emosyon o ekspresyon

"Lalakad muna ako" Paalam ko sa kanya

"Okay take your time" Iniwan ko naman na sila dun at pumunta na dulo ng ilog na hindi kalayuan. Meron isang bato doon na pwedeng humiga inaantok din ako

Hindi ako maka tulog sa pwesto ko kanina dahil ang ingay nila kakareklamo. Humiga naman ako dun at nag simula ng matulog

Palalim palang ng tulog ko nang may maramdaman akong presensya sa gilid ko. Hindi pako dumilat dahil inaalam ko pa ang gagawin niya

Naramdaman ko naman na hahawakin ako nun ay bumangon nako at tinutok ang espada ko na nasa gilid lang

"Elise... " Nagulat naman ako dahil nasa harapan ko si France at may hawak na ahas. Lumayo naman ako medyo dahil takot ako sa ahas

"Muntik kana tuklawin na pwede mong ikamatay, at tinutukan mo pako" Hinulog naman niya ang ahas at tinapakan sa ulo kaya agad na namatay

"Akala ko kung sino, patawad" Lumapit naman siya sakin at hinawakan ako sa mukha

"Hindi mo manlang alam ang presensya ng kasintahan mo" Namula naman ako sa sinabi niya kaya mahina siyang natawa. Ang hilig niyang pagkatuwaan ang nararamdaman ko

"Wala naman tayo" Sagot ko naman sa kanya

"Not yet, pero malapit na" Tumabi naman siya sakin kaya sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Pinapanood ko din ang pag agos ng tubig na sobrang linaw

𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon