patuloy kong nilalaban
pero bakit binibigyan mo'ko ng dahilan?
binibigyan mo'ko ng dahilan para ika'y bitawan.pilit kong inaayos
kahit gusto ko ng matapos.
pilit kong nilalaban
kahit gusto ko ng wakasan,
dahil ikaw ang aking pinaghahawakan.patuloy kitang ilalaban,
sa digmaang walang kasiguraduhan.
patuloy kitang pipiliin
kahit di mo 'ko pilitin.patuloy kitang iintindihin
sapagkat ganto kita mahalin,
iintindihin ka nang iintindihin;
paulit ulit kang pipiilin.naisin mang lumisan pero di magawa,
sapagkat ako'y wala ng kawala.
wala ng kawala para bumitaw pa,
wala ng kawala para lumisan pa,
wala ng kawala para tumigil pa.simula ng pinili kita,
pinili ko na rin na kapitan ka,
kakapitan ka kahit gano pa katalim,
patuloy kang kakapitan kahit puso ko'y nasusugatan na rin.patuloy kang ilalaban,
sa digmaang ako lang mag-isa ang lumalaban.- Luiza