WHO

14 6 55
                                    

CHARACTERS:
- Luci
- Amanda
- Delia
- Sam
- Nova
- Tricia
- Reya
- Cheska
- Stefanie

- Jiroe
- Gael
- Saor
- Yael
- Jerick
- Raymart
- Jake
- Kenneth



“Yes, may pa-birthday na rin!”

I grabbed my things, preparing to go home. It's already 7 PM at uwian na, kailangan ko pang mag-review para sa gaganaping exam bukas.

I was about to walk out of the classroom when someone grabbed my arm. “Hindi ka sasama?” I heard Sam's voice. Tumingin ako sa kaniya, kasama niya sa likod niya sina Tricia at Nova.

“Dali na, masaya 'to!” Nova said. I know that they talking about Delia's birthday sa bahay nila. Nakakahiya rin naman kung humindi ako, ako na lang ata ang hindi pumapansin sa celebration nila, baka sabihin pa na KJ ako.

Tumango ako. “Diretso na ba tayo sa kanila?” I felt Sam's grip loosen, tumango siya at inakbayan ako bago kami sabay-sabay na lumabas ng classroom. Buong section ata namin ang sasama, puwera na lang kung humindi ako.

While walking out of the school, I already texted my mother about this. Kaunting scolding lang ay wala rin naman siyang nagawa sa huli at pinayagan din ako. Hindi pa ako nakakapunta sa bahay ng kung sinong kaklase ko, first time ko pa lang 'to.

Sumakay kami ng jeep, kakaunti lang naman kami, 17 lang. Pagkababa'y dumaan pa kami sa eskinita bago makapunta sa bahay nila Delia. Judging, full package of 9 over 10, malaki ang bahay nila kaya sigurado akong kakasya kami ron.

“Wag kayong mahiya, guys. Wala si mama.” Pagkatapos sabihin 'yon ay parang mga asong nakawala sa koral ang mga kaklase ko, kaniya-kaniyang lakad sa loob ng bahay nila na parang alam ang pasikot-sikot dito. Habang ako ay nanatili ako sa doorway, bumaba ang tingin ko sa kumpol-kumpol na sapatos ng mga kaklase ko, I can't help but to arrange their shoes. That's one thing about me, I know it's not OCD pero I like to arrange things lalo na kung magulo talaga.

“Hey, tara rito,” wika ni Delia at hinatak ako sa loob. Umupo ako sa sofa nila at nagmasid. “Si Jake nasa kusina na, mga kurakot talaga ng pagkain 'yon. Ano'ng gusto mo, juice, water, coffee?” Umiling lang ako at bahagyang ngumiti sa alok niya. Nagpaalam siya at umalis, sinundan siguro ang iba namin kaklase.

I sighed when I felt a head resting on my shoulder, I immediately know it's Jiroe. “Okay ka lang?” He mumbled, tumango lang ako. Kahit pa'y nerd ang datingan ng lalaking 'to, masasabi kong guwapo pa rin siya, dinadagdagan pa ng glasses niyang wala namang grado.

Umalis siyang saglit at bumalik dala-dala ang dalawang bago ng orange juice. “Kung hinindian mo si Delia, wala kang choice sa akin.” Inilapag niya ang isang baso sa lamesa na nasa harap namin bago ibinigay sa akin ang isa.

I took a sip. “Ba't hindi ka umiinom?”

“Wow, parang alak iniinom natin, ah?” Pabiro itong tumawa. “Mamaya na, kakainom ko lang ng malamig na water, baka mamalat dila ko.”

“Gano'n ba 'yon?”

“Eme lang.” I sighed at his answer. Inilapag ko rin ang baso hawak ko.

“Nasaan sila?” Tanong ko matapos mapansing kaunti lang kaming nasa sala.

“Kitchen, bini-bake 'yung cake.”

“Bini-bake?”

Lumingon ito sa akin bago ako bitawan ng irap. “Duh, baking. Wala ka talagang future sa cooking.”

“No, I mean... at this hour?” I looked at my watch. “It's nearly 8 PM, baka hindi na ako maka-uwi.”

Kunot-noo itong tumingin sa akin. “Wala ng uwian 'to, 'di mo alam?” Bahagyang napalaki ang mata. Agad akong tumayo at isinukbit ang bag ko, na siyang nakita ng ilang mga kaklase naming nasa sala rin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One ShitsWhere stories live. Discover now