CHAPTER 47

Ang hirap tanggapin ng lahat. Pero alam kong nariyan sila para suportahan ako. Hindi pumayag si Nathan na bumalik ako sa trabaho kahit okay na ako.

"Nate." tawag ko sa kanya.

"Hmm?" Ngumuso at napayuko ako. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko.

"Gusto kong bumalik sa Hotel." lakas loob kong sabi.

Tiningnan ko siya at natigilan siya sa pagtipa sa laptop.

"Say it again?" Nakakunot ang noo niya nang tumingin sa'kin. "Gusto mong magtrabaho ulit?"

Tumango ako.

"But I want to work. Ayoko naman na maghapon lang ako dito. Ang boring din kaya, Nate." sa sinabi kong iyon, mabilis akong hiningal.

"Here we go again, Shaniya. Hindi ka na nga puwedeng bumalik sa trabaho. Kapag ipinilit mo ang gusto mo, you'll risk your life." Yumuko akong muli. Naramdaman ko na lang ang kamay niya sa balikat ko. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko. Hinapit niya ako't niyakap.

"Ayoko lang na may masamang mangyari sa'yo." he whispered.

"I know. At ayaw ko rin naman iwan ka." Niyakap ko na lang siya.

Katulad ng naunang ginawa sa'kin noon, maga-undergo ako sa heart surgery.

At ang ikinatatakot ko ay ang mga posibilidad na mangyari pagkatapos ng surgery.

"Kinakabahan ka ba?" mabilis akong napalingon kay Nathan dahil sa tanong niya. Ngumiti ako pero hindi maalis ang takot.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"H'wag kang matakot. Andito naman kami para sa'yo. Hmm?"

Huminga ako ng malalim kasabay ang pagyakap niya sa'kin.

"Natatakot talaga ako. Pa'no kung hindi maging successful ang operasyon? Pa'no na-"

"Shh..H'wag mong sabihin 'yan." tiningnan niya ako sa mga mata habang hawak ang kamay ko. "Kapag naging maayos ka na. I promise, I'll marry you.." lumapit s'ya sa'kin at hinalikan ako sa noo.

"Talaga? Promise 'yan huh?"

"Mag promise ka na kakayanin mo,"

"Promise.." Nag pinky promise pa ako.

"Ano 'yan?" tukoy niya sa daliri kong nakapinky promise.

Kinuha ko ang hinliliit na daliri niya and I sealed my promise.

"Promise. Hope to die." Ngumiti pa ako sa kanya at mabilis niya akong niyakap.

Saving for Tears (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon